Chapter 28

1K 14 1
                                    

“Bret?”

Dumating ako sa bahay at nandun siya.

Tuwang tuwa sila mama na iniwanan pa ng makakain si Bret. Ngayon na lang kasi ulit siya bumisita. Alam kong miss na miss na nila si Bret.

“Uh. Pwede bang sa labas na lang tayo mag-usap?”

Napalingon naman kami kila mama na ngayon ay sinisilip kami. Obvious na nakikinig sila sa usapan namin. At mukha pang gusto nilang makijoin.

Lumabas nga kami at naisip na sa may basketball court na lang tumambay since wala naman ng tao dun. Ang liwanag ng buwan. Hindi ganon kadilim ngayong gabi.

“Arkin tungkol sa sinabi mo.”

Napakagat ako sa labi ko. Mas lalo akong kinabahan.

“Mag cool off muna tayo.”

Napanganga akong napatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Gusto kong siyang tanungin. May dapat akong sabihin. Pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Napatakip ako ng bibig.

“Hindi ako alam kung hanggang kailan. Pero kailangan ko nito, Arkin. Wala tayong problema maniwala ka. Kailangan ko lang talaga ‘to.”

Binalot kami ng katahimikan.

Napayuko ako.

“Okay..” nasabi ko na lang.

Nanatili ako sa tayo ko ng gabing yun. Hinayaan kong umalis si Bret kahit sinabi niyang ihahatid niya ako pabalik sa bahay namin. Gusto ko lang mapag-isa nung gabing yun. Dahil.. malungkot ako.

Sa buong buhay ko.. ngayon lang ako naging malungkot. Ngayon lang ako nasasaktan. Na wala ako sa mood na gawin ang kahit na ano. Gusto ko lang matulog. Gusto ko lang makalimutan ang sakit na yun.

“..Cool-off is a prelude to a Break up.” Laglag ang panga ko sa isang page na nabasa ko.

‘..but a cool-off kasi is a show of doubt. and it takes  a lot of work to recover from that so not a lot of people are able to make it.’ Doubt? Anong pinagdududahan ni Bret? Ang relasyon namin na dalwa? B-Bakit?

‘I think sometimes people need space to see things clearly. ‘ Space? Bakit? may mga pagkukulang ba ako? naging mahigpit ba ako sa kanya? Nasasakal na ba siya sakin?

O.. nakikita niya na masyado na akong immature sa mga pinagkikilos ko.  Mali pa rin ba na sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Heidy? Hindi ba niya ako pinaniniwalaan? May sinabi ba na naman ba ang babaeng yun!?

“Ano yang binabasa mo?”

Automatic ko namang pinatay ang phone. Napalingon ako kay Gavin at kinakabahan na binati siya.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon