Wakas

15.4K 538 97
                                    


Sebastian Mauro


Tahimik ang buhay ko noong wala pa sya, normal lang ang lahat. Hindi kami na niniwala sa mga Magic o mga halimaw, hindi kami na niniwala na may iba pang nabubuhay sa mundo na ito bukod sa aming mga tao. 

Ngayon alam ko na napakahiwaga ng mundo na ginagalawan namin, akala namin alam na namin ang lahat- ngunit hindi parin pala talaga. 

Huling araw nanamin magkakaybigan sa bakasyon namin nang ma kita ko sya sa mga bato. Wala syang damit sa katawan at walang malay, nung una akala ko ay patay na sya kaya kinabahan ako ng husto. Ni hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya, kung dadalhin ko ba sya sa clinic nang resort o iiwan ko na lang sya doon at hayaang may makakita ng iba. Natakot din kasi akong mapag bintangan, pero naawa din ako sa kalagayan nya. 

Hindi ko itatanggi na maganda sya, sa totoo lang sa dami dami kong nakitang babae sa ibat ibang panig nang bumdo, ang ganda nya ay kakaiba, ang makinis nyang balat na tila hindi pinapadapuan sa mga insekto, ang ma pula at manipis nyang labi, na may matangos na ilong. Sasabihin kong na gustuhan ko na sya nung una ko pala syang nasilayan. 

Hindi ko malilimutan ang mala inosente nyang mukha ng mag mulat ang mata nya, parang unang beses palang sya na kakita ng iba't ibang bagay. Akala ko ay galing talaga sya sa pinakatuktuk nang bundok, pero naalala ko walang bundok sa lugar na iyun. 

Hindi naging maganda ang pagsasama naming dalawa, hindi ko kasi nagugustuhan ang pagsisinungaling nya sa amin. Maganda nga sya pero parang may tinatago sya. Kaya nang sabihin nya ang totoo, gusto ko syang ihagis pabalik sa dagat.

Ang boring naming buhay na magkakaybigan ay na bago simula ng dumating sya..... ang boring kong buhay ay binago nya. 


"Seb!" agad akong bumaba sa kotse ko ng makarating uli ako sa resort kung saan malayo sa mga tao. Tinignan ko si Jin na kasalukuyang tumatakbo palapit sa akin.

Dahan dahan akong tumakbo papunta sa dagat para hindi ko mahulog ang maliit na lalagyanan na dala ko na natatakpan nang puring tela.

"Kagabi ka pa namin hinihintay!" sabi ni Jin nang maabutan nya ako. 

"Anong oras na ba?" tanong ko rito. Nang makalapit kami sa dagat ay lumuhod ako at ibinaba ko ang dala ko.

"7:43am na" tumango ako sa kanya. "Ano ba yang dala mo?" turo nito. 

"Kakaylanganin ko ang tulong nila, ito lang ang paraan ko para makita sa Petunia" tinanggal ko ang tela nito.

'Isda, ah sila nga talaga yung sinasabi nila Ted na kaybigan ni Petunia" natatawang sabi ni Jin. "Pano mo naman gagawin yun?" 

Binuhat ko ang lalagyanan at itinapat ko sa mukha ko ito para makita nila ako. 

"Mga isda!" tawag ko sa mga ito, nag si tinginan sila sakin kaya napangiti ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jin.

"Kung hindi kita kilala, iisipin kong baliw ka hahahaha"

"Mga Isda...kaylangan ko ang tulong nyo" nakatitig sila sa akin. "Papakawalan ko kayo sa dagat, puntahan nyo si Petunia, sabihin nyo hihintayin ko sya dito..handa akong maghintay sa kanya kahit gaano pa katagal" nagkagulo ang mga isda sa paglangoy sa loob, tila naintindihan nila ang sinabi ko. 

"Muntanga ka talaga Seb hahahaha" sinamaan ko ng tingin si Jin kaya nanahimik ito. 

Ibinuhos ko sila sa dagat, agad agad silang lumangoy palayo sa akin.

"SABIHIN NYO SA KANYA, HIHINTAYIN KO SYA!"  sigaw ko sa kanila. 

Napahiga ako sa buhangin at tumingin sa kalangitan. Sana gawin nga nila ang sinabi ko, alam ko malaki din ang galit nang mga ito sakin, siguro naman kahit papano tutulungan nila ako.

My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon