Chapter 46

1.1K 15 1
                                    

Sinupladahan ko yung babae at tiningnan naman ng masama ang manlolokong lalaking ito sa harap ko.

“Let’s go?” mariin kong sabi dito.

Blanko siyang nakatingin sakin. Pa-poker face pa ang loko! Kaya pinandilatan ko at inutusan sa tingin na sumunod sakin.

Tumayo din naman siya at agad na sumunod sakin. Bigla ay agad na gumaan ang pakiramdam ko. tiningnan ko pa ang babaeng kasama niya ng pinakanakakapang-asar kong tingin. Pero ako ang naasar sa ginawa nito—

“Pfft—“ nakatakip ang bibig nito pero halatang may pinagtatawanan. Pinagtatawanan niya ako.

Napahiya naman akong napatingin kay Nadiel, pero siya ay wala ding pakealam at hindi makatingin sakin. Parang may kumirot dito sa dibdib ko. nakakahiya ako!

“Arkin!” aalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan sa braso.

Hindi ako humarap at buong lakas akong nagpumiglas sa kanya. Pero nahuli naman niya ang kamay ko at buong lakas akong iniharap sa kanya. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko. dahilan para manghina ako.

“I’m so happy to meet you—“ nagulat pa ako nang bigla akong yakapin nung babaeng kasama niya. nawindang naman ako.

Hinawakan ako nito sa magkabilang braso, “You’re soo pretty. I think I’ll like you. Siguradong magkakasundo tayo sa mga bagay bagay—“ sabay sulyap kay Nadiel. Parang may double meaning yung mga sinabi niya.

“And by the way, I’m Nathaniel’s sister. It’s Maria Jave Candia Fortalejo. Step sister, actually.” Pagkasabi niya nun. Bigla ko namang naaalala nung minsang nabanggit ni Nadiel sakin ang tungkol sa pagiging step mom ni Mrs. Fortalejo sa kanya. Ibig sabihin, siya ang tunay na anak ni Mrs. Fortalejo.

Nagpaalam din naman samin si Ate Jave. Sabi kasi nito na ate ang itawag ko sa kanya. Bumalik kami ni Nadiel sa school. Pero dahil gaya ko, late na din sya sa klase niya. kaya naisip namin na tumambay na muna kung saan saan dito sa campus. Okay lang naman kasi dun sa pinupuntahan namin ay medyo kokonti ang tao.

Napag-alaman kong kakauwi lang ni ate Jave dito sa Pinas. Sobrang close sila ni Nadiel kahit matagal silang hindi nagkikita. At mukha namang.. mahal na mahal nila ang isa’t isa. Di gaya ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Nakakatuwa lang na paunti-unti mas nakilala ko si Nadiel. Mas madami akong nalalaman tungkol sa kanya.

“Anong tinitingin tingin mo?” sarkastiko niyang tanong. Pero biglang bumungisngis. Yung ngiting nakakapang-asar! Siya ng may magandang ngipin!

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya umiwas din agad ako ng tingin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga ngiting yun. kaya binilisan ko ang paglalakad.

“Wag kang umiwas, Arkin.”

“Uupo lang ako!” sigaw ko. At umakto na umuupo lang naman talaga ako.

Muntik naman akong mapatalon sa pagkakaupo nang bigla siyang lumapit sakin. At kinorner ako ng mga bisig niya dito sa pagkakaupo ko. Nakasandal ang mga kamay nito sa lamesa na nasa likod ko. sobrang lapit niya na halos maamoy ko ang.. ang bango ng hininga niya kahit kakakain lang niya. Good breath!  Lumapit pa siya at halos magbungguan na ang mga ilong namin. At halos maduling-duling ako sa mga nakakatunaw niyang tingin. Napalunok ako at pinilit na lumayo sa kanya kahit na halos sagad na ang pagkakakorner niya sakin. Parang hahalikan niya ako na ewan na wala akong magawa para makapalag. Sumide-view ako para hindi masagwa na halos konting galaw na lang ay maghahalikan na kami.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon