Chapter 7

1.4K 22 0
                                    

“Welcome ma’am.”

Pumasok ako ng restaurant. Hinanap ng mga mata ko ang babaeng yun. At isang babaeng nakapula ang nakita ko. Kulot ang buhok at maganda rin ito. Pero mas kapansin pansin ang malaking cleavage niya. Napatingin naman ako sakin, wala pa ata sa kalhati nun.

“Ma’am isang oras at kalhati na po ang nakakalipas. Hindi pa po ba kayo oorder?” nakita kong nilapitan ang babae ng waiter. Narinig ko pa ang sinabi nung waiter. Mukhang kanina pa itong naghihintay sa Nadiel na yun.

  Tiningnan ng babae ang waiter ng masama. Pero wala itong sinabi. Bagkus umalis na rin ang waiter sa harap niya bago pa magkascene.

Mas lalo tuloy akong kinabahan. Paano ko gagawin ang pinapagawa ng bakulaw na yun?

Nagbackout na lang ako. Hindi ko talaga kaya ito. In the first place wala naman talaga akong kinalaman dito. Bahala na kung magalit man sakin ang bakulaw na yun. Lumingon pa ako dun sa babae bago tuluyan na umalis. Mukha talagang naghihintay siya.?

“Who are you?” sabi ng babae sakin pagkalapit sa kanya.

Oo, nilapitan ko pa rin siya. Dahil sa tingin ko ito mas ito ang tamang gawin. Mas dapat na malaman ng babaeng ito ang kalokohan ng Nadiel na yun. Dapat malaman ng babaeng ito na mali siyang ng lalaking pinili. Hindi deserving ng lalaking yun na mahalin. Hindi deserves ng babaeng ito na masaktan.

“Are you here to pick a fight?” nakataas na kilay na sabi niya. Umiling iling ako.

Wala pa akong ginagawa, nagagalit na siya!

“Uhm.. h-hindi na makakapunta si Nadiel.”

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. “Pinapunta ka ba niya para sabihin sakin yan. Nasaan siya!—“ tumayo siya para siguro hanapin si Nadiel. Agad ko naman siyang pinigilan.

“Hiwalayan mo na siya!—“ medyo tumaas na yung tono ng boses ko. Bigla naman akong nakaramdam ng takot.

Binitawan ko siya. Tiningnan naman niya ako.. mula ulo hanggang paa. Nakakapang-asar na tingin.

“h-Hindi ‘to gaya ng iniisip mo! Hindi niya ako—“

Umirap siya sa hangin, “Napakacheap naman niya talaga! Gumamit pa siya ng ibang tao para makipagbreak sakin. Ito na talaga ang pinakaayaw ko sa lahat ng ginawa niya!” tiningnan niya ulit ako ng masama, “Sabihin mo kay Nadiel. Siya ang pinakacheap na lalaking nakilala ko. Screw him!”

Naiwan akong nakatanga.

Pansin ko pa ang tingin ng ibang tao sakin. Hindi mawari kung interesado ba sila o naaasar lang sa existence ko dito sa gitna. Mukha ba akong tanga? Mukha kasing naweweirduhan sila sakin? Mas nakakahiya pa itong sitwasyon ko ngayon kaysa sa ginawa ko kanina.

Bumalik naman din ako sa bakulaw. Kinatok ko ang pinto ng sasakyan niya. Bumangon naman siya sa pagkakaub-ob niya. Pinagbuksan niya ako ng bintana.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon