Chapter 61

988 13 0
                                    

Natatakot ako sa tuwing lalapitan ni Nadiel, na may makakakita saming tao. Dahil, sikat siya. May iniingatang imahe. At mataas ang tingin sa kaniya ng lahat. Kaya kahit wala namang ginagawang masama, pag nasa amin na ang mga mata ng tao, pakiramdam ko ay meron. Parang may mali. At parang hindi tama..

Nawawalan ako ng lakas ng loob sa tuwing mangyayari yun. At naramdaman kong hindi ko na kaya nung malaman ko pa ang tungkol sa kanila ni ms. Lei lan. Pakiramdam ko ay talunan ako. Na walang patutunguhan ang lahat ng meron kami. Maaaring parehas kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. Pero kung hindi niya mabitawan ang nararamdaman para kay ms. Lei lan, masasaktan lang ako. Ako lang ang magiging kawawa. Ayoko ata ng ganon. Ayokong makita ang sarili ko sa ganong sitwasyon.

Oo, naduduwag ako. Kaya siguro mas pinipili ko kung saan ako mas magiging okay. Kung saan safe. Ayoko ng masyadong komplikado. Ayoko ng nadidepress ako.

“..from March 15th, 2004 until January 20th 2005. Para makuha natin yung t, hindi natin bibilangin yung araw that the money is borrowed o the money is returned. So sabihin natin na sa March, meron 16 days.. blahblah.”

Kitang kita ko mula dito sa 2nd floor ang masasamang tingin ni Gavin samin ni Bret. Hindi siya nakikita ni Bret dahil abala siya at masyadong nakatuon ang atensyon sakin. Tinotohanan ni Bret ang mga sinabi niya na tutulungan niya ako sa studies ko. Hindi naman na ako napipilitan, yun ang totoong nararamdaman ko. Siguro ay dahil kahit papaano ay hindi pa rin nakakalimutan ng sistema ko kung ano kami noon.

Hindi ko inalis ang tingin kay Gavin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

“..ibig sabihin, meron tayong 310 days out of 365.” Binalik ko ang atensyon sa sinusulat ni Bret. “$428.05 ang sagot, Arkin.” Nakangiti niyang sabi.

Bumalik na ang dating Bret. Ang mabait at inosenteng Bret na nakasanayan ko.

 “Hindi ko rin ‘to magets Bret, bakit kailangang idivide sa 12 ang 8 months?” bahagya naman siyang natawa sa tanong ko.

Nakikita ko ang mali sa ginagawa namin. Alam ko ang mali sa ginagawa ko. Sinasamantala ko ang feelings ni Bret. Nagiging makasarili ako kasi mas gusto kong gawin ang mas madaling paraan. Dahil kung si Bret ang kasama ko, hindi ko kailangang magpanggap. Hindi ko kailangang magtago at mahirapan. Dahil gaya ng sinabi niya kaibigan ko pa rin siya.

Pero ang hindi ko maintindihan. Ang hindi maintindihan ng utak ko. Bakit kahit alam kong mali, hindi ko siya magawang iwasan. Hindi ko kayang tigilan. Napakasama ko..

Natapos ang exam ko. Lumabas ako ng room at habang naglalakad, nakasalubong ko naman si Gavin na lumabas din ng room niya. Gaya ng inaasahan ay masama pa rin ang tingin niya sakin. Badtrip pa rin siya sakin.

“Sinusundan mo ba ako?” tumigil siya at nilingon ako.

Umiling ako. At nagtuloy sa paglalakad hanggang sa makalagpas sa kanya.

“Nasaan ba kasi si Nadiel?!” ang akala kong wala na ay nasa likod ko pa pala. Mahahalata sa tono niya na inis na inis pa rin talaga siya.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon