Chapter 63

935 12 0
                                    

“..Ate? Ate!”

“Ah huh? Bakit?”

“Sabi ko po, turuan niyo po akong magswimming.”

“Ah oo! Tara.” Agh . Kanina pa ako wala sa sarili ko.

Tapos na ang midterm exam. Back to reality na ulit. At mas lalo pang magiging busy kasi finals na nga. Katatapos lang ng dalwang subject ko ngayong araw. Tapos ngayon duty ako. Pagkatapos nito sa kitchen naman.

Sa Culinary Arts na subject ko naman, nigrupo kami sa 4-member. Nung first sem kasi naituro na samin ang safety and sanitation, equipment, tungkol sa recipe conversion, kung anu-ano pa. Pati na ang tungkolsa recipe development na sobrang hirap talaga ng essay. Tapos ngayon second sem puros halos tungkol naman sa cooking methods, mas madalas kaming maglab. More on practical na lalo ngayong finals, pero mga basic pa rin naman ang ginagawa. Kaso written pa rin ang exam. Essay!! Walang patawad na essay..!

Naiisip ko pa lang na kakailanganin ko yung mga terms nung first sem sa essay ay naiistress na ako! AGH

Pero wala na atang mas naiistress sa mga pinoproblema ko, sa taong nakikita ko ngayon. Naglalakad siyang mag-isa. Bahagyang nakakunot ang noo at may mga gamit pang dala. Hindi ko alam kung saan siya papunta. Nung linggo, pinaalam niya sakin na dun na muna siya sa hospital. Hindi pa rin nakakalabas si ms. Lei lan. Hindi ko natatanong sa kanya ang rason. At mukhang wala din namang nakakaalam kila Bret ang tungkol sa tunay na kalagayan nito. Iniintindi kong seryoso ang kondisyon niya gaya ng narinig ko. Pero.. hindi ko pa rin maiwasan na sumalungat sa mga nangyayari. Ayokong nag-eeffort ng ganito si Nadiel sa kaniya. Na halos ang free time niya ay ibinibigay niya sa pagsama sa babaeng yun. Kung tititigan mo nga siya.. mahahalata mo agad na stress siya. Dahil sa eyebag niya, mahahalata mo na wala pa siyang sapat na tulog.

“Nadiel.”

Sinundan ko siya.

“..Arkin?”

Ngayong nakikita kong nagkakaganito siya. Mas lalo akong nakakaramdam ng pagkakamali sa mga ginagawa ko. Sa mga desisyon ko. Iniisip kong tumakas sa komplikadong sitwasyon namin dahil sa pagiging makasarili ko. Ayoko ng nahihirapan. Pero kung titingnan, mas nahihirapan pala siya. Mas komplikado ang pinagdadaanan niya. Emotionally. Mentally. At physically.

“Tapos na ba ang klase mo? May oras ako, gusto mong ihatid kita?” kahit na dapat mas pinaggugugulan niya ng oras ang org at ang studies niya. Ngayon parang mas dapat pa niyang pagtuunan ng panahon si ms. Lei lan. Parang bang ang laki laki ng responsibilidad niya sa taong yun.

“h-Hindi. Gusto ko sanang kumain tayo sa labas. Tara?”

Naging malungkot ang mga mata niya. Alam ko na na tatanggihan niya ako, “Kumain ka na ba? Sige sige sasama na lang ako sayo. Hindi naman ako gutom na gutom.”

Nagbaba siya ng tingin, “Pupunta kasi ulit akong hospital.”

Natigilan ako. Naubusan ng sasabihin. Nang magtama pa ang mga mata namin ay mas lalo pa akong nakaramdam ng takot. Ewan ko ba. Pakiramdam ko naiiyak na ako. Mas pipiliin ba niyang makasama si ms. Lei lan kaysa sakin—

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon