Wohooo! Hi mga bebe ko. Miss you na talaga hehehe. Salamat sa mga nagbabasa at supurta nito. Salamat sa 1.3k a reads :) Ang Chapter na ito ay para kay Katryn Kasilag, salamat be sa Vote and Comment, miss na rin kita ahuhuhu. Syempre para din sa into ito.
Don't forget to VOTE and COMMENT okey?
All the Love. T
--
/PETUNIA/
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit nito, para itong binibiyak ng paunti unti. Bakit ba ito sumakit? Hindi naman siguro ako nauntog o kung ano pa man? Dahan dahan akong bumangon habang hawak ang aking ulo. Grabe ang sakit nito, anong nagyayari sa ulo ko? May pumukpok kaya sakin ng hindi ko namamalayan?
Sinabunutan ko ang aking buhok, nagbabasakaling ma wala kahit papano ang pag kirot nito. Kaso ayaw parin talaga. Ano ba kasing ginawa ko? Sa pagkakatanda ko ay nasa Bar kami nila Jin, at inabutan ako ng Juice ni Daniaall dahil na ubos yung binili nila sa akin, pero iba yung lasa ng binigay nya, hanggang sa naramdaman ko na yung hilo- ayun lang yun. Pero wala naman akong maalala na ikakasakit nitong ulo ko. Baka naman patagong hinahampas nila yung ulo ko? Imposible mararamdaman ko iyon.
Nilibot ko ang aking mata, nasa silid na pala ako, pano naman ako napunta dito? Bwiset naman kasi yang Daniaall na iyan, kakaibang Juice naman ata ang naibigya nun sa akin. Paano ba ako na punta dito? Naglakad o Lumangoy? Ay pano naman ako makakalangoy sa Lupa? At wala pala akong buntot.
"Oh gising kana pala" napatalon ako sa gulat ng biglang pag sulpot ni Seb sa pintuan. Hindi ba sya marunong kumatok?
"Hindi tulog pa ako he-" Napahinto ako dahil sa aking sinabi, ay kung ano ano na natututunan ko dito sa mga taga Lupa. "Gising pala ako" Pagiiba ko, nakakunot kasi ang noo nya.
"Oh Hot Chocolate para mawala yang sakit ng ulo mo" Inabot nya sa akin yung Basong puti.
Paano naman nya nalaman na masakit ang ulo ko?
"Manghuhula ka Seb?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.
"What?"
"Pano mo nalaman na masakit ulo ko? Sigurado ka bang Tao ka? wala ka bang ibang lahi na kakaiba?" Pinaning kitan nya ako ng mata kaya tinikom ko na ang bibig ko.
"Diba uminom ka ng Alak? Malamang na sasakit yang ulo mo! Inumin mo na iyan para mabawasan" Tinalikuran nya ako , bago pa sya lumabas ng silid ay pinigilan ko sya.
"Ako?" turo ko sa sarili ko "Uminom ng Alak?" Parang hindi naman kapani-paniwala yung sinasabi nya. Sa pagkakatanda ko ibang iba yung itsura at kulay nung alak na iniinom nila Daniaall sa ininom ko. Pano magiging alak iyon?
Pinagloloko ata ako nitong si Seb.
"Oo" Maikling sabi nya.
"Pe-pero...." Napaisip pa ako. Ibang iba talaga ee, Alak ba yung ininom ko? Kaya ba iba yung lasa nya at bigla din akong nahilo? Nakakahilo ba ang alak? bakit parang hindi naman nahihilo sila Zieke?
"Wine ang ininom mo at Beer naman ang kanila" Binuksan na nya yung pintuan at iniwan na akong nakatulala.
Wine?
Humiga uli ako at tumingin sa itaas, Inisip kong mabuti kung ano ang nangyari kagabi sa Bar, Kung pano ako napunta dito. Bakit kasi hindi ko agad nalaman na Alak pala iyun, isa ring yun sa Daniaall, alam naman nyang hindi ako umiinom ng ganun bakit yun ang binigay nya.
"Oh Petunia mas masarap itu..he.he.he!" Kahit papikit pikit na si Daniaall e naabutan parin nya ako ng Juice. Nasa ibang lalagyanan nga lang ito at iba na ang kulay. Mas kaunti ito kaysa sa iniinom ko kanina pa.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
خيال (فانتازيا)Si Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...