Chapter 72

1.7K 13 1
                                    

Nagkameron ako ng pagkakataon na umalis dahil may biglang tumawag sa phone ni Gavin. Ilang araw na rin ang nakakalipas. Hindi na rin kami nagkakausap pagkatapos nun dahil sa exam week na. Pagkapos na pagkatapos kasi ng mga exam, kung mahaba ang vacant ay pinipili ko na lang na mag-aral. Iniiwasan ko din ang mga tawag niya, kahit ang mga tingin niya, at lalong lalo na sa tuwing magkakasalubong kami.

Ang totoo, iniiwas ko ang sarili ko sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya.. kay Nadiel. Unfair ako, alam ko. Tumatakas ako. Kahit ang mga taong wala namang kinalaman ay iniiwasan ko. Gaya ni Gavin. Pero kasi si Gavin yun. Alam kong isa rin siya sa mga taong madidisappoint ko dahil sa nangyari samin ni Nadiel. Naaalala ko lang ang mga nasabi ni Mrs. Fortalejo. Nahihiya na ako sa kanila. Kaya iniiwas ko ang sarili ko sa kanilang lahat.

Naaapektuhan pa rin ako sa tuwing makakarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya. Aaminin kong naguguluhan ako sa mga sinabi ni Gavin. Pero pinipili kong kalimutan at wag na lang pagkaisipan ang tungkol dun. Nalulungkot na naman ako sa tuwing naaalala kung paano ako.. binalewala ng taong yun. Hanggang ngayon.. masakit pa rin. Hanggang ngayon.. hindi pa rin ako okay.

 “..sayang talaga.”

“Pero bakit ganon?”

“Gustong gusto ko talaga silang dalwa para sa isa’t isa.”

“Perfect match talaga sila, no?”

“Alam kong gustong gusto nila ang isa’t isa.”

“They are just so perfect together! How sad..”

At siguradong mahihirapan ako na makausad kung patuloy na ipapaalala sakin ng mga tao dito sa school ang tungkol sa kanila ni ms. Lei lan. Nakaligtas nga ako sa issue. Naiiwas ko nga ang sarili ko at si Nadiel sa issue. Tahimik nga ang buhay ko. Pero ako pa rin ang talunan. Hindi ko na nga siguro sila nakikita na magkasama. Nagagawan ko nga siguro ng paraan para makaiwas sa kanilang lahat. Pero sa huli, nakakapagod pa rin. Nakakapagod tumakas..

Problema ng mga taong ‘to?’ singhal ko sa sarili nang mapansin ang dalwang di pamilyar na mga babaeng na nakatingin sakin na nakasalubong ko at hanggang sa makalagpas sakin. Nagbubulungan pa.

Sinamaan ko nga ng tingin. Nagmakeface ako, ‘Kahit walang ginagawa, pinagbubulungan ka pa rin! CHE’

 

Naiinis talaga ako sa mga ganong tao. Hindi pala talaga nakakatuwa pag ikaw na ang pinagkakaisahan. At lalong lalo na ang pinagchichismisan.

“Eh!?” agad akong nagpalinga linga sa paligid ko at naghanap ng matataguan. At nang makakita ay agad na nagtatakbo patago.

Sumulyap pa rin ako kay Nadiel mula dito sa kinatatayuan ko. Mukha siyang may hinahanap. Kaya nga dali dali akong nagtago, malayo pa lang kitang kita ko na siya. Ayokong magkrus ang landas namin. Minsan kapag hindi ko naman na napapansin na makakasalubong ko na pala siya ay nagmamaang maangan akong walang nakita hanggang sa tuluyan ko na siyang maiwasan. Pero alam ko. Ramdam ko na ako yun. Sinusubukan niyang lapitan ako.

Sinamaan ko pa ng mga tingin ang mga taong napapatingin pa rin sakin. Hindi ko alam problema ng mga taong ito. At wala na rin akong dapat na pakealam sa kanila dahil wala naman na akong kinalaman sa Nadiel nila.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon