Chapter 83

4.9K 118 9
                                    

Aly pov

"lahat kami napatayo ng makita ang kasama nila ate Fille, anong ginagawa niya dito?"

Marge: ate Els?

"isa-isa silang lumapit sakanya at bumeso bilang pagbati sakanya, nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sakanya siguro ay nabasa niya na nag-aalangan akong lumapit sakanya, sino ba ang hindi baka kasi galit siya sakin dahil alam din niya ang nangyari samin ni Den at nakita din niya ang ginawa ni Cha kaya marahil ay iniisip din niya na niloko ko ang bestfriend niya.. lumapit siya sakin kaya naman yumuko nalang ako at hinintay ang sampal niya dahil for sure nasaktan din siya dahil nasaktan ang bestfriend niya.. nagulat ako ng bigla niya nalang akong yakapin"

Ella: besh ano bang nangyari sayo? kamusta ka? bakit kaba nakikipag-away? pano kung pinag-tulungan ka nila? pano kung hindi lang sapak ang natamo mo? alam mo bang nag-alala kami sayo?

"nag-aalala niyang tanong habang yakap-yakap ako, nakangiti naman ang mga kasama namin na nakatingin saming dalawa kaya napangiti na din ako sa sinabi Ella, dahan-dahan ko siyang nilayo sakin mula sa pag-kakayakap"

Ly: besh im okay wala namang nangyari saking masama maliban sa isang sapak sa mukha ko.. haha kaya wag ka nang mag-alala okay?
(besh narin ang tawagan namin dahil lakas nilang makahawa ni Den at tutal bestfriend ko din itong si Ella dahil alam niya lahat ng tungkol sakin at ganun din ako kasi kapag-seryoso siyang kausap talaga namang mapapa-open ka talaga sakanya)

Ella: mmm.. wag mo na kaming pag-aalahanin ulit, alam mo bang di ako nakatulog ng maayos dahil nag-alala din ako

"she said while pinching me in my waist"

Ly: aww man! kanina pa ako nakaka-tanggap ng sakit sa katawan kanina si ate Fille ngayon naman ikaw, nakaiwas nga ako ng sapak sa bar kagabi pero dito naman pala ako mabubogbog.. grabe naman!
(nakasimangot kong reklamo, napangiwi nalang ako ulit ng bigla niya akong hampasin sa braso ouch..)

Ella: at talagang nagreklamo kapa.. andami
naming kaibigan mo, mas-okay sana kung nagsama ka ng reresbak sa umaway sayo, hindi yung nag-sosolo ka

Gretch: haha Els don't need dahil knock out yung nakasapakan niyan

"proud niyang balita kaya agad siyang nakakuha ng hampas kay ate Fille"

Fille: at talagang proud ka pa

"Kakamot-kamot naman ng ulo si Singkit na nanahimik sa isang tabi"

Ara: ayown! idol talaga kita Aly.. haha

Fille: sige kunsintihin niyo yang kaibigan niyo.. imbes na sabihan niyo

Ly: ate Fille tapos na po, nasermonan na ako ng mga yan kanina eh

Ella: mabuti nga at sermon lang, kapag si Den ang nakaalam na nakipag-sapakan ka baka binugbog ka nun..

"Lahat naman kami ay napatahimik sa sinabi ni Ella, okay nga sana kung si Den nalang ang bumugbog sakin mas-gusto ko pa yun"

Fille: sige na ituloy na natin ang pagkain, Els join us

"Pag-iiba ni ate Fille sa usapan"

Ella: talagang jo-join ako, nakaka-gutom kaya pumunta dito ang aga ko kayang gumayak para dito

"nauna na siyang lumapit sa mesa at kami naman ay sumunod nalang sakanya"

Ly: wala ka din bang pasok?
(tanong ko sakanya habang ipinaghihila ko siya ng upuan sa bandang tabi ko)

Ella: mamayang hapon pa last exam ko na

Fille: oo nga exam week pala ngayon, dalian niyo na diyan para makauwi na kayo

My Love is Like a Star (AlyDen Ft. Cha Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon