Chapter 6

1.3K 17 0
                                    

Summer na!

At anong maganda sa simula ng summer vacation!? Magdedate lang naman kami ni Bret. Uuwi siya ngayon! At ngayon nga pupuntahan ko siya. Sobrang sabik na sabik na ako. Sinoot ko pa ang regalo nila mama at papa na dress. Ang ganda ko kaya ngayon. Dapat lang na maexcite ako. Finally, after several months magkikita na talaga kami ni Bret!

Baka sa sobrang excited ko, hindi na ‘to matuloy! HAHAHA pero joke lang yun—

beep.beep.beeeeeeeeeeeeep!!!

“AYY Puting inang pusang nasagasaan!!” napatalon ako sa gulat. Dededmahin ko na lang sana—

“HOY STRAWBERRY-PRINTED UNDIE!”

Nanlaki ang mata ko sa nakakapanindig balahibong boses na yun. Naaalala ko naman yung soot kong panty ngayon.

“BAKIT MO ALAM!?” lumingon ako sa kanya at tiningnan naman niya ako ng masama.

Yung tingin na parang kakain ng buhay. Dapat ba talaga na ngayon yung araw na yun? Bakit ngayon pa! Nagjojoke lang naman ako.

“WAHH!” nagtatakbo ako. Ayokong sumama sa kanya. HINDI NGAYONG ARAW NA’TO.

Wala akong pake kahit nakamini skirt ako at nililipad lipad pa ang palda ko. Nakasykling shorts naman ako! Pero paano nalaman ng lalaking yun ang soot soot kong underwear ngayon!? Tinaas ko naman ang kamay ko. Sisigaw na sana ako ng tricycle driver nang bigla na lang may humarang sa harap ko.

Nakorner niya ako dito sa may kanto. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba pa siya ng sasakyan niya. Ang sama ng tingin niya sakin. Kumurap naman ako at agad na kinibo ang mga paa ko. Tatakbo na sana ako nang magsungasob ako—

“AHH!” mabilis na nahablot ng lalaking yun ang baywang ko.

Inikot niya ang katawan ko at nagbanggaan ang mga katawan namin. Napahawak ako sa dibdib niya para maglagay ng distansya, masyadong close! Nakakaloka! Naramdaman ko pa ang sarili ko na nagblush.

“May lakad ka ata?”

Pilit kong tinutulak palayo ang sarili ko sa kanya kaso masyadong mahigpit pagkakahawak niya sa baywang ko.

“p-Pwedeng wag ngayon?—AHH!”

Bigla na lang niya akong binuhat habang hawak hawak niya ako sa baywang. Mabilis niyang nabuksan ang pinto at binato ako sa may pasenger’s seat. Muntik pa akong mauntog!

 Mabilis siyang nakapasok at nailock niya agad ang mga pinto.

“Hindi talaga pwedeng makarequest!!” sigaw ko. Nakakainis siya! Nakakainis siya! Nakakainis siya!

“Seatbelt.” Sumulyap siya sakin pagkatapos niyang masoot ang seatbealt niya. Binalik din naman niya ang atensyon sa daan. At mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

ANG BILIS NIYANG MAGPAANDAR!

Kung hindi pa ako nakaseatbelt baka nauntog na ako sa unahan ko nang bigla niyang nipreno ang bago niyang BMW sportscar.

“p-Pwede bago ang lahat, magrequest muna ako! Hindi na rin naman ako makakapunta sa pupuntahan ko EH!!” tinaasan niya ako ng kilay. Grabe siya! Walang puso. “pa..Pahiram ng mobile phone. Kailangan kong tawagan si mama.”

Umirap siya habang kinukuha ang phone sa bulsa, “Highschooler!..” sarcastic na sabi niya.

Kinuha ko naman yun sa kamay niya. Sinenyasan ko sya na buksan ang pinto.

“Wag kang mag-aalala, hindi naman ako magsusumbong para magpasundo. M-may kailangan lang akong sabihin kay mama.” Ginawa din naman niya.

Paglabas ko, medyo lumayo ako ng konti sa sasakyan niya. Ni-dial ko ang number ni mama.

“Oh bata ka, magkasama na ba kayo ni Bret.”

“MA!—“ hindi ko natuloy ang sasabihin ko. After all mali pa rin talaga ang idea na banggitin ko sa kanila ang tungkol sa bakulaw na’to. “t-tungkol kay Bret. Pakisabi na hindi ko siya masisipot.”

“ASDFGHJKL!!” nagmura pa si mama. Ang sakit sa tainga! “Saan ka ba talaga nagmanang bta ka! Wag kang magtataka kung isang araw hihiwalayan ka ng lalaking nagkamali na nga sayo!”

“Ma naman e! Sasabihin ninyo lang na.. na” nag-isip naman ako ng rason. Kasi naman si mama  nang-asar pa. tumingin tingin ako sa paligid, hanggang sa napatingin ako sa lalaking yun.

“m-May kasama akong matanda!” napalingon sakin yung bakulaw. Umiwas ako ng tingin, ”May tutulungan kasi akong matanda ngayon. Kailangan niya ako, ma. Kawawa naman yung matanda.” Napangiti ako ng malaki. At natatawa..

Bumalik naman ako sa lalaking yun. Kumatok ako sa pinutan ng sasakyan niya. Pinagbuksan naman niya ako ng bintana. Binalik ko yung phone niya.

“So ano bang ipapagawa mo sakin, na mahalagang mahalagang bagay.?” Sarcastic kong sabi.

“May makikita kang restaurant di kalayuan dito.” Sabi niya ng hindi man lang ako tinitingnan. Abala siya sa phone niya. “May makikita kang babae na ganito ang itsura..” may pinakita siya saking picture ng isang babae sa phone niya.

“I want you to tell her..” pinaglaruan niya sa kamay niya ang cellphone na hawak, “.. na tapos na ang lahat samin.” Nagtama ang mga tingin namin.

Napasipa ako sa hangin habang naglalaro pa rin sa isip ko ang mga tingin na yun. Walang halong guilt o pagdadalwang isip man lang. parang normal na sa kanya ang mga ganitong bagay. Makipagflirt at mangwasak ng puso ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Yan ang tinatawag nilang playboy. Ngayon lang talaga ako nakaencounter ng kagaya niya. Di ko akalain na may nabubuhay na gaya niya..

Tinitigan ko naman ang pinto ng restaurant. Gagawin ko ba talaga ang pinapagawa niya? Mananakit ba talaga ako ng kapwa babae ko sa larangan ng pag-ibig.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon