--
Sa ibabaw nang karagatan matatagpuan ang mundo ng may dalawang paa, kung saan masaya at payapang naninirahan ang mga tao. Makikita dito ang mga tao na lumalangoy sa maalong dagat, sumisilay ang ngiti o saya sa kanilang mga labi.
Sa pangpang nito ay matatagpuan sa dulo kung saan naninirahan ang may mga dalawang paa, malaki at iba't iba ang kulay nito.
Di kalayuan sa karagatan, may isang tirahan ang nalalayo sa maraming tao, nag iisa lamang ang tahanan nya na nakatayo dito.
Sa mundo nang may dalawang paa ay malalaman mo kung ang isang tao ay mayaman o mahirap. Nangyayari din dito ang pagiibigan nang mayaman at pahirap, ngunit ngayon lang nangyari ang pagiibigan nang isang tao sa isang sirena.
Nakaupo sa dalampasigan si Seb habang nakatanaw sa maalong karagatan, sumasampal sa mukha nya ang malakas at malamig na hangin na tila yumayakap sa kanya.Tumingin sya sa kalangitan at tinignan ang mga ibon na nagsisiliparan.
"Seb.." halata sa boses ni Ted ang awa sa kanyang kaybigan.
"Wala parin sya.." mahinang sabi nito sa kanya, napabuntong hininga sya at tumayo, pinagpag nya ang kanyang likuran.
"Babalik sya Seb, magtiwala ka babalik si Lansa"
Bago umalis si Seb ay tinignan nya uli ang karagatan, umaasang makita nyang ang sirenang iniibig nya.
--
Mabilis na lumangoy si Cecillia papunta sa trono ng hari, napahawak sya sa kanyang dibdib dahil sa pagod, ngunit hindi nya uli inintindi ito at nag patuloy parin sa paglangoy.
"Mahal na haring Cales!" saad ni Cecillia, kasalukuyang umiinom ang hari, ibinaba ni haring Cales ang kanyang gintong kopita.
"Ano nang iyong ginagawa rito Cecillia?" malumanay na tanong nang Hari. Yumuko si Cecillia upang mag bigay galang sa kanya.
"Ang prinsesa po.."
"Anong nangyari sa Prinsesa Cecillia?" nagsalubong ang dalawang kilay ni Haring Cales, umlis ito sa kanyang gintong trono ay lumangoy palapit kay Cecillia.
Nagkaron nang kaba sa dibdib ang Hari, tila na ulit ang pangyayaring ito. Ayaw na nyang maulit muli ang paghihirap nang kanyang mahal na anak, ang tanging gusto na lamang nya ay sumaya ito na walang dinadalang takot sa dibdib nito.
"Huminahon po kayo Haring Cales, naparito po ako upang ibalita po sa inyo na paparating na po ang Prinsesa" sumilay ang ngiti sa labi ni Haring Cales.
"Na saan na ang aking Anak?" tanong nang Hari, sasagot palag si Cecillia ng marinig nang hari ang boses nang kanyang mahal na anak.
"AMA! I miss you" lumangoy nang mabilis ang Prinsesa at agad yumakap sa kanyang Ama.
"Masaya ang puso ko ng makita kitang muli Prinsesa" naiiyak na sabi ni Haring Cales.
"Ang drama mo naman pa, baka maging best actor kanyan ah" natatawang sabi ng Prinsesa na ikina-kunot nang noo ng hari.
"Ayan ka na namn sa mga salita mong hindi ko maintindihan" bumitaw sa pagyakap si Petunia.
"Sorry nemen, nasanay lang naman po ako aking ama sa mga salita sa mundo ng may dalawang paa"
"Ngunit wala kana sa mundo nila, hindi tayo magkaintindihan sa mga lumalabas sa iyong bibig" ngumuso ang pinsesa at niyakap muli ang kanyang ama.
"Hahaha opo ama, aayusin ko na po ang aking pananalita" bumitaw muli sya.
"Kamusta ang iyong limang buwan na pag sasanay?" lumangoy sila upang maupo sa gintong kabibe.
"Marami na po akong natutunan sa aking pagsasanay- ay oo nga po pala ama, maaari po ba akong pumunta sa paaralan? nangako po kasi ako sa kanila na pagbalik ko ay tuturuan ko sila" tumaas ang isang kilay ni Haring Cales.
"Ano naman ang ituturo mo sa kanila?"
"Hehehe, basta po secret na malupet.... sige po ama at akoy lalarga na, babush!" lumangoy si Prinsesa kasunod ang iba pang kawal nang palasyo.
---
"Seb, hanggang kaylan ka magiging ganyan?" inis na sabi ni Gello sa kaybigan.
Kinuha ni Seb ang unan at itinakip nito sa kanyang mukha at pimikit. Napakamot si Gello sa kanyang ulo dahil sa inaasal nang kanyang kaybigan.
"Pabayaan mo na muna kasi yang si Seb, nangungulila yan sa amoy ni Petun lansa" Ice.
Umalis ang magkakaybigan sa kwarto ni Seb, ngunit bago pa man tuluyang makalabas si Gello ay may isinabi sya dito.
"Kung tutunganga ka lang dyan at araw araw mo syag hintayin sa dagat, wala talagang pag asa na makikita mo sya" at isinira na ni Gello ang pinto.
Napaisip si Seb sa sinabi ng kanyang kaybigan. Gustuhin man nyang puntahan si Petunia, ngunit hindi nya ito magagawa, wala syang kakayahan na puntahan ito sa kailaliman nang karagatan, at hindi rin sya sigurado kung buhay ang Prinsesa. Pero malakas ang kutob ni Seb na nakaligtas ito.
Ang tanging hiling lamang ni Seb ay masilayan nya si Petunia, gusto lang nyang makita na maayos na ito at masaya.
Napaupo agad si Seb sa kanyang kama ng may maalala, sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Gusto nyang yakapin ngayon si Gello dahil nagising sya sa kanyang pangungulila sa prinsesa.
Agad agad na nagbihis si Seb at tumakbo pababa ng hagdan, nakita nya ang mga kaybigan nya na si Jin, Ted, Ice at Gello na naglalaro sa sala.
Masaya ya kahit papano ng makita nyang ayos na ang mga kaybigan nya, kahit kulang na sila ng isa. Nangmatapos kasi ang labanan na nangyari, nangdumating ang mga ambulansya at pulis ay hindi na nila nakita pa si Lander, blangko ang isip nila kung saan ito pumunta. Nagulat din sila ng makita nila si Gello na buhay na buhay at humiginga, ang sabi ni Jin sa kanila ay may lumapit na tatlong babae sa kanya at ang isa dito ay hinawakan si Geloo, nagulat nalang sya na biglang na buahy ito.
"Hoy, saan ko pupunta?" sigaw ni Jin, hinabol din nila si Seb palabas.
"Babalik lang ako sandali sa condo ko" sigaw ni Seb.
"Bakit? anong gagawin mo dun, naka move on kana ba?" sigaw ni Ice.
"Kukunin ko lang ang mga kaybigan ni Petunia, manghihingi ako ng tulong sa kanila para makita sya" sumakay nang sasakyan si Seb at pinaharurot na ito paalis.
"Kaybigan ni Petunia?" tanong ni Gello.
"Unkingnam, yung mga isda ata ang ibig nyang sabihin" nagkakamot ng ulo si Ted habang bumalik uli sa kanilang maliit na tahanan na ipinagawa ni Seb para kay Petunia.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...