Chapter 96

9K 139 9
                                    

Aly pov

"8months past nang magkabalikan kami ni Dennise at tulad nang napag-usapan ay binawi namin ang anim na taon naming pagkakawalay pero hindi tulad dati ay mas matured kami ngayon at mas responsable sa aming relasyon at masasabi ko din na masmahal namin ang isat-isa at mas-solid kami ngayon kesa dati"

Guard: good afternoon po boss

"bati niya nang mapagbuksan niya ako ng gate"

Ly: good afternoon din po Manong

Guard: ang aga niyo naman pong manundo

Ly: maaga po kasi akong natapos sa trabaho at baka po umuwi kami nang Batangas mamaya

Guard: basta po ibalik niyo po si Dra.Dennise kapag inuwi mo siya sa inyo

"biro niya kaya napangiti na din ako sa hirit niya"

Ly: kung pwede nga lang po hindi na eh

Guard: wag naman po, wala na nga po dito si Dra.Cia tapos aalis din si Dra.Dennise nako po! baka mawalan kami nang pasiyente dito dahil wala na kaming magaganda na Doctor

"7months na din kasi nang makaalis si Cia sa bansa at nag-eenjoy na sa buhay niya sa ibang bansa pero nananatili parin ang connection namin sa isat-isa at sa mga kaibigan ko na ka-close niya"

Ly: haha baka nga po, sige po ibabalik ko din siya dito

Guard: haha sige boss, o siya umakyat na po kayo dun para makita niyo na po ang mahal niyo naway mapunta na sa kasalan ang relasyon niyo dahil bagay na bagay kayo dalawa

"sa totoo lang ay madami na ang humihiling na mauwi na kami sa kasalan at sobra akong natutuwa doon at pati ako man ay pinagdadasal din na sana nga ay mauwi na kami sa kasalan at tuluyan nang magsama pang-habang buhay"

Ly: wag po kayong mag-alala makakarating din po tayo diyan.. sige po akyat na po ako
(bumaba ako sa aking sasakyan at inabot sakanya ang susi nito bago tuluyang pumasok sa loob at tinungo ang office ng mahal ko)

Ly: hi Niks
(bati ko sa secretary ni Den na busy sa papers niya)

Niks: oh Aly, aga mo ah

Ly: oo maaga natapos ang gawa ko sa office, andiyan ba si Doc?

Niks: oo nasa loob

Ly: okay sige, pasok na muna ako

Niks: okay

"kumaway din ako kay Dr.Garcia na nagmamadaling dumaan sa pwesto namin, ngumiti at kumaway din siya sakin bago tuluyang tumalikod dahil for sure ay may emergency siya.. dahan-dahan kong pinihit ang pinto para hindi ako makagawa nang ingay dahil kung busy si Niks sa labas ay for sure mas-busy pa si Den sakanya, tama ang hinala ko dahil sa itsura nang table nang mahal ko ay halos matakpan na siya sa daming report na nakalagay doon.. dahil sa sobrang busy ay hindi na niya namalayan ang paglapit ko sakanya"

Ly: hey gorgeous
(bati ko sa paraan na hindi siya magugulat, napangiti siya nang marinig niya ako at dahan-dahan na nag-angat ng tingin at tumayo)

Den: hey.. ang aga mo naman ata

"I kiss her quick at yumakap sakanya"

Ly: yeah tapos na trabaho eh, ikaw mukhang dami mong gawa ah
(tanong ko habang nakayakap parin sakanya)

Den: kaya nga eh, monthly report kasi kaya eto tambak ako

"still nakayakap parin siya sakin"

Ly: i see.. pero babe hindi ka matatapos niyan kung yayakap ka nalang sakin, pwede naman natin ituloy tong yakapan natin after nang gawa mo
(natatawang sabi ko sakanya kasi parang wala siyang balak na bumitiw sakin)

My Love is Like a Star (AlyDen Ft. Cha Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon