Chapter 35

1.2K 19 3
                                    

Sembreak ends. Natapos ng ganon ang sembreak na puros Nadiel ang mukhang nakikita ko. Feeling ko lugi ako sa sembreak na yan. Di ko man lang naenjoy. Palagi lang kasi akong inuutusan at inuuto ng bakulaw na yun kapag magkasama kami. Palagi ko naman siyang natutulungan pero parang bang ang laki laki parin ng utang ko sa kanya. Kailan kaya yung araw na magiging mabait sakin ang bakulaw na yun? Kapag.. malapit na siyang kunin ni Lord?

“Ang tanong.. si Lord ba ang kukuha sa kanya?” natatawa kong sabi sa sarili ko.

Napayuko naman ako nang may biglang tumama sa ulo ko. Ang sakit hah! Lumingon ako at agad na hinanap kung sinong hinayupak—

“Ms. Kin!!” nakangiting kumakaway si Gavin.

Habang nakapangalumbaba sa may bintana ng pasenger’s seat ang bakulaw na yun na nakatingin sakin. Hawak hawak ang drinks niya. Hinawakan ko yung buhok ko. Medyo basa. Binato niya ako ng yelo!

Nilapitan ko sya at dinuro, “BAKULAW!” tinakpan ko ang bibig ko.

“Bakulaw?” nakakunot na noo na sabi niya.

“HAHAH Si Nadiel Bakulaw? Saang anggulo?” tawa ng tawa si Gavin.

“Kasi..” nahihiya kong sabi. “Ang laki-laki niyang tao. Palagi pang galit. At nakakatakot!” sigaw ko.

“Pero hindi ako mukhang gorilya! That just so—UGH Whatever. Nonsense shithead.” Sinoot niya yung headphone niya.

“Get in, ms. Kin.” Nakangiting sabi ni Gavin.

Nabugnot ata si Nadiel. Pero pumasok pa rin ako sa loob ng sasakyan ni Gavin. Hindi pa rin nga natitigil sa kakatawa si Gavin. Kahit sa totoo lang.. medyo nagtataka na rin ako ngayon kung bakit nga ba bakulaw ang madalas kong itawag sa lalaksot na’to. Ang layo layo ng image niya physically sa isang bakulaw. Kasi naman! Palagi ngang nakagalit ang mukha! Palagi pang pang-asar.. HMP!

Sabay sabay na kaming pumuntang school.

“Una na ako.” Paalam ni Nadiel.

Tiningnan naman niya ako. Nagkatitigan kami saglit. Tapos umiwas din siya at umalis.

“Galit ba siya?” tanong ko kay Gavin.

“Bakit naman siya magagalit sa napakababaw na pang-asar. Pero bakit hindi mo suyuin..” kinindatan niya ako.

“Alam mong wala kaming ganong relasyon.”

Bumaba din naman kami ng sasakyan at umalis. Second sem na at napansin ko na sobrang busy ng lahat. Nakikita ko na nagdagsaan din ang iba't ibang mukha ng mga janitors. Dahil nga pala sa nalalapit na big project ng MO. May gaganapin silang Photoshoot para sa bagong magazine cover title. Ang alam ko din para sa charity ang project na’to. Lahat ng university na may Modelling Org ay may mga gagawing gantong event. Hindi mapagkakailang excited lahat.. lalo na ang mga die hard fan.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon