Hi guys! Don't forget to VOTE and COMMENT okey? Salamat sa inyoooo. All the Love. T
--
Narrator
Kasalukuyang nilalangoy ni Pavon ang karagatan kasama ang apat pa nyang kawal, papunta sila ngayon sa mundo ng may dalawang paa. Malaki ang ngiti sa kanyang labi, maraming bagay ang umiikot sa kanyang isipan pag nakita na nya ang Prinsesa. Samantala ang apat na kawal naman ay napupuno ng takot ang kanilang dibdib, ito ang kauna-unahang tutungtong sila sa mundo ng mga tagalupa.
Umahon ang kanilang ulo sa tubig, malayo layo parin sila sa pangpang, pero tanaw na nila ang mga masayang may dalawang paa na lumalangoy sa dagat. Nilibot nila ang kanilang mata, may nakita silang bangka sa hindi kalayuan, may sakay itong Limang magkakaybigan na masayang nagtatawanan. Hindi na nagdalawang isip ni Pavon na lumangoy palapit dito.
"Panget mo talaga Jon, wag kang lalangoy baka pag kamalan ka naming Sea horse" Nagtawanan uli silang magkakaybigan. Hindi naman makikita ang inis sa mukha ni Jon, dahil biruan lamang nila itong mag kakaybigan.
"Lul! baka ikaw pag kamalan naming Shokoy! Hahahaha" Ganti naman ni Jon kay Lester, nag sagwan uli ang mga magkakaybigan, hindi sila tumigil sa pag kwe-kwentuhan.
"Pwede ko ba kayong maistorbo mga tagalupa?" Sabay sabay silang napatingin sa isa't isa, hinahanap nila kung sino ang nagsasalita.
"Sino yun?" Nagtatakang tanong ni Mack.
"Ikaw bayun Jj?" Tanong ni Calden na hawak hawak parin ng sagwan.
"Hindi ako yun" Jj.
"Ako iyon" Napunta ang kanilang mga mata sa tubig, nanlaki ang mata nila ng may nakita silang Apat nalalaki.
"Oh bat nandyan kayo?" Tumatawang sabi ni Lester.
"Makikisakay ba kayo?" Tanong naman ni Jj, mahiwagang ngumiti si Pavon sa kanila. Tahimik naman ang apat na kasama ni Pavon, kinakabahan parin.
"Hindi...."
Nagkunutan naman ang mga noo ng mag kakaybigan. Napakamot sa ulo si Jon at nagtatakang tinignan ang mga ito.
"Anong kaylangan nyo?" Calden.
"Ang kasuotan nyo lang naman..." Dumoble ang pagtataka ng mga magkakaybigan, bakit kinakaylangan ng mga ito ang kanilang kasuotan.
"Bakit naman... wala ba kayong suot na damit?" Sinilip naman ni Mack ang ilalim ng tubig. Napanganga sya at agad na pa atras. Namutla ang kanyang mukha at tumatagaktak ang pawis nito. Kita ang takot sa kanyang mata, iniling nya ang kanyang ulo at inisip na hindi totoo ang kanyang nakita na namamalik mata lamang sya.
"Okey ka lang pre?" Hinawakan ni Jj sabalikat si Mack, ngunit nakatingin parin ito kay Pavon na nakangisi na sa kanya.
"Si-si-sire-si.." Binatukan ni Jon si Mack dahil sa pagbubulol nitong salita. "..SIRENA!!! HALIMAW"
---
/PETUNIA/
Hinabol ko ang aking sariling hininga, tumayo ako at kinuha ang lagayan ng aking tubig. Masamang panaginip uli, parang napapadalas na ang aking masamang panaginip, Bakit si Pavon pa ang aking napanaginipan? Lumakas nanaman tuloy ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nang maubuso ko ang tubig ay huminga ako ng malalim.
"Lansa!!!" Napatingin ako kay Ted, tinawag nya ako agad pagkababa ko mula sa aking silid. Nagaayos na sila ng gamit, ngayon na kasi ang alis namin, uuwi na daw kami sabi ni Seb sa akin. Tatlong araw lang naman pala kami dito, buti na lang nasulit ko ang paglangoy. Mamimiss ko dito.
"Bakit?"
"Ibigay ko daw sa iyo to pag gising mo" may inabot saking tinapay si Ted. Kinuha ko sa kanya ito.
"Sino nagpapabigay?"
"Si Seb" Namula agad ang aking mukha, Bakit naman ako bibigyan ni Seb ng tinapay? Pwede naman akong kumuha sa kusina, nagabala pa sya.
"Oy namumula sya, kilig ka naman" Tinusok si Ted yung tagiliran ko kaya hinampas ko ang kamay nya.
"Hi-hindi kaya" Tinalikuran ko sya at pumunta sa tabi ni Gello na tinutupi ang kanyang damit.
"Magandang umaga sayo" Bati nya sa akin, binati ko narin sya at pinanood mag tupi ng damit.
Parang sa mga mag kakaybigan si Gello ang tumatayong tatay sa kanilang lahat, sya kasi laging umaawat kila Ted pag nagtatalo talo sila nila Ice, sya pa yung nagluluto o naglilinis. Kaya mas gusto kong kasama si Gello kaysa sa kanila, gsuto ko rin naman sila Ted pero lagi kasi talaga nila akong niloloko, si Gello lang ang nagtatanggol sa akin.
"Oo nga pala, nabanggit ba sayo ni Ted kung saan tayo next week pupunta?"
"Hindi ee, saan ba?"
"Sa Ocean Park" Nangningning ang aking mata. Park?
"Nakapunta na ako ng Park, dun ko nakita yung mga kaybigan kong Isda na binibenta" Nalungkot din ako nang maalala ko yung mga nangyaring iyon.
"Iba itong pupuntahan natin" May pag aalinglangan sa muka nya. "Basta wag kang iiyak sa mga nakikita mo.. naaalagaan naman sila doon" Nagtaka ako sa kanya.
Wag akong iiyak? Naaalagaan sila doon? Sinong sila ang tinutukoy nya, kilala ko kaya ang mga iyon? Ang gulo naman nya.
"Aalis na!" Tumayo na kami, sabay kaming lumabas ni Gello. Nakita namin si Ice, Lander at Seb na nasa labas parin ng Van. Nagkatinginan kami ni Seb, Kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya.
Naramdaman ko ang paglapit ni Seb samin ni Gello, namawis ang aking kamay at bumilis ang kabog ng aking dibdib. Ano bang nangyayari sa akin, hindi naman ako dati ganto sa kanya ah, bakit parang naiilang na ako sa tuwing kasama ko sya.
"Halika na!" Hinila nya ako paalis kay Gello, napatingin ako kay Gello na ang laki ng ngiti sa labi. Isinakay nya ako agad sa Van, katulad dati nasa tapat ako ng Bintana at katabi ko uli sya.
"Lansa, sa OCEAN PARK TAYO NEXT WEEK! EXCITED NA AKO" Tuwang tuwang sabi ni Ted, nakisali narin sila Ice at Lander. Tinignan ko si Seb na nakabusangot lang ang mukha nya.
"Ano bang meron doon?" Inosente kong tanong sa kanila.
"Marami kang makikiang is-djsbdkad" Tinakpan ni Jin ang bunganga ni Ted.
"Suprise nga diba?" Inis na sabi nya kay Ted. Binitawan na nya ito at napakamot sa ulo si Ted.
Nagulat naman ako ng ipatong ni Seb ang ulo nya sa aking balikat, nahirapan ako sa aking paghinga. Unting unting nabulabog ang aking puso, may sakit na kaya ako? Sinilip ko ang mukha ni Seb, nakapikit sya, kitang kita ang tangos ng kanyang ilong at ang mapupula nyang labi. Jusko po.
Gusto ko na ba si Seb?
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasíaSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...