Mermaid - 14

19.2K 740 62
                                    


/TED/

Una palang ramdan ko na parang may mali, nasa Palengke palang kami habang naghahanap ng pwedeng ulamin namin pag punta namin kila Seb. Parang may kung anong bumabagabag sa puso't isip ko, yeah lalim un tol!

Seb love sea food kaya naisipan naming bumili ng sea food, Kahit anong pagkaing dagat gusto nya. Nag talo talo pa kaming Lima kung ano ang bibilin namin, ang hirap naman kasi mamili pag nasa palengke ka talaga, ang dami mong pagpipilian, pwede ka pa ngang tumawad.

Like what i said, yan english na yan. Dumudugo ilong ko sa kakatagalog, Pano ba naman kami pa ang kaylangan mag adjust kay Petunia. Buti nalang Gwapo ako at magaling mag turo, natuturuan ko narin sya ng mga English. Unang tinuro ko nga sa kanya yung 'Bards of thi Bobby' HAHAHAHA, langya sumakit tyan ko dyan. Binibiro ko lang naman sya nung una, aba sineryoso nga iyan. Ayan tuloy tumatak sa isip nya, nabatukan pa ako ni Seb.

Bumalik tayo sa Sea Food. Ilang beses ko inulit kila Gello na wag Tilapia ang bilin namin, nakakasawa na kaya iyon, nakakaramdan din kasi ako ng hindi maganda kaya tinanggihan ko, eto ngayon, tignan mo nangyari kay Petun. Ang kulit naman kasi nila, sabi ko nga sa kanila galunggong nalang o kaya mag Hipon na lang kami, pero ayan Tilapia parin sila.

Gusto lang naman namin pasalamatan si Seb dahi sa pakikipag cooperate nya samin, Alam nyo naman si Seb, masungit, akala mo buhat nya ang mundo. Pero dalawang itlog lang naman ang buhat nya. Nagtaka rin naman kasi kami, hindi na sya kumakain ng Sea Food simula ng dumating si Petunia, aba malay ko sa isang iyon, naumay ata.

Pero tol! Natauhan kami, kung hindi pa kami kinausap ng masinsinan ni pareng Seb hindi pa mag si-sink in sa utak ko ng bonggang bonga, nakalimutan namin na Isda nga pala si Petunia, kala ko Dyosa sya- de joke lang. Kaya pala nagulat si Seb ng makita nya yung Prinitong Tilapia.

"Kung hindi ko pa nakita, hindi ko pa malalaman kung ano ang ipapakain nyo samin"

Galit na galit talaga sya, alam naman namin na may Care free na sya kay Petunia, hindi lang nya pinapahalata kay lansa. Matagal tagal din naman silang nag sama sa iisang bahay, bagay din naman sila. Tutal mahilig si Seb sa Sea Food ayan biniyayaan sya ng Sea Food.

Nagulantang ang gwapo kong diwa nang makita naming namumutla si Petunia, parang sinipsip ng Linta yung dugo nya kaya naubos, pinag pawisan na din sya na akala mo kabilang sa Movie ng The Maze Runner. Mga 3 hours din namin syang pinakalma, galit na galit sya sa amin pero ang Cute parin nya.

Kinabahan kaming lahat, nag panic na nga ako.

Ang sabi ko kasi kila Gello na lagyan ng Sabaw, kung nilagyan nya iyon ng sabaw edi pwede ko pa sanaNg ipalusot yung naisip ko. 'Buhay sila Petun Lansa, nagpapalutang lang sila. Tignan mo may salba bida pa' kaso prinito nya e.

"Uminon ka ng marami" Kahit papano ay kumalmal naman sya. Pinaliwanag namin lahat sa kanya. Madali naman nya itong naubos, takaw talaga nito sa tubig.

I know it's not easy to her, Ako? Oo ako, kung ako ang nasa mundo nila, tas nakita kong may Priniritong tao syempre maiiyak ako, dahil manok ang gusto ko. Nakakakaba din kaya iyon ,makita mo yung kauri mong kinakain nila, malay ko baka mamaya ako na pala ang kinakain ng mga sirena, adiewao.

"B-bakit ganun... bakit nyo s-sila kinakain" Napakamot na ako sa aking ulo. Oh men. Kanina pa nya iyan tinatanong at kanina pa namin sya sinasagot.

"We don't know, Nung isinalang na kami dito sa mundong ibabaw kinakain na sila" Paliwanag ko. Pinunasan ni Seb ang isang luha na tumulo sa pisngi ni Lansa.

"Promise hindi na kami kakain ng mga lamang dagat" Pangangako ni Gello, sumangayon naman kaming lahat. Tumigil na rin sya sa kanyang paghikbi.

"T-talaga?"

"Oo naman." Paninigurado namin.

Pinagpahinga muna namin si Petunia Lansa, Inihanda pa ni Seb yung tutulugan nya dun sa Bathtab, nilagyan pa namin ng Towel yung hihigaan nya para hindi matigas, nilagyan ko pa nga ng Petals e.

"Next time mag isip kayo" Seb. Napakamot kami sa ulo namin.

"Oo na, nakalimutan lang talaga namin" Gello.

"Sabi ko kasi sa inyo, Hipon nalang ang bilin natin" Singit ko, kinuha ko yung siang Pillow at niyakap ko ito.

"Gag0! Lamang dagat rin yun" Bato ni Jin.

"Oo ikaw rin muka kang laman dagat! Shokoy" Sabay tawa ko, binag susuntok nanaman nya ako. Hilig talaga ko saktan nito.

"Sinaktan mo na nga akong Emotionally pati ba naman Physically?"

"Papatayin din kita" Sabay sabunot nya sa akin.

Ilang beses din kami pinahalalanan ni Seb tungkol sa mga bagay bagay na gagawin o bibilin namin, basta daw naka Connect sa Dagat o lamang dagat wag na wag daw naming dadalin o ipapakita kay Petun Lansa. Ang dami nga nyang sinabi, yung iba hindi na pumasok sa utak ko full na kasi. 12% na lang kasi yung stock nya kanina.

"Sayang balak ko pa naman ipatikim sa kanya yung Favorite kong Sinigang na Hipon" Bulong ko, napalumbaba ako.

"Ang hilig mo talaga sa Hipon, kahit mga Exs mo puro hipon...Kain katawan tapon ulo hahaha" Sinamaan ko ng tingin si Ice.

"Buti pa sakin Ice Cream" Proud na proud na sabi ni Lander, payatot naman.

Bumalik kami sa Kusina, nag tulong tulong na kaming mag luto. Buti nalang may Tocino dito sa ref ni Seb. Tocino lang lulutuin namin nag tulong tulong pa kami, ganun talaga team work ang tawag dito.

"Guys! May suggestion ako" napatingin sila sakin, nagpatuloy parin sa pag pri-prito si Gello ng tocino. Nasa lamesa ako katabi si Ice.

"Make sure na may Kwenta yan" Seb.

"Madalang kasi lumabas si Lansa...." Nangunot noo nila sa akin.

"Lansa? bakit ang dami mong tawag sa kanya?" Salubong na kilay ni Seb. Init agad ng ulo. Pansin ko lang ah, parang dati ayaw na ayaw na kay Lansa pero nung mga nakaraan lang para nagiging malapit na sya sa kanya. Ano kayang meron.

"Pake? Ikaw nga Isda tawag mo" Tapon ko ng salita, trip trip lang ito, walang pakielamanan ng buhay.

Nagpatuloy na uli ako ng sasabihin ko. Nag si upuan si Jin at Seb, si Gello nag luluto parin pero nakatingin sa akin. Nanatili namang nakatayo si Lander.

"Bakit di natin dalin si Lansa sa mga Resort? yung may swimming pool? Alam naman natin na namimiss din nyang lumangoy.... nakakaawa naman kasi kung sisisid sya dyan sa maliit na bathtab" Plaiwanag ko, nag sitanguhan naman sila.

"At dalin din natin sya sa Ocean Park" Masaya kong sabi, gustong gusto ko talagang pumunta duon. Kaso mga Kill joy itong mga kasama ko dito.


My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon