Chapter 65

1.2K 15 0
                                    

Kyaaa! Kahit ilang araw na ang nakakalipas, sa tuwing naaalala ko ang intimate scene namin ni Nadiel ay kinikilig pa rin ako! Kinikilig ako sa halikan namin. Sa pagtitig niya sakin. Sa paraan niya ng paghawak sakin! Kyaaaa~ Naglelevel up na talaga yung love story namin! Nagiging RPG na hahahaha. P-paano kaya kung.. sa susunod mas grabe pa..

Hindi ko maimagine kung ano pang mas hihigit na mangyayari sa ginawa namin. Naging blanko ata bigla ang utak ko. Bukod sa malalim na halik.. wala naman na akong maisip pang iba sa ginawa niya na sobrang nakapagpahina sa sistema ko. Ang mga halikan namin ay natatapos ng ganon lang. Ano ba dapat ang sunod na mangyari sa walang katapusang halikan.? Na parang hindi pa naman ata namin nagagawa.

Tss. Ngayong naiisip ko ang mga bagay na'to ay napagtatanto ko din na wala din palang espesyal sa ginagawa namin. Sigurado normal lang na ginagawa niya yun sa mga naging kafling at girlfriend niya! Baka nga mas matindi pa! Hmf nakakabad vibes naman.

Hindi na nga rin pala kami madalas na nagkakasama pagkatapos ng nangyaring yun dahil sa busy siya sa design project nila. Paper works at hardware. Siya ng busy! Bakit ko nga naman ba naisip na naglelevel up na kami! HMP

"Hanggang anong oras mo pa ba balak kumain dyan? Alas dos na! Tinanghali ka na nga kumain tapos aabutin ka pa ng hapunan sa tanghalian mong yan.!?" nagmake face lang ako habang sinesermunan ni mama. Naglalaro din kasi ako sa phone habang kumakain.

Napatingin naman ako sa kanya nang mapansing naglalabas siya ng sandamakmak na pagkain galing ref.

"Wow lays!" nahigit ko yung isang chichiria dun! Nahampas naman niya ang kamay ko.

"Ubusin mo yang pagkain mo bago ka lumantak ng ibang pagkain."

Nginusuan ko naman siya, "Oho!" pinagmasdan ko pa nang mapansin na parang nag-iimpake siya ng pagkain. Naweweirduhan din ako kung bakit nandito si Papa gayong weekends ngayon.

"May lakad na naman kayo no!?" nagdududa kong sabi.

"Aha!"

At talagang walang pag-aalinlangan nilang aaminin sakin 'to! Parang lagi na lang ata silang umaalis ng hindi ako sinasama! Magulang ba talaga sila!? Tapos wala man lang akong alam tungkol dito. Hmf

"Bakit hindi ako kasama.!?" singhal ko.

"Bakit ka namin isasama eh ayaw mo naman."

"Kailan? Wala naman kayong sinasabi sakin a!? At saan ba kayo pupunta?"

Bumungisngis si mama, "The land of promise!" may pagtaas pa ng parehong kamay. Mukhang shunga!

"Saan naman yun!?"

"Ay shunga! Hindi alam kung saan ang the land of promise!"

"Malay ko ba na barbero kayo."

"Gusto mong tumama ang kamay ko sa noo mo!? Palawan lang hindi mo pa alam!?"

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon