Chapter 33

1.2K 12 0
                                    

Ibig sabihin lang, hindi ko na naman maeenjoy ang bakasyon ko. Buong sembreak makakasama ko ang bakulaw na’to. Siguradong pagpapahirap lang ang gagawin niya sakin. Excited pa naman sila mama at papa dahil akala nila si Bret at mga kaibigan nito ang makakasama ko. Wala silang alam. At hindi rin naman nila malalaman na nagsisinungalin ako dahil nga cool-off kami ni Bret. Napakaimposible na magparamdam si Bret sa mga magulang ko gayong sakin nga hindi siya nagpaparamdam..

“Oh anung tinitingin tingin mo dyan!” sinamaan niya ako ng tingin habang nakapout ako sa kanya.

“Let’s go!” excited na sabi ni Gavin.

Alam kong may pinaplano siya. Simula pa lang nung malaman niya na wala naman talagang namamagitan samin ni Nadiel. Na ang lahat ay isang malaking pagpapanggap lang. At kung ano man yung pinaplano niya para paglapitin kami ni Nadiel. PWES! Tinataga ko sa bato! Hinding hindi siya magtatagumpay. Hinding hindi sa bakulaw na’to.. HINDI KAMI BAGAY NO!

“WOWwwww~ Ang ganda ganda naman dito!!!”

Sabi ko habang inoobserbahan ang view sa labas dito sa may balcony ko sa may 12 floor. Ang ganda ganda talaga. Hindi man ito ang first time ko sa hotel, pero natutuwa parin ako pagnakakakita ng magagandang view. Sino bang hindi. Nakakaalis ito ng problema no.

Bakit ba hindi ko naisip na maswerte pa rin ako na nakakasama ako sa mga lakad ng mga mayayaman na’to. Dinadala nila ako sa mga mamahaling lugar. Nakakakain ako ng mamahaling pagkain. Higit sa lahat nakakakita ako ng mga view na sa internet ko lang talaga nakikita noon. sarap talaga ng mapera. Pero sa kabilang banda..

“Ang kulit talaga!” nakita ko naman na binato niya ang phone niya. Nagkatinginan kami ng masama.

Pero sa kabilang banda, hindi pa rin masaya kung siya ang kasama!

“Maiwan ko na muna kayo a.” umalis naman si Gavin.

Di ko na lang pinansin si bakulaw at nagfocus na lang ako sa ganda ng scenery. At dahil may maganda na akong phone, naisip kong magpicture. Magseselfie na muna ako! Ngiti dito, ngiti dyan. Ang gaganda ng kuha ko.

“WAH! Ano ba!” sabi ko sa kanya sabay delete ko naman dun sa photo namin. Kasi naman bigla bigla na lang siyang sumisingit sa tabi ko.

Tumambay naman siya dito sa balcony sa tabi ko. Pasimple ko naman sinilip yung picture namin na dalwa. Hindi ko siya dinelete. Ang ganda ko kaya dito! Pero.. panira ang bakulaw na’to. Nakabelat kasi siya. Parang ang close pa namin dito na dalwa. At.. ang cute cute pa ng wacky niya dito.. Eeeh!!

“Siguraduhin mong sarado ang pinto pag ikaw lang andito a. Hindi lagi na sa tabi mo ako, pwede ring nasa Office ako ng hotel. Sa kitchen. Sa lobby. Sa reception hall. O kaya..” tiningnan ko siya ng ‘okay ka lang, men?’ look.

“O kaya.. nakikipagflirt sa mga receptionist, sa mga secretary, assistant o mga visitors!” pang-asar niya akong kinindatan. Naiisip ko pa lang yun, kumukulo na agad ang dugo ko. Alam niyo na kawawa naman yung mga babaeng yun! Tss.. napakachikboy talaga!

Tinuloy ko na lang ginagawa ko. Pinicture-picture ko yung mga magagandang view.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon