Chapter 15

1.3K 19 1
                                    

Badtrip akong pumasok sa school. Late lang naman ako ng pasok, kaya napaabsent tuloy ako sa isang subject. Ang bakulaw naman kasing yun, hindi ako ginising! Inabot kasi ako ng alas-2 sa pagtatype sa buong book na pinapatype niya. Nakakaasar talaga. Ni hindi pa ako hinatid nung kinaumagahan. Ni hindi nga rin ako pinagpaalmusal! Nakakaasar!

“AH!” nalaglag ang mga hawak ko.

“s-Sorry!” tinulungan naman ako ng nakabangga sakin limutin ang mga gamit ko. Nang iabot niya sakin ang mga gamit ko, naagaw ng pansin ko ang mamahaling camera niya na nakasabit sa leeg niya.

“Pasensya ka na. Uhh.. kumukuha kasi ako ng mga pictures.” Ngumiti ako ng matipid. “Ah! Ikaw ang girlfriend ni Bret Lacson, right. Photographer ako. Pero actually, estudyante parin dito. Ritchell Padilla.” May inabot siya saking card.

Professional photographer kaya siya?

“Ah., yung boyfriend mo!” may tinuro siya sa likod ko.

Napangiti tuloy ako at agad na lumingon. Pero agad ding nabura yun, nang makita kong magkasama sila nung Heidy. Bigla pa na gumawa sila ng eksena, kung saan kinailangan ni Bret na lumuhod para ayusin ang sintas ng highheels ng Heidy’ng yun. Just for being a gentleman.

Hindi ko naman kailangang magworry.

“Bagay sila ni Bret no.”

“Ang alam ko, featured sila sa isang magazine.”

Hindi ko kailangang magworry..

“Sorry for that.” Lumingon ako dun sa Ritchell.

“Hah?!” pagmamaang maangan ko. Tapos umalis din dun.

Alam ko naman na nagsosorry siya dahil sa bulong-bulungan ng mga tao sa paligid namin. Normal naman na maging ganon ang dating ng nakita nila sa ibang tao. Plain ako. At aaminin kong wala ako sa kalingkinan ng mga model na yun. Pero kung hindi problema ang height, bagay rin ako kay Bret no! Bagay kami sa isa’t isa!

Hindi lang ako palaayos. Simple lang ako. At alam ko.. para sa isa’t isa kami ni Bret.

Matapos ang ilang subject namin. Nung magkameron ako ng time, naisip kong puntahan si Bret sa org nila. Nakasalubong ko pa si bakulaw. Nagmaang maangan na lang ako na walang nakita. Wala naman siyang pakealam kahit batiin ko siya diba.

“Arkin!” nakita ko naman si Jewel. Agad ko siyang nilapitan. Mabuti na lang nandyan siya. Siya lang itong mabait sakin at sobrang friendly pa.

“Halika, wala naman kaming masyadong ginagawa kaya pwede ka muna dito.” Napansin ko ang dami ng tao sa loob, “Alam mo kasi naghahanda kami para sa Welcome Event namin, kaya medyo magulo dito. Inaayos kasi ang mga outfits namin. At mga irarampa naming damit.”

Tumango tango ako sa sinabi niya at naglakad lakad kami. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero hinanap ko na rin si Bret.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon