Chapter 3

1.9K 22 0
                                    

“Ahh gagraduate na talaga tayo. Mamimiss ko ang highschool life~”

“Sobra! Ayoko pang magcollege!”

Katatapos lang naming magpractice ng kanta para graduation day at kung anu-ano pang gagawin sa graduation day, isama na pati yung as senior night namin. Actually, buong araw yun lang ginawa namin. Kung hindi lang naman sa baon, hindi ko naman pipilitin ang sarili ko na pumasok.

“Kin, uuwi ka na ba. Tara magstreet foods muna.” Anyaya sakin nung mga kaklase kong babae.

Nag-isip muna ako sandali kung gusto ko ba talaga na sumama sa kanila.

“Ah! Nakalimutan kong hinihintay ko nga pala ang next na episode ng Fairy Tale. Hindi ako makakasama.” Naghand gesture ako na parang humihingi ng tawad sa kanila.

Pero actually hindi naman talaga totoo yun. May gusto lang akong puntahan. Sa computer shop. Hinihintay ko kasi ang mail sakin ni Bret. Wala naman kasi akong cellphone kaya through mail lang talaga kami may communication.

Sigh. Pero sa kasamaang palad, wala na naman. Wala na namang message galing sa kanya. Mukhang masyadong busy ang mga tao sa college.

Paglabas ko ng shop, may biglang tumigil na sasakyan sa harap ko. Binalewala koi to dahil nabad mood nga ako.

“Arkin, hija!” unfamiliar na boses ang tumawag sakin. Lumingon ako..

Nabanggit nga sakin ni Mrs. Fortalejo na kaarawan niya ngayon at may konting salo-salo sa bahay nila. Since nakita na rin naman niya ako dito, naisip niyang imbitahan na ako. Hindi na ako nakatanggi dahil sobrang captivating talaga ng ganda ni Mrs. Fortalejo. Sa totoo lang hindi nga ako maniwala na may anak siya, dalwa pa. Hindi ba nakakalosyang ang magkameron ng madaming anak? Bukod pa dun hindi naman siya artista? Why so ganda..

Maya maya.. napadungaw na lang ako sa bintana ng sasakyan na mapansin ang pag-iiiba ng paligid namin. Puro pine trees. At wala na rin akong makitang mga bahay sa paligid. N-nasa Pilipinas pa ba kami. Tumigil naman kami at napanganga pa ako sa laki ng gate na humarang samin. May kung ano lang na hinawakan yung driver at automatic na’tong nagbukas ng wala man lang guard o kung ano man ang nag-aassist dito. At napakahabang halamanan ng iba’t ibang kulay ng mga rose ang bumungad samin. As in sinampal ko na talaga ang pagmumukha ko sa salamin ng bintana. Narinig ko na tumawa si Mrs. Fortalejo, pinagbuksan niya ako ng bintana. Dinungaw ko ang buong katawan ko para makita ang kabuuan ng napakalawak na courtyard nila. Ito ba yung tinatawag nila sa tv na Villa? Hacienda? Anu ano pa bang mamahalin na salita ang maaaring idescribe sa napakagandang lugar na’to. Parang akong nasa England. Ang lugar ng mga prinsipe at prinsesa.

At ang pinakamaganda sa lahat, ang malaking fountain sa harap ng palasyo nila. Parang lang napapanood ko ang mga ganitong eksena sa mga palabas sa tv, ngayon, nangyayari na sakin. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam. Daig ko pa ang namasyal sa amusement park. Sobrang ganda dito.

 “Tara?” may mga lalaking nakaitim ang nakayuko kay Mrs. Fortalejo. Di kaya.. asawa siya ng presidente?

Baka kakambal ng malacanang ang palasyong ito?

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon