Mermaid - 11

20.3K 801 52
                                    

Namumuo ang galit sa aking sistema, hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Anong akala nila sa'ming mga naninirahan sa karagatan, laruan? Laruan na ipinagbibili, paano nila na atim na gawin sa mga isda ang ganoon. May buhay din kami at may puso, nakakaramdam ng sakit, umiiyak at nagmamahal din. Katulad lang din nila kami, ang pinagka-iba lang namin sa kanila ay ang lahi namin. Hindi kami laruan!

Palibhasa hindi nila naranasan ang ma trato ng ganiyan. Paano kung sa kanila ginawa ang ganyan, sila ang nagtatago, sila ang ibinebenta, sila ang pinapatay, matutuwa ba sila? Hindi diba, sana na isip din nila yan, bago nila gawin sa mga kauri namin.

Nakakaawang tignan ang mga isda na ito, ikinulong sila sa maliit na plastik, walang sapat na tubig. Nakakahinga pa kaya sila sa bagay na ito? Hindi ko maintindihan ang mga taga-lupa, paano nila na isip na gawin ito sa mga isda. Wala naman sigurong ginawa na hindi maganda ang nga ito sa kanila. Alam naming kakaiba kami sa paningin nila, ngunit hindi basehan iyon para kamuhian nila ang uri namin.

"Ito ang bayad," rinig kong sabi ni Seb.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dahil nakasubsob parin ang mukha ko sa dibdib nito. Ni hindi ko kasi kayang tignan pa uli ang mga kawawang isda, nalulungkot ako para sa kanila.

"Salamat po Sir, ahm... O-okey lang po ba siya?" rinig kong sabi nang kausap ni Seb, siya ata iyong nagtitinda ng isda.

"Yes, she's fine. don't mind her".

"Bakit po siya umiiyak?" 

"Animal lover," naramdaman ko ang tapik ni Seb sa likod ko. Umalis ako sa pagkakasubsob ko sa kanya, basa ng luha ang damit nito. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa kanya.

"Let's go," hinawakan niya ang aking palapulsuhan at hinatak na ako nito agad.

Pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang isang kamay ko. Binitawan ni Seb ang isa kong kamay at may kinuha sa kanyang bulsa.

"Here," tinignan ko ang panyo na hawak nito. Nahihiya akong kinuha ito at pinunas sa aking mukha. Muli niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at nag lakad uli.

Nakarating kami sa kanyang sasakyan, binuksan niya ang isang pinto nito at punapasok niya ako. Bagsak ang katawan ko ng umupo ako. Nakakapagod pala ang umiyak, parang pagod na pagod ang katawan ko. Hindi parin mawala sa puso ko ang inis af lungkot.

Ang sama talaga nila, manang-mana sila kay Seb.

"Here," may ipinatong si Seb na malaking plastik sa aking hita. Hindi ko na pansin na may bitbit pala ito.

Nagtataka akong tinignan siya.

"Tignan mo kaya," may halong inis ang tinig nito.

Ano na naman ang kinakainis niya, parang kanina lang ang bait-bait niya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya.

Binuksan ko ang binigay nito. Agad akong napatingin sa kanga at ibinalik ko din ang tingin ko sa plastik. Binili niya yong mga isda na tinda ni Manong.

"Salamat!" masaya kong saad kay Seb, nasilayan ko ang mallit na ngiti sa kanyang labi.

Itinaas ko ang isang plastik masayang lumalangoy ang isda dito. Natutuwa rin sila kagaya ko, malaya na kayo sa kapahamakan.

Matagal tagal din ang aming naging byahe, hindi ko alam kung saan uli kami pupunta. Ibang daanan na kasi ang aming tinatahak, pero wala na akong problema doon, basta kasama ko si Seb.

Masaya ko paring tinitignan ang mga isdang nailigtas namin ni Seb. Ano kayang mangyayari sa kanila kung hindi ko sila nakita? Sigurado akong papatayin sila.

Karamihan ang nailigtas namin ni Seb ay kabilang sa pamilyang  Carassius auratus, base sa aking kaalaman ang tawag sa kanila ay Gintong Isda, ngunit hindi naman kulay ginto ang kanilang kulay, nakakpagtaka, hindi ko na nga pro-problemahin iyon basta na iligtas ko sila.

My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon