Chapter 44

1K 21 0
                                    

“Hanggang kailan ka ba tatayo lang dyan?” sumigaw naman siya.

Ahh.. miss na miss ko na talaga ang taong ito..

Inayos ko ang sarili ko at nagpanggap na naiinis sa kanya. Nilapitan ko siya, “Thank you sa bulaklak a. pero.. hindi ‘to utang hah. Hindi ko naman sinabing bayaran mo.” Pagtataray ko.

“Just get in.” Mahinahon niyang sabi. Pagkatapos ay pumasok sa kotse niya.

Bakit ang saya saya ko ata? Yung puso ko.. walang tigil sa paghuhuramentado..

Tahimik lang kami sa byahe. Hindi rin naman ganon katagal at nakarating kami sa lugar na hindi familiar sakin. Walang katao tao at wala ding mga bahay sa paligid. Though medyo madilim na, makitakita parin ang kabuuan ng lugar dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga poste. Pero napakaganda ng kapaligiran. Parang city park. At may ilog pa sa tabi nito.

Hindi ko alam kung bakit kami nandito. At bakit niya ako dinala dito. Bumaba naman siya. At agad akong sumunod. Sa nag-iisang puno ng acacia sa buong kapaligiran namin, nilagay niya ang hawak-hawak na bulaklak. Katabi ng isang malaking bato. At dito sa pwesto namin, mas matatanaw ang ganda ng ilog.

“Happy Birthday, mom.”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Nadiel. Napatingin pa ako sa malaking bato na kausap niya. Sinong mom?

“Arkin.” Napatalon naman ang puso ko nang tawagin niya ako. “Meet.. my biological mom.” Namilog ang mga mata ko. Napanganga ako. At gaya niya ay agad na napaupo.

Nagbow ako. “h-Hello po! Ha..” sumulyap pa ako kay Nadiel. Hindi kasi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin ‘to, “h-Happy Birthday po. Ako po si Arkin.. k-Kaibigan po ako ng anak ninyo?” nahihiya kong sabi.

Seryoso!? Ngayon ko lang ‘to nalaman. Nakakahiya!~

“Pinagtitripan mo ba ako?” bulong ko sa kanya. Parang kasing hindi pa rin ako naniniwala sa mga pinagkikilos niya.

“Hindi tayo magkaibigan, Ms. Ramirez.” Laglag panga naman ako. Nagsusungit pa siya! Napaka talaga~

Inayos niya ang mga bulaklak. Kahit papaano nakikilala ko ang mga bulaklak na yun.. calla lily.

“Ang nakilala mong mom ko.. ang kasama ko sa bahay.. ay Step Mother ko. My biological mom died when I was 5 years old.”

Parang nalungkot naman ako bigla, “Bakit hindi mo sinabi sakin?..”

“Bakit ko naman sasabihin sayo, hindi ka naman nagtatanong. You never answer without a question.” Parang gusto ko atang manapok! Asar talaga ang lalaking ito!

Nilagay ko naman ang hawak-hawak kong paso sa katabi ng mga bulaklak na Calla lily—“Anong ginagawa mo?” tanong niya bigla.

“Para sa kanya ‘to diba?”  mariin kong sabi.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon