Chapter 71

880 13 0
                                    

Napag-alaman kong umalis ng bansa sila Ms. Lei lan at Nadiel. Sa Paris. At ngayon.. nakatulala ako sa napakalaking billboard na tumatambad sa dinadaanan ko. tatlong araw ng nakadisplay ang napakalaking  billboard na yan. Limang araw naman ang nakakalipas nung umalis sila. At kung mapagmamasdan mo ‘to, totoong makikita mo ang hiwaga sa pagitan nilang dalwa. Bagay na bagay silang dalwa sa isa’t isa. Mga di karaniwang tao sa angking kagawapuhan at kagandahan.

Masyado silang malayo.. hindi sila maabot ng mga kamay ko.

“..pero gusto ko pa rin silang dalwa para sa isa’t isa.”

“Kahit ganon ang nangyari.. fan pa rin nila ako na dalwa.”

“I’m certified Leidiel!”

“Ang alam ko malapit na rin silang umuwi..”

“Ang gaganda ng mga shot nila. Sobrang professional!”

“..I told you! Ganon kaespesyal si ms. Lei para sa isang Nadiel Fortalejo.”

“He’ll do everything for her..”

Iba’t ibang article ang kumakalat tungkol sa kanila na dalwa. Nagkalat din ang mga poster nila. Mga magazine na sila ang cover. Ang lahat ng picture nila.. mapapansin mong sobrang intimate. Sobrang sikat nga pala talaga nila. Sobrang maraming nakakakilala sa kanila.

“Arkin..!” di pa man ako nakakapasok sa room ko nang may tumawag naman sakin.

Napangiti ako nang makita si Bret. Agad akong nakalapit sa kanya, “Nahiram mo?”

Kumurba ng ngiti ang labi niya kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi. Lalo na ng tuluyan niyang mailabas ang librong hinahanap ko, “Kyaa! Bret, the best ka talaga!”, nakipaghigh5 ako sa kanya.

“Salamat talaga ng marami dito!”

“So ano, after class?”

Nagkunwari pa ako na nag-iisip. Napanguso pa siya pero agad ko din namang binawi. Tumawa kami na dalwa. Pinat niya ang ulo ko at ginulo ang buhok. Nang marinig naman ang bell ay agad din akong nagpaalam sa kanya.

We’re very good friends, ako at si Bret. Hindi ko maintindihan kung paanong hindi naging awkward sa pagitan naming dalwa na mag-ex na lang kami ngayon. Pero sa limang araw na lumipas.. Si Bret lang ang totoong nanatili sa tabi ko nung mga sandaling halos ikamatay ko ang buong araw na wala akong magawa sa sakit na naramdaman ko. Si Bret ang naging sandalan ko nung mawala na parang bula si Nadiel sa buhay ko. Si Bret ang nandyan nung mga panahong hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa buhay ko.

Oo, sobra akong nahirapan. Hanggang ngayon wala pa ring sagot sa mga katanungan ko. Bakit kailangan niyang umalis? Bakit wala siyang pasabi? Bakit hindi siya nagpaalam? Bakit bigla siyang nawala? Bakit ganon siya? Bakit.. bakit kailangan niyang gawin ‘to sakin?..

Pero iniisip ko na lang.. na siguro.. isang malaking panaginip lang ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Nadiel. Na isang araw paggising ko, gaya ng ginawa niya, wala na lang siya sa buhay ko. Wala na siyang iba pang ibig sabihin sa buhay ko. Wala na siyang kinalaman sakin. Ang lahat ng nangyari samin.. ay parang isang kisapmata.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon