Chapter 9

1.2K 19 0
                                    

In the end, pinapasok pa rin ako. Kahit medyo nakakapagod talaga ang maglakad lakad sa laki ng bahay nila. Atleast nag-enjoy naman ako sa ganda ng kapaligiran.

“You badly want to see me, huh.”

Nakapasok na ako sa kwarto niya pero parang balewala lang sa kanya. Kasi naman yung maid, dito agad ako dinala. Tapos itong lalaking ito abala pa sa laptop niya. Busy-busyhan!?

“Dali na, buksan mo na ‘tong mga regalo din sayo ng mga girlfriend mo. At ito pa oh. Pinagluto ka pa ng foreign chef mong chiks ng lasagna. Kakaiba ang lasagna niya..” nakakatakam. “Tawagan mo daw sila pagkatanggap mo ng mga ‘to.”

Nangangawit na ang kamay ko dito sa mga regalo niya. Ibabato ko talaga ‘to sa kanya pagdi pa niya kinuha—

“UY ano pag yung lasagna—“ kinuha lang niya yung isang regalo. Binuksan ito habang abala sa phone niya. Tinatawagan na siguro yung girlfriend niya. Hindi pa rin ako umalis sa

“Yah. Natanggap ko. I kinda.. like it. What do I expect, it’s from you.”

Inikot naman niya yung upuan niya. Nagtama ang mga tingin namin. Ewan ko kung bakit bigla akong kinilabutan. Umiwas na lang ako at inabala ang sarili sa pag-observe sa nakakaibang lasagna na hawak ko. Wow. Kakaiba kasi talaga, di siya ng lasagna na nakikita natin sa Greenwich.

“Uhh.. bukas? I’m free. Pero hindi ko sigurado kung pupunta ba ako dyan.” Nakikinig pa rin ako sa usapan nila. At mukhang magkikita sila ng girlfriend niya? “Bakit? Gusto mo bang makipagkita? I’ll make time for you..”

Nakakakilabot ang boses ng lalaki’ng ‘to. Napakatamis at mapanukso. Hindi halatang nakikipaglandian. Pero halatang may motibo. Yung bang boses na may tunog na parang sincere, na may halong bola, na mapang-akit. Na parang nagsasabing he’s really into you. Magaling!

“Hah.. just give me a call then. Goodnight..” nagkatinginan naman kami ng masama. Nakakarumi ang lalaking ‘to. PaFALL! Manloloko! Bolero!

“Wag mo nga akong tingnan ng ganyan.” Tumayo naman siya habang busy pa rin sa phone niya. Yung isa naman siguro ang tatawagan niya.

“Mabuti naman at hindi ka nalilito sa kanila. Mag-ingat ingat ka baka mabuking ka.” Sarcastic kong sabi. Di naman obvious na naiinis ako no..

“Ano bang sinasabi mo?” painosente!

“Yan! Yung pagsasabay-sabay mo sa mga girlfriend mo!”

Naging bored yung look niya. Yung parang bang sinasabi niya na ang walang kwenta ng mga sinasabi ko.

“Hindi ko pa sila girlfriend. Actually wala pa, pero magkakameron. It’s up to them. At bukod pa dun, hindi ko naman yun kasalanan. Nag-eenjoy naman pati sila. At hindi naman ako actually ang nagsimula nito. Minsan nagkakataon, pero mas madalas sila ang lumalapit.” Naghalf smile siya. Evil oh!

“By the way, you can eat that.” Sabi pa niya bago siya lumabas ng kwarto niya.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon