Mermaid - 39

13.8K 508 74
                                        


A/N: Wow! Maraming salamat sa mga bagong Sirena's na nagbabasa ng 'My Little Mermaid', siguradong matutuwa sa inyo si Isda hahahah. Salamat sa mga Votes and Comments, wag sana kayong mag sawang basahin ang Storya ni Prinsesa  Petunia sa mundo ng may dalawang paa. All the Love x.

-

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog nang makarinig ako ng katok sa pintuan, napabangon ako agad sa malambot na upuan na kinakahigaan ko dito sa sala, madilim ang sala tanging ang ilaw nalang sa telebisyon ang nagsisilbing liwanag dito. Bago ako tumayo at nag inat muna ako at nag hikab, binuksan ko ang ilaw at naglakad papunta sa pintuan, dahan dahan ko itong binuksan at sinilip kung sino ang kumakatok dito.

"Petunia?" nagtatakang tanong nang lalaki sa aking harap, matangkad sya ng kaunti, halatang mas matanda ito sa akin.

'Po?" nahihiya kong tugon dito.

Naalala ko ang paalala sa akin nila Seb, Gello at Lander na wag basta basta mag bubukas nang pintuan, silipin muna sa butas kung sino ang kumakatok, pag hindi ko kilala ay wag itong pag bubuksan, ngunit agad itong na wala sa isip ko at ito ako ngayon kaharap ang hindi ko kilalang tao. 

"Salamat naman, akala ko maling pintuan ang napuntahan ko hahaha.." tumawa ito at napakamot sa likod nang kanyang ulo. "...ako nga pala si Rick, driver ako ng pamilya ni Sir Sebastian, ipinapa-abot nya lang ito sakin.." itinaas nya ang hawak nyang bag, nangunot ang aking noo, "..pinapasabi nyang baka bukas nang umaga pa sya makauwi rito dahil may importante syang aasikasuhin bukas" tumango tango ako sa kanya.

"Maraming salamat po...-baka gusto nyo po munang pumasok?" tanong ko sa kanya, kinumpas nya ang kanyang kamay.

"Nako wag na po, aalis din po ako agad. Kaylangan ko rin kasing bumalik doon" 

"Ah ganun po ba, sige po, maraming salamat uli" tumango sya sakin at tumalikod na, pero bago sya makalayo ay tinawag ko sya, "Rick!" nilingon nya ako.

"Bakit po?"

"Tapos na ba ang kaarawan nang ama ni Ted? Nakauwi na ba si Seb sa tahanan nang kanyang magulang?" napatawa sya sakin. 

"Ang lalim nun ah haha- ay opo, tapos na po kanina pa. Mauna na po ako- oo nga po pala, sabi po sakin ni Sir Sebastian na ilock mo po daw ang pintuan bago matulog" umalis na din ito pagkasabi nya ng katagang iyun.

Katulad nang kanyang sinabi ay isinara ko na ito ng mabuti, pumunta ako sa sala at naupo. Napatingin ako sa hawak kong bag, hindi naman ito kalakiha at papel lang ata ito na may hawakan. Binuksan ko ito at kinuha ang laman nito, nagulat ako ng makita kong cake ang laman nito, ito ang laging binibili sakin ni Seb tuwing umaalis sya. May nakita din akong maliit na papel dito, kinuha ko rin ito at binasa.

"Kainin mo ito, binalot ko pa ito galing sa birthday nang dad ni Ted..ge yun lang bye"

Sumilay ang ngiti sa aking labi, at tinignan ang cake na ibigay nya sa akin. Hindi ko akalaing maiisip pa ni Seb na bigyan ako nito kahit na nasa Kaarawan sya ng ama ni Ted, nakakagalak lang sa aking puso na naalala nya ako kahit malayo sya sa akin.


Maaga akong nagising dahil naalala kong ngayon din pala ang uwi ni Seb, naisipan ko kasing mag luto ng pagkain para sa kanya, pasasalamat nadin sa binigay nyang pagkain sakin kagabi. Kahit papano ay marunong narin naman ako, tinuturuan ako minsan ni Gello pag nagluluto sya dito ng aming kakainin. Sabi nya kasi kaylangan ko rin daw matuto dahil dadating daw ang araw na kaylangan ko daw magluto ng aming kakainin ni Seb. Kahit marunong mag luto si Seb, paano daw kung pagod ito, ako daw dapat ang mag luto. 

"Hmm ano kayang masarap na lutuin?" sa isip isip ko.

Binuksan ko ang Ref, napakaraming pagkain dito, nakakatuwa lang na wala na akong makitang kalahi ko na nag yeyelo sa loob nito. Kinuha ko ang Itlog at pumunta ako sa lutuan nito. Dahan dahan kong pinuksan ang apoy at nilagay ang kawali dito, natuwa ako ng nagawa ko naman ito ng tama. Napahawak ako sa ilalim nang aking baba, ano ba ang susunod kong gagawin? may inilalagay sila sa kawali hindi ba? Tubig? agad akong kumuha ng tubig sa gripo at ibinuhos ito sa kawali, napaatras ako ng umusok ang kawali. Nilagay ko ang itlog sa kawali at binasag ito doon, unting unting naluluto ang itlog. 

My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon