Chapter 36

1K 16 1
                                    

Napahiya naman ako dun. Tapos biglang naalala ko ang dala dala ko. “May dala ako!” pinagewang gewang ko sa hangin ang dala dala kong paper bag.

Dinedma niya ako.

Nilabas ko na lang sa paperbag yung dala dala ko. Ang bango~ Mabuti na lang may dala dala akong sarili kong kutsara. Dalwa para saming dalwa. Ang laki laki kasi ng bahay nila. Ang layo pa ng kusina.

“Heto tikman mo. Eggplant lasagna yan ng mama ko. Dahil daw kasi hindi ako mahilig kumain ng gulay kaya pinaggagawa niya ako nito.” Sumandok ako nang hindi pa rin niya ako pinapansin.

Pero hindi ko kayang ilapit ang kutsara sa kanya. Pero sayang ang effort ko sa pagdala nito. Favorite ko pa naman ito.

Kaya naman, naglakas loob akong hawakan ang pisngi niya kahit nanginginig pa ang kamay ko para lang maiharap siya sakin.

“Ano bang—“ nagsala ang kutsara sa labi niya. Nadumihan ko tuloy siya.

“s-Sorry!” pinatong ko yung kutsara sa may lalagyan. At agad na pinunasan ang pisngi ni Nadiel gamit lang ang kamay ko. “So-sorry talaga!”

Magkasalubong ang mga kilay niya. At habang hawak ko ang mukha niya.. napagmasdan ko na lang ang natural na pinkish na mga labi niya. Napakaganda pala talaga ng curve nito..

“AH!” nagulat na lang ako nang hinahawakan ko na pala ang labi niya.

Agad akong lumayo. Naramdaman ko pa na uminit ang mga pisngi ko. at para pagtakpan ang kahihiyan ko, mabilis kong inabot ang lalagyan ng eggplant lasagna na dala ko, “Kumain ka na lang please!”

*PLAK* Tinamaan siya sa noo. at medyo napakalakas ang pagkakahampas ko.. hindi ko sinasadya..

“Sorry talaga! Sorry.. Nadiel..”

Tinapalan niya ang sarili niya ng gamot. Naiinis pa rin siya. At bakas sa mukha niya na badtrip talaga siya.

“Uuwi na lang siguro ako,” hindi man lang napakealaman ang eggplant lasagna niya ko.

Tatayo na sana ako, “Ano ba kasi yan?” nagkatinginan kami. Pero bad mood pa rin siya.

Dahil excited ako. Agad kong hinanda sa kanya yung dala ko. dahil favorite ko nga ‘to, gusto ko talaga na matikman niya rin ‘to. Sumubo naman siya ng isa. excited ako na malaman ang masasabi niya.

“m-Masarap ba?” kuyom ang kamao niya na nasa bibig niya.

“Ikaw ba nagluto nito?” umiling ako sa tanong niya.

“Si Mama. Pero kaya kong gumawa nito. Madali lang naman. At dahil hrm naman ako, mas magiging madali pa sakin ang mga bagay bagay!”

“Sa tingin ko, nakatikim na ako nito noon. Pero mas cheap ‘to kung ikukumpara.” Nainsulto nama ako sa sinabi niya. Pero.. bigla ay sumubo pa ulit siya ng isa.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon