Chapter 30

1.2K 20 1
                                    

“That was so fun!”

“I had a great time.”

“Hindi ko pinagsisishan na dumalo ako.”

“Lahayt sila magagaling. Pero ibang klase talaga ang impact ng Nadiel na yun. As expected of him.”

“He’s such a great guy. And he is soo charming.”

Mas lalo akong nagbablush sa mga sinasabi ng tao. Ramdam ko yun dahil binabalot talaga ng kahihiyan ang katawan ko. Aaminin ko, totoo ang sinabi nila. BAKIT NAMAN KASI ANG SWEET NG MGA NGITI NIYANG YUN!? Bakit niya ako nginitian ng ganon. FIRST TIME NIYANG NGUMITI NG GANON! Nangangati ako..

Naglakad lakad na lang ako at pumunta sa kokonti ang tao. Habang naririnig ko kasi ang pangalan ng bakulaw na yun, mas lalo akong kinikilabutan sa nararamdaman ko. Oa na’to hah, hindi na normal.

“Oy.”

“Ayy!” napatalon ako dahil sa familiar na boses na yun. napalingon naman ako.

Nakataas ang kilay niyang nakatingin sakin. Narealize ko naman na nagkakamot pa rin ako ng sarili.

“Anu yan?”

“Allergy! Allergic kasi ako sayo.” Bulong ko.

“What?”

Tiningnan ko siya ng masama. “Gusto ko ng umuwi. Tara na!?” tinaasan niya ulit ako ng kilay. Nakakainis ang isang ‘to. “Tara na sabi—“ hahawakan ko pa lang ang braso niya nang mahagip ng mga tingin ko si Bret.

Papunta siya dito!

“Mr. President. “ agad naman akong nakapagtago. Narinig ko naman na tinawag ni Bret si Nadiel.

“Bakit?” kalmadong tanong naman ni Nadiel. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Ang bilis bilis kasi ng tibok ng puso ko.

“Ah gusto ko lang sabihin.. na sobrang ganda ng event. Congrats!”

“Then congrats for the both of us..”

Wala naman na akong narinig pagkatapos nun. Pero hindi ako sumilip. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at hinintay na kumalma ang pakiramdam ko. At umokay ang takot na nararamdaman ko.

“Is there a problem?” narinig kong nagsalita ulit si Nadiel. Akala ko pa naman umalis na sila.

“Kausap mo.. si Arkin.” Nagulat ako sa sinabing sunod ni Bret. “..may sinabi ba siya?”

Mas lalo lang akong natakot. Napahawak ako sa naninikip kong dibdib.

“Ano namang sasabihin niya?”

Ilang sandali silang binalot ng katahimikan. Narinig ko pa na tumawa si Bret.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon