Chapter 66

938 12 0
                                    

“Sige Arkin.” Awkward naman niya akong nginitian. Nagpaalamanan kami hanggang sa pinaharurot na niya ang sasakyan paalis. Hindi na kami nagkausap ni Bret pagkatapos ng mga katagang nabitawan ko. Sobrang awkward. Binalot kami ng matinding katahimikan. At napatahimik ko siya sa isang iglap lang.

Ganon nga siguro talaga pagnasapol ka! Tsk tsk..

Pinihit ko na ang katawan ko papasok sa bahay. Agad kong hinanap ang susi sa bag at kinuha--

Kinapa ko ang bulsang pinaglagyan ko ng susi kaninang umaga. Kinapa pa ulit ito at tinitigan. Nang mapagtanto na wala talaga ang susi doon ay agad akong nataranta.

Mabilis kong inalis ang lahat ng gamit ko sa bag at hinanap ang susi sa posibleng paglagyan. Inisa isa ko rin ang mga gamit ko at baka namamalik-mata lang ako. Pero sa huli.. wala pa rin. Hindi ko nakita ang susi sa bag ko. Kung ganon ay naiwan ko nga yun sa loob. Ang nag-iisang duplicate key na meron kami, naiwan ko sa loob ng lock na bahay namin.

Ilang oras din akong nakanganga sa labas ng bahay namin. Hanggang sa inabot ako ng dilim. Pinagkakagat ng lamok. At dalawin na ng gutom. Nakaupo lang ako dito sa labas at naghihintay sa wala. Hindi ko alam ang gagawin ko.. hanggang sa makatanggap ako ng tawag kay Nadiel..

Sinagot ko ito kahit wala pa rin sa sarili. Pero mangiyak-ngiyak na ako nang marinig ang boses niya, "Just wanna tell you that I'm on my way na.", ganyan siya lagi. Pinapaalam niya sakin sa tuwing uuwi at makakarating na siya sa mansion nila. Di pa man kami.. pero ganyan na siya..

Di pa man kami pero masyado na akong dumedepende sa kanya, "n-Nadiel--" pumiyok pa ako dahil sa katangahang naalala. Ang tanga tanga ko naman kasi talaga! Kinalimutan ko yung susi sa loob!

Mabilis namang nakarating sa bahay si Nadiel. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yun pero hindi naging dahilan ang pagpunta niya dito para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ako halos makatingin sa kanya. Balewala din naman dahil lumalabo na din ang paningin ko sa mga nagbabadyang mga luha. Nakakahiya ako! Ayokong dumepende sa kanya masyado pero pinili ko pa ring gawin. Ayokong nag-aalala siya at bigyan ng problema, pero siya pa rin ang tinakbuhan ko. Parang bang walang wala na akong matatakbuhan kundi siya lang. Masyado akong dumedepende sa mga taong minamahal ko.

Ayokong tratuhin siya ng gaya kay Bret.

Ayokong mangyari samin ang mga nakasanayan ko kay Bret.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" nakakapangiyak talaga ang katangahan ko. Nakakahiya sobra! Gusto ko ng maglaho! Pinapatay ako ng reaction niyang yan. Masyado siyang nag-aalala. Nag-aalala siya ng husto where in fact, kasalanan ko!

"Arkin.." hinawakan niya ang mukha ko.

Hindi ko na talaga kaya ang kahihiyang bumabalot sa sistema ko! Tuluyan ng tumulo ang luha sa mukha ko. Nakakahiya!!!

"N-nakalimutan ko.. sa loob.." paulit ulit kong kinakagat ang labi ko at pakiramdam ko ay kinakain ko rin ang salita ko. "..nasa loob.. naiwan.. ko.. Naiwan ko.--"

"Ano..!?" nanlaki ang mga mata ko nang pumantay siya sa mga mukha ko. Ngayon ay sobrang lapit ng mga mukha niya.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon