Narrator
Puno nang pagtataka ang mga Sirena, Sireno't at iba't ibang uri nang isda, kunot noo ang kanilang mga noo, nag bubulungan ang lahat, naguguluhan naman ang karamihan sa kanilang nasasaksihan.
"Pa, anong meron? bakit nandito ang mga taga Atamiran?"
"Hindi ko alam anak"
Dumadaan ngayon sa gitna nang daan ang mga Kawal at iba't ibang studyante nang Atamiran. Nasa gilid naman ang mga mamamayan ng Sersunia, na nagtataka kung bakit nasa bayan nila ang mga Atamiran, na kalimitan lang pumunta sa lugar nila. Kakaylanganin pa kasi nila nang mahika upang makahinga sa ilalim ng dagat at makakilos ng normal dito sa lugar nila.
Papunta ngayon ang mga ito sa palasyo nang Hari, matapos na malaman ng nakakataas sa Atamiran ang nangyayari sa Sersunia lalong lalo na sa Hari at ang anak nitong si Petunia na nasa mundo nang may dalawang paa.
-
Nagkagulo ang mga kawal ni Pavon sa loob ng palasyo nang makaabot sa kanila ang balita na papunta na sa kanila ang mga taga Atamiran. Alam na nila ang kahihinatnan nila pag naabutan sila sa loob ng palasyo, ngunit hindi naman nila ito kayang iwan dahil papatayin sila ni Pavon pag nalaman nitong pinabayaan nilang makuha ang hari.
"Mga kawal!" Sigaw ng namumuno sa kanila ngayon. Si Eldar. "Kunin nyo ang Hari at si Majesta at ilayo nyo ngayon sa palasyo, ang iba maiwan dito at makipag laban"
"Masusunod po pinuno" Sabay sabay na sigaw ng mga kawal.
Naka pwesto na ang ibang kawal sa malaking pintuan ng palasyo, ang iba naman ay lumabas upang abangan ito at harangan.
Hindi nila akalain na malalaman ng mga ibang lahi ang nangyayari sa Hari at Prinsesa nang Sersunia, alam nilang ni isa ay walang nakakakaalam ng kinahihinatnan ng Palasyo, kahit na mga mamamayan ng Sersunia ay hindi ito alam, kaya malaking katanungan sa isip nila kung paano nalaman ng mga taga Atamiran ang ginawa nila sa Hari at Prinsesa.
Malaking kaparusahan ang matatanggap nila sa paglaban sa mga Maharlikang pamilya, alam nilang kamatayan din ang kapalit ng ginawa nila, mas gugustuhin nalang nilang mamatay sa laban kaysa mamatay sa kamay ni Pavon.
"Nasa labas na sila, mag si handa kayong lahat!" sigaw ng isang kawal.
-
Nagkatitigan ang mga taga Atamiran at ang kawal ni Pavon, may humaharang sa gitna nila na malaking gate. Mahigpit ang hawak ng mga kawal sa espada nila ang iba naman na may mahika ay naghanda.
Lumapit ang isang studyante nang Atamiran sa gate, napaatras naman ang mga kawal. Hinawakan nito ang Gate at dumagundong ang malakas na pagsabog, nawarak ang malaking harang at napuruhan naman ang ibang kawal.
"Ka-kaya ba natin t-to?"
"Malakas sila, a-anong laban natin?"
Bumalot ang kaba sa dibdib ng mga kawal ni Pavon, Ano nga naman ang laban ng espada nila sa isang mahika na kaya silang patayin na hindi manlang pinagpapawisan.
"WAG KAYONG MATAKOT SA KANILA! SUGOD!" Sigaw ng pinuno nila.
"SUGOD!"
Naglanguyan palapit ang mga kawal ni Pavon, Nakatayo lang ang mga taga Atamiran, na hinihintay lang makalapit ang mga ito.
"Kidlat!"
Napahinto ang iba sa paglangoy, napatingin sa kalangitan, nagkaroon ng ulap na kulay itim. Nagulat at napanganga sila sa kanilang nakita.
"Wag kayong huminto, lumangoy kayo at sugudin sila" Sigaw ni Eldar.
Kahit nag dadalawag isip ang iba dahil natuon ang atensyon nila sa itaas ay lumangoy ulit sila upang sumugod dito.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasiSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...