Chapter 74

879 16 0
                                    

“May tao sa labas.”

Nilingon ko si mama sa sinabi niya habang ngumunguya pa ng pagkain ko. Sinabi ko ‘to pagkalunok, “..may mga kapitbahay kasi tayo, malamang.”

“AH!?” binatukan niya ako.

“Sinasabi ko, may bisita ka sa labas.”

Nagtaka ako sa sinabi niya at saglit na napaisip. Sino namang pupunta dito sa bahay ngayon? Bukod kay Bret, wala na akong ibang maisip.

“Wala ka namang sex appeal. Nag-iba ka lang ng hairstyle at natututong mag-ayos ng sarili, pero bakit puro gwapo ata ang mga dumidikit sayo. Aminin mo nga, malandi ka ba?”

Tiningnan ko ng masama si mama. Seryoso pa talaga siya na sinasabi niya ‘to sa sarili niyang anak. Hindi ko na lang pinansin at umalis na lang ako ng kusina. Narinig ko pang humagalpak siya ng kakatawa. Tinotopak na naman.

Lumabas nga ako. Isang pamilyar na sasakyan ang tumambad sa harap ng bahay namin. At isang pamilyar na lalaki ang nakatalikod. Lumingon siya sa gawi ko. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko. Bukod dun.. napansin ko din ang soot soot niyang suit.

Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mukha niya, “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko naman.

Saka lang siya ngumiti.

“Let’s go.!”

Napakunot lang ako ng noo at pinagmasdan siya sa sinabi niya. Hanggang sa lumapit siya sakin at hilahin ako saking pulso.

“s-Sandali! Saan ba tayo pupunta? Nakikita mo bang hindi ako nakagayak.” Nagpumiglas ako sa pagkakahawak sa kanya.

“Hindi mo ba alam na ngayon yun?”

Lalo akong napakunot ng noo. “Kailangan ko pa bang mag-isip at manghula kung anong meron ngayon?”, nawawalan na talaga ng pasensyang singhal ko sa kanya.

Bahagya naman siyang natawa, “Ngayon ang birthday ni Nadiel.”

Bigla akong nagdalwang isip dahil sa nasambit niya. Binalot ako ng matinding pangamba at sa isang banda.. takot.

“g-Gavin.”

“Lahat ng mga kakilala ninyo. Kakilala niya at halos lahat ng taga fmu ay dadalo. It’ll be weird kung ikaw mismo ay hindi pupunta. And also, Jave is expecting you’ll be at the party.”

Napayuko ako.. nag-iisip pa rin ng pwedeng idahilan. Pwede kong ipaalala ulit sa kanya na wala na nga kami ni Nadiel. Parang wala naring dahilan na pumunta ako dun. Pero kung si Ate Jave..

“s-Si Tita..” hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tamang sabihin na hindi gusto ni Mrs. Fortalejo na makita ako.

“Wala si Tita.” bahagya siyang ngumiti.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon