Chapter 73

975 13 0
                                    

Start na ng summer. Nandito ako ngayon sa may loob ng isang convenience store. Nakadungaw sa labas at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa harap ko. Kasalukuyan akong kumakain ng ice cream. At sobrang bored na bored sa buhay ko. halos isang linggo na rin akong ganito matapos na makuha ang grades ko. NGA NGA.

Pinagmasdan ko naman ang phone ko. Blackout. Wala man lang nagtetext. Back to zero na ulit kasi ang contacts ko. Nagpalit ako ng number, tatlong linggo na ang nakakalipas. Binalik ko na lang ulit ang atensyon sa kinakain hanggang sa maubos ‘to. Naisip kong umalis na at umuwi na lang ulit sa bahay.

Bret Calling..

 

“Oy!..”

“So ano, sasama ka ba sa Foundation?” sabi niya sa kabilang linya.

Ilang araw na rin niya akong tinatanong tungkol dito. Kaso sa tuwing maiisip ko na pwedeng magkataon na magkasalubong at magkita kami ni Nadiel sa event na yun. Sigurado ako na hindi magiging madali sakin na makatakas. Masyadong madaming tao. Mahihirapan ako.

“Ahhh…”

“Yan ka na naman e.”

Gusto kong tumawa. Alam kong naaasar na si Bret sa ginagawa kong pagbibiro sa kanya. Hindi ko lang kasi alam kung paano siya tatanggihan at sasabihin sa kanya ang totoong dahilan. Parang nung isang araw lang, sinasabi kong ayaw ko ng magpaapekto sa mga nangyayari pero hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin ako ng dahilan sa sarili ko para maapektuhan.

“You should come, Arkin. Wag ka naman sanang tamarin.”

“A-ah! Nagtext si mama, Bret. Wait lang.” ni-end ko naman yung call. At agad na binasa ang text ni mama sakin. Inuutusan ako nitong bumili ng kung anu-ano. Magpasalamat siya may dala-dala akong malaking budget ngayon.

Tinext ko naman si Bret.

To:”Bret

May pinabibili n naman sakin si mama

 

Naglakad naman ako. Hanggang sa maramdaman na nagreply si Bret.

From:”Bret

Kung bored ka na kasi talaga s buhay mo, pwede ka naman na pumunta dito sa MO :)

 

Napailing ako ng paulit ulit sa text niyang yun. Gusto kong isipin na, hindi nag-iisip si Bret. Pero sa kabilang banda, gusto ko ring isipin na gusto ni Bret na balewalain ko na ang lahat. Na ang paraan ko ng pag-iwas at pagtakas ang hindi paraan para makamove on ako.

“Akala ko talaga may relasyon sila.”

Natapos naman ako sa pamimili. At ngayon naghihintay na ng bus para makauwi na.

“So act lang lahat?”

“Sa tingin ko naman ay hindi. Pero may ibang nagugustuhan si Nadiel.”

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon