Chapter 2

2.2K 24 0
                                    

“Aray! Aray!”

Napapahawak naman ako sa noo ko gada hahampasin ako ni mama ng kutsara sa mukha. Napapapikit pa ako ng mata hindi lang sa sakit na nararamdaman ko kundi dahil sa nagtatalsikan niyang laway at kanin na tumatama sa mukha ko.

“Ikaw talagang bata ka! Sampong taon kong inalagaan yung laptop na yun tapos sisirain mo lang! Ikaw talaga! Wala ka ng ginawa. Sinira mo yung laptop na—“

“HEP!” tinakpan ko ang bunganga ni mama. Pinasadahan ko ng palad ko ang mukha ko. Grabe kulang na lang maghilamos ako ng laway niya.

“Paulit ulit na lang eeh!” sigaw ko.

“Aba’t—“ susubukan niya ulit sana akong hampasin pero pinigilan siya ni Papa.

“Hayaan mo na mama.” Naupo si Papa. Binelatan ko naman si Mama. “..Ikakaltas ko na lang sa baon niya ang magagastos natin sa sirang laptop na yun.”

“PA!!” talagang tinotorture nila ako.

“Mabuti na lang yung lalaking napurwisyo mo ay pinaglagpas yung nangyari. Nakauniform ka pa man din! Nakakahiya!” nanggagalaiting sabi ni mama. Kulang na lang tuktukan na naman niya ako ng kutsarang hawak niya.

Maalala ko, oo nga no, pagkatapos ng pangyayaring yun. Bigla na lang akong dinala nung dalwang lalaking humahabol din sa lalaking nakasports car sa police station. Binalak ko pa kasing tumakas. Akala ko nga kakasuhan pa nila ako, mabuti na lang hindi na daw nagsampa ng kahit na anong kaso yung lalaki. Naglaho na lang ito at hindi ko na nakita muli. Siguro wala naman talaga siyang pakealam. In the first place, ano nga bang atraso nung lalaking yun dun sa dalwang lalaki na nagdala sakin sa prisinto?

Nang matapos ang klase ko sa buong araw na yun, naisip kong daanan na lang ulit ang laptop sa pagawaan. Mabuti na lang konti lang yung tao. Kinamusta ko kay manong na naggagawa yung harddrive, yun lang naman kasi ang mahalaga dun. Andun kasi yung mga picture ni Bret, pictures namin together, pati na yung mga email niya sakin na nicopy ko sa documents, mga video niya sa pagmomodel, mga stolen shot, lahat lahat! Kaya yung harddrive ang pinakamahalaga.

“Hindi ko pa alam hija kung marerecover na natin yun, masyadong malaki talaga ang sira nitong laptop mo. Pati.. lumang model kasi ito.”

Napanguso naman ako sa sinabi ni manong. Nang-asar pa kasi. Alam ko naman yun. Ang bigat bigat kaya ng laptop na yan! Daig ko pa ang nagdadala ng barbell. Bakit ko naman kasi dala dala yan nung araw na yun.

“Ganon po ba. Sige ho, sana ho bukas ayos na siya. Salamat ho.” Umalis din naman ako sa shop na yun.

 Naglalakad ako habang dinadaan daanan lang ang mga nakakapaglaway na mga café. Nagugutom na talaga ako, tinototoo naman kasi ni Papa na babawasan niya ang baon ko. Kung kalian gagraduate na ako saka nila ako tinitipid!

Hindi ko na talaga kaya! Gutom na ako!

“Welcome Ma’am.”

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon