Chapter 16

1.1K 13 0
                                    

“Nasa ’yo na, pinakawalan mo pa.” may biglang bumulong sa  tainga ko. Lumingon ako at nakita ko ang bakulaw na yun.

Nagpalingon lingon ako sa paligid. Mabuti na lang wala masyadong tao at wala namang nakakakita sa pwesto namin dito.

“Pinagsasabi mo.” Nangati bigla ang tainga ko.

“Di ko talaga maintindihan ang mga taong kagaya mo. He chose to be with you, but you let go of him. Now.. he’s with someone else. And worst.. with someone you hated. Or let's say, someone you don’t expect.”

Napakunot ako ng noo, nag-isip muna bago magsalita, “Quotes ba yun?”

Umirap siya sa hangin. May binato naman siya sakin, “Alonzo St, STA Cruz, Manila. Petshop. Kaw na bahala, basta Chihuahua.”

“Sa girlfriend mo na naman!? OY ALLERGIC AKO SA ASO!”

Pag tinamaan ka nga naman ng magaling! Napakatalaga ng lalaking yun. tuloy ngayon bahing ako ng bahing. Mabuti na lang hindi ito gaya ng  allergy na nakakamatay o kaya wala kang tigil sa pangangati..

“ACHOO!”

Ilang araw na akong walang tigil sa pagbahing. Kasalanan talaga ito ng lalaking ito. Ang sakit kaya sa ilong. Namumula na ako tuloy.

“Cut it out! Stop glaring at me . Malay ko ba, hindi ko naman narinig ang sinabi mo. Here!” may binato siya sakin. Tumama pa sa noo ko. “Lampa.”

“Pwede ba! Baguhin mo nga yang manners mo na laging nambabato! Hindi ako player ng baseball—ACHOO!!”

“Pero alam mo bagay kang player ng mga board game. Ang ingay mo kasi.”

Tiningnan ko siya ng masama habang inaabot sakin ang isang baso ng tubig. “Ang korni.” Ininom ko naman yung gamot na binigay niya sakin.

“Huminga ka ng malalim.” Ginawa ko naman ang sinabi niya.

Konting segundo pa nung magsalita ulit ako, “Sandali, ano ba kasi talagang ginagawa ko dito?”

May mga pumasok na maid sa loob ng kwarto niya. Lumapit ito sa kanya. At may inabot na isang dress, kahon ng sapatos, at bag. Pagkatapos nilang ilagay ito sa sofa, ay lumabas din agad.

“Ibibigay mo sa girlfriend mo?”

“Isoot mo.” Walang anu-anong sabi niya.

“Girlfriend mo ba ako!?” napagtaasan ko siya ng boses.

Tiningnan niya ako, ng look na nagsasabi ng ‘Minsan paganahin mo yung ulo mo.’ Naiinis na siya niyan kapag nagiging mahina na ang ulo ko. Slow ba ako!? Asar siya a.

“Bakit ko ba kailangan itong isoot?” kinuha ko yung dress. Namangha naman ako na hindi na ako bumabahing. Effective yung gamot. Hindi ko nakita yung tatak. Mamahalin kaya yun?

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon