Kumusta na kaya sa kaharian ng Sersunia? Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? May masama kayang nagaganap doon? Maayos kaya sila. Ang daming tanong ang tumatabok sa aking isipan, simula ng umalis ako sa karagatan, wala na akong naging balita pa sa kanila.Simula ng umalis ako sa dagat puro takot na lang ang namumuo sa aking isipan, natatakot ako na baka kung ano na ang ginawa ni Haring Pavon sa aking Ama. Nalaman na kaya ni Haring Pavon na nawawala ako? Hinahanap na kaya niya ako para patayin. Sana naman wala pa siyang nalalaman, pero maraming mata si Haring Pavon kaya't malalaman din nya na wala na ako sa kaharian.
Sana naman hindi niya malaman na nasa mundo ako ng may dalawang paa, panigurado ako na susundan ako nito dito para lang masakatuparan niya ang gusto niyang gawin sa akin. Sana rin walang nangyari masama sa aking Ama.
"Sino nag bigay sayo ng mahika?" wika ni Ted.
Sa totoo lang kanina pa nag tatanong sakin si Ted tungkol sa mahika, nanunuyot na ang aking utak dahil sa kakulitan niya. Pero naiintidihan ko naman ito dahil ito ang unang beses niya na makakita ng mahika, kaya pinag-bibigyan ko ito sa gusto niya. Pinag bibigyan ko si lang lahat. Ito na lang din ang maiaalay ko, ang laki ng naitulong nila a akin, gusto ko naman mapalitan iyon.
"Mula nang isinilang ako ng aking mahal na Ina ay meron na ako nito"
"Anong mahika ng mahal kong In- este mahal mong Ina?" tanong uli nito.
Ininom niya 'yong tubig na nasa harap niya, napalunok ako ng makita ko ang pag galaw ng tubig ng ibaba niya ito sa lamesa.
"Ahm, tubig rin" tumango ito sa akin.
"yung mahal mong Ama? Siguro Apoy iyong kanya?" Humawak pa siya sa ilalim ng kanyang baba na parang nag iisip. "Hari kasi siya, kaya dapat makapangyarihan ang mahika niya"
"Gunggong!" sigaw ni Jin dito.
Hinagisan siya ng malambot na bagay, sasahluhin dapat ito ni Ted ngunit agad din itong tumama sa mukha niya.
"Bakit na naman?" inis na sabi niya rito.
"Apoy? Kung sunugin kaya kita dyan hayop ka! Sa dagat sila nakatira sa tingin mo ba gagana ang apoy do'n?" Ngumuso si Ted at kumamot sa kanyang batok.
"Intindihin niyo na lang yan si Ted alam n'yo namang kulang 'yan sa buwan, malamang kulang-kulang 'yan whahahaha." Pangaasar ni Ice sa kanya, kalalabas lamang nito sa kusina.
Sa totoo lang ang laki ng pasasalamat ko, na sila ang nakakita sa 'kin at sila ang kumupkop sa akin dito sa mundo nila. Hindi naman pala lahat ng may dalawang paa ay masasama ang ugali. Kita mo sila kahit nalaman na nila ang totoo kong pagkata- pagkaisda pala sabi ni Ted ay tinanggap parin nila ako.
Yung mga tumakbo sa isip ko na maaari nilang gawin sa akin pag nalaman nila na sirena ako ay hindi nangyari, hindi rin pala maganda na hinuhusgahan mo sila agad. Mas maganda na kilalanin mo muna sila bago mo husgahan.
"Oh Petunia," hinagis sa akin ni Jin ang puting damit."Ito pa, maligo ka na kahapon mo pa suot 'yang damit na iyan." Huli niyang hinagis ang puting mahabang tela.
"Kaya pala amoy malansa," pananalita ni Ted. Nilakihan ko ito ng mata."Oh, wag ganyan Petunia, nagmumukha kang sugpo!"
"Kaharap mo lang yang si Petunia kung ano-anong sinasabi mo," dating ni Gello.
Napatawa lang ako sa kanila. Ang hilig nilang pag tulungan si Ted kawawa naman siya. Kasalanan din naman niya, ang hilig niya akonh asarin.
"Ano ito?" tanong ko kay Jin.
Lumapit siya sa 'kin at kinuha 'yong damit na hinagis niya. Nahihiwagaan ako sa kanilang kasuotan, pa iba-iba ang mga desenyo nito, iyong iba pa parang kinulang sa tela, may mahaba at may maliit naman. Pero magaganda naman lahat. May mga kasuotan din naman sa mundo namin ngunit hindi katulad sa mundo ng may dalawang paa.
![](https://img.wattpad.com/cover/54812803-288-k637267.jpg)
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasíaSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...