Chapter 24

1K 16 0
                                    

Mabuti na lang dalwang subject lang inexam namin ngayong araw. Nakapagpuyat pa ako para mag-aral. Ang problema lang, yung ibang subject hindi ko pa naaaral. At ang malala may mga topic pa akong hindi magets dun.

“Ano ‘to?”

Nakasalubong ko pa si bakulaw sa pag-uwi. Tapos ngayon may binibigay siya sakin na makakasira ng buhay ko.

Tiningnan lang niya ako na parang sinasabi ‘I don’t have time dealing with stupid. Wag kang slow!’. Kaya sinigawan ko siya, “Alam kong cellphone ito! Mamahaling brand ng cellphone! Pero para saan—bakit mo ko binibigyan—“

Sinalpakan niya ng brownies ang bibig ko.

“Wow. So cupcakes can really keep that big mouth of yours shut hah.” Tinulak ko siya. habang nangunguya-nguya ako.

“Wag mo nga akong maenglish! Palagi ng nag-ienglish. Mas nakakairita!” lumunok ako.

Kumalma naman ako, “Kayo na ba ng chef mong chiks?” mataray ko pa ring sabi.

“Iba yun. Pastry chef itong bago.” Tiningnan niya ako ng masama, “Why do you care. And why do I have to answer that none-of-your-business-question!” tinulak niya ako sa noo.

“Basta hindi ko ‘to matatanggap—“ binalik ko sa kanya—

“Ibalik mo kay, mom.” Natigilan ako sa sinabi niya, “Si mom ang may gustong ibigay ko yan sayo. Ano bang tingin mo.”

“s-Si Mrs. Fortalejo!?” binato ko ‘to sa kanya pero di niya sinambot. “Ano ba! Ikaw na magbalik!”

Nagwala siyang pakealam at tiningnan lang ako. nataranta ako. b-Bakit ako binigyan ni Mrs. Fortalejo ng bagong phone? At bakit alam nitong wala akong cellphone.

“Pinaiimbestigahan ba ako ni Mrs. Fortalejo kaya niya nalamang wala akong phone?” walang bahid ng kaba ang itsura ng lalaking ito. Parang wala lang sa kanya lahat ng nangyayari!

“This makes no sense.” Nayayamot na siya niyan.

Bakit ba pakiramdam ko palagi siyang naiinis na makipag-usap sakin? Ganon ba siya naiinis sa existence ko! Ang bakulaw na’to! Akala ba niya nakalimutan ko na ang ginawa niya nung isang araw. Hanggang ngayon nagagalit pa rin ako sa kanya. Pero patutunayan ko sa kanya na nagkakamali siya!

“Nakausap ko si mom about this. Then she suggested to give you this as a gift. Don’t get me wrong, I don’t mean to give her an idea. Nasabi ko lang na wala tayong connection sa isa’t isa kaya ka na madalas sa bahay.”

“Nasa bahay si Mrs. Fortalejo? Ninyo?” napahawak ako sa braso niya. Tiningnan naman niya ako. kaya bumitaw ako.

Umiwas siya ng tingin. Silence means yes.

“Ibabalik ko ‘to kahit na anong mangyari!”

So in the end sumama ako sa kaniya pauwi sa mansion. Naisip kong hintayin na lang si Mrs. Fortalejo. Kasi naman hindi ko maaasahan ang bakulaw na’to. Mahingan lang ng favor parang ang laki laki na ng hinihingi ko!

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon