Takot ang namuo saking dibdib nang makita ko saking harapan si Pavon. Tila na dikit ang aking mga paa sa aking inaapakan, hindi ako makagalaw o makakilos man lang. Isa ba itong masamang panaginip? Kung isa itong panaginip, sana.....sana ay magising na ako, ayoko ng manatili sa panaginip na ito. Ayokong maniwala na totoo ito, natatakot ako....natatakot ako sa kanya.Alam kong dadating talaga ang araw na magkikita't mag kikita kami ni Pavon, pero hindi ko inakala na mahahanap nya ka agad ako. Ito na ba ang katapusan ko?
"Tila nagulat ka, aking prinsesa" dahan dahan sumilay ang ngiti sa labi ni Pavon.
"P-pavon" gusto kong tumakbo, ngunit hindi ako makagalaw.
"Petunia!" agad akong napalingon kay Seb nang tawagin nya ang aking pangalan, tila nagkaron ako ng pagasa, tumakbo ako palapit sa kanya at yumakap. Ramdam ko ang gulat sa kanya. "Ayos ka lang? B-bakit ka umiiyak?" Hinawakan nya ako sa aking balikat.
"S-si... Pavon" bulong ko, hindi ko alam kong narinig nya ang aking sinabi.
"Sino ba yung kausap mo? Kilala mo bayun? Hindi ko alam na may iba ka palang kaybigan bukod samin" nagtatakang sabi ni Seb.
"Andito sya" tumingin ako kay Seb "nakita na nya ako".
"Sino?"
"Si Pavon, nahanap na nya ako...a-anong gagawin ko?" Nanginginig ang aking kamay. Kita ko ang gulat sa mukha ni Seb, agad syang tumingin saking likuran.
"Asan sya?" tanong ni Seb sakin. Lumingon ako saking likuran, ngunit walang Pavon akong nakita.
Andito lang sya kanina, panong na wala agad sya?
"Pumasok ka na muna, magpapatawag ako ng guard para hanapin sya dito"
-
Inabutan ako ng tubig ni Jin at hinawakan ako saking likod, pilit kong kinakalma ang aking sarili, ngunit nangunguna parin ang takot saking dibdib. Ano na ang aking gagawin, ngayong nahanap na ako ni Pavon? Kaylangan ko ng bumalik sa karagatan... Ngunit paano ako makakabalik kung wala parin ang aking mahiwagang buntot. Mababaliw na ata ko sa kakaisip ngayon.
" don cha worri Isda, kami bahala sa Pavon eh eh nayan. Ano ba gusto mong gawin namin sa kanya? Mamili kalang sa mga pag pipilian.
A. Gawing daing
B. A
C. B&A
D. Lahat nang nabanggitMahihirapan kalang mamili Petun, mahirap kasi ang mga ginawa kong pagpipilian." napatawa ako sa sinabi ni Ted.
"Hindi ka namin iiwan sa laban na ito Petunia" sabi ni Gello sa akin.
"Oo nga Petun, malapit na fiesta dito si Pavon ang ihahain namin. Pro-protektahan ka namin laban sa kanya- by the way... Ano ba itsura ni Pavon? Gwapo ba sya?" Ice. Binatukan sya ng malakas ni Lander.
"Bakla kaba Ice? Kadiri ka, sabay pa naman tayo minsan maligo" napahawak si Lander sa katawan nya.
"Ba-bakla ako? Gago kaba? Tinanong ko lang lang kung gwapo yung Pavon nayun, para ako na bahala na papangitin sya sa sapak nang kamao ko sa mukha nya" sabay taray ni Ice kay Lander.
"Sigurado ka bang si Pavon ang nakita mo? Baka imagination mo lang yun!" Jin.
"Imagination?" nagtatakang tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang salitang iyun.
"Imahinasyon o... Pwede ding guni-guni mo lang" pag papaliwanag ni Jin.
"Wow, galing ni Jin. Best in pilipino!" Ted.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasíaSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...