Chapter 1

3.2K 41 0
                                    

“Ang gwapo niya talaga no! Kahit sa personal gwapo talaga yan! Kyaa~”

“College student lang siya! Ahh alam ko itong university na’to, dun din ako mag-aaral para makita siya! Ang alam ko madami talagang model sa university na yun!”

Nihead to toe ko ang dalwang highschool student na katabi ko dito sa harap ng magazine station. Kanina ko pa silang tinitingnan ng masama pero hindi man lang sila matinag. Ang lalandi! Kanina pa nila pinagpipyestahan ang cheap na teen magazine na yun! Nadidistract na ako sa mga pagtatalon at paghihiyaw nila! Wagas kiligin! Daig pa yung girlfriend!!!

Dahil naaasiwa na talaga ako sa pinaggagawa nila, nilapitan ko na. Inagaw ko yung magazine na halos sirain na nila sa panggigigil nila.

“Eh!?” tiningnan nila ako. Sa wakas naman tumingin din sila sakin. Tinaasan ko sila ng kilay at pinagmumura sa tingin! Mga ambisyosa!

“Kung hindi ninyo bibilhin yung magazine, wag ninyo ng pagpiyestahan. Nadudumihan ninyo lang yung cover e!” medyo napagtaasan ko na sila ng boses.

Nagulat naman ako ng nihehead to toe lang nila ako. Ah grabe! Ang kakapal talaga ng mukha.

“Diba public school yang uniform na yan? Fan din siya ni Bret? Kilala pala niya yun?” nagbubulungan pero rinig ko naman. Kung wala lang kami sa public kanina ko pa napagsabunutana ang dalwang to!

“Hoy kayong dalwa na mukhang nguso! Paghindi kayo umalis ngayon na sa harap ko, ingungudngod ko yang mga nguso ninyo dyan, as in ngayon na!” pinandilatan ko sila.

Inirapan lang nila ako sabay sabing, “Napakawarfreak. Cheap! Iskwater!”

Muntik ko ng ibato itong hawak kong magazine. Napakakapal ng mukha! Mas cute naman ako sa kanila. TSS!

“Miss eto po.” Binayaran ko naman sa cashier ang magazine na hawak ko.

Agad akong pumunta sa page na yan. Tinuloy ang pagpapantasyang ginagawa ko kanina. Hinawak hawakan ko ang mukha niya sa picture. Sobrang gwapo niya talaga. Hindi ko akalain na lalaki siyang ganitong kagwapo. Parang noon lang batang musmos pa siya. Pero ngayon.. instant model na siya. Pangarap niya kasi talaga ito, pangarap din niyang maging isang super model. Pero feeling ko hindi naman siya bagay dun.. higit pa dun. Dahil deserves niya na tingalain ng lahat.

Sobrang tyaga niya kaya. Sobrang sipag. Kapag may gusto siya, pinaghihirapan niya talaga. Ganon si Bret. Ako ang mas higit na nakakakilala sa kanya. Hindi ko naman kailangang pag-aksayahin ng oras yung dalwang babae kanina. Dahil ako.. ako yung may mas karapatan.

Dahil ako lang yung nag-iisang girlfriend ng sikat na si Bret Lacson.

Konting pagtitiis na lang, konting konti na lang talaga. Makakasama ko na ulit siya. Sobrang hirap ng long distance relationship. Pero natiis ko para sa kanya. At sa wakas, eto na talaga. Magkakasama na ulit kami. Isang buwan na lang, gagraduate na ako ng highschool. Sa almost 2 yrs na relationship.. kyaaa hindi ko na tuloy maimagine kung anong mangyayari pagnasa iisang campus na kami.

Kyaaaa~ I can’t wait na really..

“AHH!” bigla na lang bumangga sakin. Naputol ang pagdeday dream ko. Ang sakit ng balikat ko! Pero—

“Ang Bret ko!” nawala na lang sa kamay ko yung magazine. Sumama naman ang tingin ko sa lalaking nakaleather jacket na bumangga sakin. Agad akong tumakbo at sinundan ito.

“ANG MAGAZINE KO!”

“HOY GAGO!!” may iba namang sumisigaw at nakikipagsabayan pa sa pagtakbo sakin.

Pero wala akong pakealam sa kanila, yung lalaking nakaleather jacket na yun ang pakay ko. Kaso mabilis itong nawala sa paningin ko, gaya rin nung dalwang lalaki na kaninang tumatakbo kasabay ko. Nataranta ako. Saan ko hahanapin ang magnanakaw na yun! Kailangan kong makuha—

Sa wakas, nahagip ng tingin ko ang lalaking ulit na yun. Hingal na hingal siya at nakangiti pa na parang nagwagi sa isang laro. Naglakad siya. Tatakas na naman. Kaya bago pa siya makatakas, agad ko siyang sinundan.

Pero mabilis siyang nakapasok sa.. wow! Sports cars niya! Natulala ako sa pagkamangha habang nakanganga pa. may magnanakaw ba na mas mayaman sakin?

“AYUN SIYA! HOY GAGO!” natauhan lang ako sa sumigaw. Yung dalwang lalaki na naman na yun.

Umandar naman yung sasakyan. Tumakbo yung dalwang lalaki at agad rin akong humabol sa lalaking nakasports car. Pero nang marealize ko na hindi ko na siya maaabutan, bigla na lang akong kumuha ng kung anong pambato. Sa katangahan ko, saka ko lang narealize na wrong move yun.

*BOOG*

Tumigil ang sports car niya. Napatingin naman ako sa kamay ko. Just what was I throw there?..

Ang lahat ng tao sakin nakatingin. Naghahalong gulat, takot, at inis ang nababasa ko sa mga reaction nila. Daig ko pa ang kriminal sa ginawa ko. Bumaba ang lalaking may ari ng sports car. Nang magtama ang mga tingin namin, masama actually ang pagkakatingin niya sakin, agad kong binaba ang kamay ko.

Pinasadahan niya ang buhok niya ng kanyang palad. Di ko alam kung saan ako titingin, sa sports car niyang nabato ko lang naman ng laptop ko o sa mukha niyang galit na galit.

“Yung magazine..” naibulalas ko pa. Pero natatakot pa rin..

“Miss.” may tumawag naman sakin sa likod ko. Hawak hawak ang magazine na kanina ko pang hinahanap. Hingal na hingal yung babae actually, at mukhang kanina pa rin akong hinahabol para lang maibalik sakin yung magazine.

Lumingon ako sa lalaki, na ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay. Napangiwi ako. At nakaramdam ng bonggang bonggang kahihiyan..

At least ngayon may maisasagot na ako sa mga slam notes ng mga kaklase ko sa tanong na what’s the most embarrassing moment ever in your life?

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon