Chapter 14

1.1K 18 0
                                    

“Aray!” napalingon ako sa mga babaeng nagtatakbuhan.

Nagkakagulo na naman ba sila dahil sa Nadiel na yun.? Dahan dahan naman akong nagtago. Dapat hindi pa rin magkrus ang landas namin ng bakulaw na—

“EH!” nagulat naman ako nang makitang nasa harap ko na siya.

Wrong move.

Nagkatinginan kami pero madali lang yun. Wala syang ginawa.  Biglang parang naging kalmado na ako. Walang ginawa sakin ang bakulaw, ibig sabihin wala na siyang pakealam sakin. Wala na siyang kailangan sakin. Wala na akong atraso sa kanya. Tapos na ang lahat samin!!!

But in the first, wala namang meron samin.. HAHA

Pagkatapos ng klase. Naisip ko agad na pumunta kay Bret. Sa mga oras na'to siguradong nasa org. na sya! Di ko na kailangang magtago sa bakulaw na yun. wala na syang pakelam sakin. Strangers na ulit kami sa isa’t isa. Pero sa di inaasahan. Nakasalubong ko si Bret kaya agad ko syang niyakap sa likod para surpresahin.

"Bret." hinawakan naman nya ang kamay ko at humarap sakin.

“Kin!” nagulat naman ako sa gayak niya ngayon. Meron kasi siyang eyeliner. Tapos iba pa yung style ng buhok niya. Sobrang gwapo ni Bret. Nagbablush tuloy ako!

“Hi..” napalingon kami sa nagsalita.

Nabigla ako nang makita ang babae nung isang araw. Nandito siya sa campus namin. Dito sa org. nila Bret at.. nakagayak pa siya na parang gaya ng kay Bret.

"I will introduce myself properly, kay? I'm Heidy Evans. I am also part of the organization. I joined them not so long ago. Pero hindi ako active. And now, magpartner na kami ni Bret."

Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Bret. “Partners?” napalingon ako kay Bret.

“Actually, nagkita na kami one time, kaya parang familiar siya nung minsang nakita natin siya.”

“Paano, si Jewel?”

“May iba na siyang kapartner.” Sagot nung Heidy. “So let’s go, Bret.” Hinawakan nung Heidy ang kamay ni Bret dahilan para maghiwalay ang mga kamay namin.

Wala akog nagawa. Ngumiti na lang ako.

Hinintay ko si Bret. Hinintay ko ang activities nila na matapos. Pero umabot ng mahigit isang oras, parang nasa kalagitnaan parin sila. Kaya nagdecide na ako na umuwi. Hindi rin naman alam ni Bret na hinihintay ko siya.

Naglalakad ako palabas, nang may biglang tumigil na sasakyan sa harap ko. Isang hindi familiar na lalaki ang nakita ko sa bintana. Ngumiti siya sakin.

“Ms. Kin.” Nagsalita ang lalaki. Pero mas naagaw ng pansin ko ang lalaking katabi niya. Nakatingin siya sakin at tumaas pa ang isang sulok ng labi niya.

Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon