Chapter 25

1.1K 14 1
                                    

“Hahahaha. Pero hindi naman boses parot ang mga Chinese. Ang alam ko mga taga thailand ang boses parot.”

“Talaga? Sige nga magthai ka nga!” lumapit ako sa kanya.

“Ayoko nga!” inuga uga ko yung braso niya at kinulit siya.

Pero biglang tumunog ang phone ko. Phone na bigay ni Bret. Napatingin kaming dalwa sa bag ko. Kinuha ko yung cellphone ko—Nang biglang nagbukas ang pinto ng kwarto niya.

“Mom.“

“Mrs. Fortalejo—Tita!?” tinago ko agad yung phone ko sa bag. Napatayo ako.

“I see, you two are having a good time.”

Napatingin naman ako kay Nadiel na nakaupo lang sa kama. Walang pakealam. Lumapit si Mrs. Fortalejo sakin at hinagkan ako. Ganon din siya kay Nadiel. At ganon din si Nadiel sa kanya.

“Nag-aaral kayo?”

“I’m helping Arkin with her studies.” Simpleng sagot ni Nadiel.

“Ohh. That’s so sweet.” Hinawakan ako sa mga kamay ni Mrs. Fortalejo. “How I miss you hanging out with my son. That’s good. Having a date while dealing with your studies..” nginitian ako ni Mrs. Fortalejo.

“Mom..” napatingin kami kay Nadiel. Na bahagya namang pinasadahan ng palad ang buhok niya. “May sasabihin sainyo si Arkin.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Parang nawala pa ako sa sarili nang madala ako sa ganda ng view. Kasi naman bakit ang seductive ng lalaking ito. Spell Hot.. N-a-d-i-e-l..

“Ano yun, hija?” nakahawak pa rin si Mrs. Fortalejo sa mga kamay ko. Tapos ramdam na ramdam ko talaga na natutuwa siya sakin.

Bakit naman kasi binigla ako ng bakulaw ng Nadiel na’to.

“Ahh..” tinitingnan ko si Nadiel pero dedma lang siya.

“Oh! Natanggap mo ba ang regalo?” speaking of the gift.. “Nagustuhan mo ba?”

Ngumiti ako. wala na. nagfreeze na ako sa sobrang kaba. Mabuti na lang may dumating na maid at inexcuse si Mrs. Fortalejo. May kailangan pa itong gawin kaya umalis din agad.

“Hayy.. kinabahan ako dun.” Pinagpawisan pa ako ng malamig.

Tumingin naman ako kay Nadiel na nakalahad ang kamay. Napakunot ako ng noo at nagtatakang tiningnan siya.

“Ako na ang bahala na mag-explain. Ibabalik ko na lang—“ nakita ko naman na kinuha niya sa tabi ng bag ko yung paper bag. Kaya mabilis akong nakalapit sa kanya at sinunggaban ang kamay niya.

“Hindi!” nagulat siya sa ginawa ko. Sobrang lapit na tuloy ng mukha namin sa isa’t isa.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon