Chapter 67

1K 13 0
                                    

“Ano yan?”

“g-Gavin, ikaw pala.” Napatingin naman ako sa tinitingnan niya, “Ahh cupcake. Gusto mo? Ginawa namin yan kanina sa klase.”

Ngumiti naman siya at kumuha ng isang cupcake na hawak hawak ko. Dun ko napansin ang hawak hawak niya.

“Magbibigay ka ba ng mga cupcake kay Nadiel? Pasensya na hah kinuha ko na ang isa.”

“o-Okay lang. Ahh.. ano yan? May pagbibigyan ka rin ba? May pinopormahan ka ba Gavin!?” tinukso ko siya. Napatingin naman siya sa hawak at parang hindi sigurado kung sasagot ba sakin ng totoo o hindi.

“Patingin—“, mabilis ko yung nakuha sa kamay niya.

“Oy!”, sinubukan pa niyang agawin. Pero huli na at nabuksan ko na.

“Ang ganda!! Sobrang ganda! Sinong maswerteng babae ba ang pinopormahan mo. Hindi naman kita nakikitaan na may kasamang iba. Sino? Sino? Kaya ba nagpapapogi ka! Iba na yan hah!”

Nakuha naman niya sa kamay ko ang maliit na kahon na may lamang mamahaling bracelet, “Hindi ko sya pinopormahan.” Bahagya siyang ngumiti. Pero pilit ito at.. masyadong malungkot, “Kinukuha ko lang ang sakin.”

“So nakikipagbalikan ka pala?” awkward kong naitanong. Dapat pala hindi na lang lumabas yun sa bibig ko.

Mabilis siyang nakaiwas sa mata ko, “Mukhang hindi na siya babalik sakin e.”

Kitang kita ko kung gaano nasasaktan si Gavin. Yung mga mata niya.. sinasabi nito na nahihirapan at nasasaktan siya.

“g-Gavin..”

“Aalis na ako.” tinapik lang niya ako sa braso. Umalis nang hindi man lang ako tiningnan muli.

Hindi ako nagkachance na lapitan si Nadiel sa campus kahit ilang beses ko pa siyang nakita. Madalas kasi na nakikita ko silang magkasama ni ms. Lei lan. Kahit hindi pa talaga malinaw ang totoong nangyayari sa pagitan nila. Pinipili ko na lang na iwasan. Lalo na ngayon dahil sa mansion naman nila ako tumutuloy.

“Nasaan ka?” bigla naman akong tinawagan ni Nadiel sa phone.

Palabas na sana ako ng campus. Tinext ko siya kanina na pupunta na ako sa mansion nila. Hindi na ako nag-abalang hintayin siya dahil base sa nakita ko kanina, mukhang busy’ng busy siya. Bukod kasi sa madaming babaeng lumalapit sa kanya at nagbibigay ng kung anu-ano ay napansin ko rin na madalas din talaga silang magkasama ni ms. Lei lan. Siguro nga nagdate pa sila, sabay kumain, o baka may binigay pa siya dun sa tao. Naiintindihan ko naman. (Insert sacasm) Pero sinabi naman kasi niya sakin na pwede akong lumabas-pasok sa mansion nila. Kilala na ako ng mga guard at maid nila no.

 "Pauwi na." simpleng sabi ko. Pero mahahalata sa tono ko na badtrip ako.

"Tumigil ka sa kinatatayuan mo. Pupuntahan kita."

"A-ano--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang putulin niya ang linya. Beep sound na lang ang naririnig ko.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon