Chapter 32

1.1K 14 1
                                    

"Gets mo ba?" sabi ko.

Ngumiti naman sya at tumango. Alam niyo yung weird? Nagpapaturo sya sakin ng simple equation sa math kahit mas matalino naman sya sakin.

Final exam na kasi namin. At nandito nga kami sa mansion gaya ng sinabi niya last time. May library sila Nadiel at dito kami nagrereview.

“Tingnan mo ‘to, Arkin” lumapit naman siya sakin at may ipinakita sa libro niya. Nung una di ko gets, pero nung may sinulat siya.. napahagalpak na lang ako sa tawa.

“Hahaha!” hinampas hampas ko si Gavin habang tumatawa kami dahil sa kalokohan niya.

Natigilan lang ako nang mapansin ang masamang mga tingin ni Nadiel. Nakalimutan kong nag-aaral nga pala kami. Ito naman kasing si Gavin.. bigla bigla na lang nantitrip.  Sinenyasan ko naman siya at bumalik na rin kami sa ginagawa namin.

“Uh Arkin, tanda mo ang long division. Parang naguluhan kasi ako.” Nilapit niya ang upuan niya sakin. Sobrang lapit naman ni Gavin kahit na hindi ko pa naiintindihan yung equation.

Sinubukan kong iexplain sa kanya pero hindi rin ako sigurado.

“Hindi ko alam na mahina ka pala sa Math.” Tinamaan naman ako sa sinabi ni Nadiel. Napakamean talaga ng taong ito!

 “May time lang talaga na naguguluhan ako.” Sumagot naman si Gavin. Sandali, sino bang magkausap dito?

“Bakit ka ba nagtatanong kay Arkin e mahina utak niyan. Paniguradong mali yang sinabi nya!" ewan ko a kung nang-aasar sya. Pero nakakaoffend hah! Parang wala ako sa harap niya!.siya pa ‘tong may ganang mabadtrip! Nakakabadtrip na pala ang pagiging bobo ng ibang tao!

“At ikaw, sagot ka ng sagot. Maawa ka naman sa tinuturuan mo.” nanggagalaiti niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama.

Maya maya pa nasundan ulit ni Gavin ang tanong niya, “Anong masasabi mo sa discrimination sa Pilipinas, Arkin?” mukhang essay naman ngayon ang pinoproblema niya.

“Sa totoo lang lutang ang utak ko ngayon, Gavin.”

“Ano ba sa tingin mo ang magandang topic—“

Natigilan kami sa malakas na sounds na ginawa ni Nadiel. Padabog lang naman niyang pinatong ang libro sa tale namin. At ngayon ay nakatingin siya samin ni Gavin.

“Pwede bang mahiram ko muna ang girlfriend ko?” parang kinilabutan naman ako sa sinabi niya.

“Saan kayo pupunta?”

“Gusto ko muna na masolo siya.” Tumayo si Nadiel at agad na umalis. Gets ko naman na kailangan kong sumunod kaya nagpaalam na ako kay Gavin.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa labas. Sumakay kami ng kotse niya. At pumunta kung saan. Tahimik lang kami sa byahe. Wala din naman akong sasabihin kaya hindi ako nagsasalita. Just go with the flow lang ang peg ko.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon