Chapter 55

1.2K 18 0
                                    

Nagising ang diwa ko, pero ayaw bumangon ng katawan ko. nakatulala lang ako sa kisame at saglit na pinakiramdaman ang sarili. Napalingon ako nang makitang pumasok si mama sa loob ng kwarto ko.

Kagabi ay panay din an pagsilip niya sakin dito sa kwarto para tingnan ang kalagayan ko.

“Oh bangon na at kumain ka na sa baba.” Hinawi niya ang kurtina ng bintana para mas masilayan ko ang sikat ng araw.

Nakita ko naman na kung anong oras na. Nagulat ako at pinilit na bumangon—pero ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Hinawakan ko ang noo ko. at confirmed! May lagnat ako. Kung sinuswerte ka nga naman! TSS

Naramdaman ko naman ang palad ni mama sa noo ko, “Bagong taon, may sakit ka! Ano ba kasing pinaggagagawa mo at nakatulog ka ng basa ang buhok. Tutok na tutok pa sayo ang fan. Ikaw talagang bata ka.!”

“Ma.. kailangan kong umalis..” mahinang boses na sabi ko.

“At saan ka naman pupunta aber!?”

Tiningnan ko siya ng walang kabuhay buhay, “Babalik din naman ako. Dito pa rin ako magcecelebrate ng bagong taon. May pupuntahan lang talaga ako mamayang 6—“ napakunot ng noo si mama.

Nahiga naman ulit ako para na rin takasan ang naghihinalang tingin na yun ni mama.

“Ma, padalhan na lang ako ng pagkain dito.. hindi ko talaga kaya..” nagpapaawang sabi ko.

Nilapitan naman niya ako at sabay na hinampas sa noo.

“ARAY—“

“Aba e ikaw bata ka! May sakit ka na maglalakwatsa ka pa! hindi ka makakilos!? Pwes hindi ka aalis mamaya—“

Mabilis akong bumangon, at pinilit na tumayo, “Eto na! Eto  na. bababa na at kakain. Tsk..”

Kahit nanlalambot talaga ako ay pinilit kong pagmukhain ang sarili kong ayos naman sa harap ni mama. Kumain ako. At ng matapos ay pinilit ding ihanda ang mga lulutin ko pero dahil ramdam kong hindi ko pa rin talaga kaya ay bumalik na lang ulit ako sa kama. Nag-alarm ako ng 5:00 para kahit papaano sa isang oras na yun ay makapagluto ako.

Kailangan kong magpahinga. Kailangan ko ng lakas. Kailangan kong tuparin ang sinabi ko kay Nadiel..

“Arkin..” narinig ko ang boses ni mama.

Agad kong nimulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang mukha ni mama na kasalukuyang nakatayo sa paanan ng kama ko. Batid kong may sinasabi pa siya dahil gumagalaw ang bibig niya.

“..mga paputok.”

Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon. Hinanap ng mga mata ko ang orasan at—“WAAAH! 10 na!!?” sinabunutan ko ang sariling buhok sa pangigigil sa sarili. Ang tanga tanga ko!

“Kanina pang nag-aalarm yang orasan mo. At panay din ang ring ng phone mo. Pero tulog mantika ka! Mabuti na rin yun dahil nabawi mo naman ang lakas mo at mukhang.. okay ka na. maeenjoy mo ang bagong taon ng wala kang sakit.” Tiningnan ko siya ng masama sa sinabi niya.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon