Chapter 58

1.2K 16 1
                                    

Hinatid ako ni Nadiel pauwi sa bahay namin. Gusto man niyang batiin sila mama at papa ay hindi na lang. Pero masaya pa rin ako at hindi masukat ang ngiting halos pumunit ng aking mukha. Hahaha! Kinikilig lang talaga ako. Kahit ata bukas ay babaunin ko ang saya'ng to na nararamdaman ko. Sa tuwing titingnan ko ang reflection ko sa salamin ay gandang ganda ako sa itsura ko. Walang espesyal dun at wala din namang nagbago. Talagang napakahiwaga lang talaga ng pakiramdam ko dahil sa lahat ng gawin ni Nadiel.. ay nararamdaman kong espesyal ako para sa kanya.

Tipong ang kwintas na bigay niya sakin ay kumikinang at sumasang-ayon sa mga naiisip ko. Binili niya 'to dahil naiisip niya ako. Hihihi! Nakakakilig--

"Eh!?" nagulat naman ako nang makita si mama sa gilid ko. Bumaba ang tingin niya sa soot kong kwintas kaya agad kong tinakluban yun ng kamay ko. Pakiramdam ko kasi ay may malaking sikreto akong tinatago sa kanya.

Bukod sa.. hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila ang lahat ng nangyari samin ni Bret.

"Ang ganda naman ng necklace mo." nilagpasan naman niya ako hanggang sa nakapunta siya sa may cabinet ko at inilagay dun ang mga naituping damit ko, "Nakakain ka na ba? May pagkain pa sa kusina.."

"Tapos na." lumapit ako sa kanya at kumuha dun ng damit pamalit.

Naramdaman ko ang matatalas na titig ni mama sakin kaya napatingin din ako sa kanya.

"Aray!?" nagulat naman ako ng hampasin niya ako sa noo.

"Ang batang yun ang anak ng naghahandle ng scholarship mo. Wag mo naman sanang abusuhin ang kabaitan na ibinibigay sayo ng mga Fortejo. Ilugar mo naman sana sa tama ang sarili mo." napabuntong hininga siya. May halong galit pero sobrang pag-alala ang mga mata niya.

"Mas higit mong kilala si Bret sa kahit na sino man. Magkababata kayo at sabay na lumaking magkasama. Nawalay lang siya sayo ng konting panahon. May mga nagawa man siyang mali, alam mo naman na hinding hindi niya magagawang saktan ka. Mahal ka nung tao.. at ako bilang magulang na gumabay sainyo ang mas nakakaalam nun. Pero kung talagang may nagbago.. gusto kong ipaalala sayo!" pinagagalitan niya ako sa tingin.

Nagpakawala pa muli siya ng buntong hininga, "Wag ka ng magpadalos dalos sa pagkakataong ito. Hindi ko ata kayang nasasaktan ang anak ko." pinisil niya ang magkabilang pisngi ko, "Mas gusto kong nakikita ang wagas mong tawa. Alam mo naman kung paano ka namin pinalaki ng Papa mo. Hindi kami nagkulang ng joke sayo."

Napangiwi ako sa nasabi niya pero agad na niyakap siya. Hindi kami kailanman naging sweet ni mama ng ganito. At lalong hindi kami nag-aaway. Topakin ang mga magulang ko kaya siguro mas pinagpapasalamat kong ganon sila kaysa naman.. madrama ang buhay ko.

Okay na sakin na malaman na okay sa kanila ang tungkol samin ni Nadiel. At tama rin si mama. Hindi dapat ako magpadalos dalos. Gusto kong makasigurado na sa pangalwang pagkakataon na nagkagusto ulit ako sa isang lalaki.  Makasigurado sa totoong nararamdaman ko na hindi lang ito dala ng panahon. Ng itsura nila. Ng mga ginagawa nila. Ngayon ay totoo na na nagkagusto nga ako dahil yun ang naramdaman ng puso ko.

Gusto ko rin maramdaman kung paano nagustuhan ni mama si papa sa kabila ng pagiging iba nito sa lahat ng lalaking nakarelasyon niya. Gusto ko ring magkameron ng love story ng gaya nila na hanggang ngayon ay pinipili pa rin nilang makasama ang isa't isa. Hanggang habang buhay..

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon