CHAPTER 14

47 1 15
                                    

Jina's pov

"Sorna ohh"

tingnan mo tong si jen kanina pa sorry ng sorry di naman nage-explain. Kumagat ulit ako sa hotdog sandwich ko at tiningnan ko lang sya

"Sorry na kasi~"

"Alam mo jen pramis! Nung sat pa talaga ako nauumay sa sorry sorry na yan, itigil mo na nga yan, why wouldn't you explain? Hmm much better"

Sabi ko sakanya nag sip naman sya sa juice nya bago ulit nagsalita

"Ok magpapaliwanag na."

And yun pinaliwanag nya nga lahat. Si Gerick boyfriend nya, nung summer daw nya sinagot at niligawan daw sya nung 1st year kami, like seriously? Di man lang sakin sinabi. Sinermunan ko pa sya about dun dahil di talaga ako makapaniwala na naglihim sya sakin --___-- Pinagpatuloy nya na ulit ang pagkukwento at napagkaalaman ko na section A pala si gerick and barkada pala sya ni silver. Well wala naman akong pake anyway speaking of that men may atraso pa yun sakin! He just ruined the cake I baked last time! Tapos sinabi niya pa kay tita ehem,(mom niya) na siya yung nagbake like duh!! Muntik na nga nyang masunog yung ginawa ko nun eh! Urgh! He's getting into my nerves!!

"Huy!" Nagulat naman ako ng tapikin ako ni jen, kinunutan ko naman sya.

"Nagbell na kaya, kanina ka pa dyan tulala eh"

"Oh? Halika na baka malate pa tayo sa next sub"

Pagdating namin sa classroom sakto namang dumating ang english teacher namin

"Guys, I will give you a partner and you will be doing an sonnet that you will going to present on our next meeting"

sabi niya napatingin naman ako kay jen, kung papapiliin kami syempre si jen na ang gusto kong makapartner pero sabi nga ni ma'am sya ang magbibigay ng partner namin.

"So jenny arjona and drake yu, and jina kang and rain bautista. Ok so that's your partners anyway we have a meeting right now and I'm going, tomorrow is our next meeting so be ready. Bye"

At dali daling lumabas si ma'am at ako eto, ano yun? Pwedeng palit na lang kami ni jen? Or si drake and rain na lang magpartner cause seriously di pa rin ako makaget over sa nangyari dun sa ice cream shop! Urgh!!

"Oh-uh i think mali si ma'am sa pagpapartner partner satin eh?"

Bulong sakin ni jen well tama nga naman. Nakwento ko rin kasi sakanya yung nangyari doon sa ice cream shop and sa muntik na akong hmm alam nyo na, ah! Ayoko ng maalala yon!

"Uy sige jina, paguusapan pa namin ni drake yung sa sonnet namin"

kahit na ayaw ko tumabi na rin ako kay rain. Tss kaya mo toh jina, isipin mo na lang na walang nangyari hayy aja!

"So.. anong gagawin natin about sa sonnet?"

Tanong ko nakapikit lang sya at naka earphone at ang laki kong tanga para di yon marealize maririnig ba nya ako? Tss parang di eh

"A-

"Ako na ang gagawa ng sonnet ikaw na lang ang magpresent"

After nyang sabihin yon ay lumabas na sya ng room. Ok sabi nya ehh atleast wala na akong iisipin. Bumalik na ako sa upuan ko at kinalikot ko naman ang phone ko.

"Tss bahala sya sa sarili nya, pucha di naman dapat ako mainlove sa ulan na yun ehh tss feeling nya? Makakaget over din ako huh! Kala mo sakin? Haha" bulong ko habang ng lalaro ng piano tiles.

"Alam mo kasi, para ka lang laro, minsan nakakasawa na tapos kailangan ng maghanap ng iba kasi di ka naman talaga nakakatuwa and after that pwede ka ng i-uninstall that's it, wala na kasing kasiyahan, nakakasawa na kasi tulad netong piano tiles, wahhh bye piano tiles.. ."

At ayun i-uninstall ko na tss nakakasawa kasing laro ehh

"huy!"

"Ay butiki!" Muntik ng malaglag phone ko dahil sa pilak na toh! Speaking! Anong ginagawa nya dito??

"A-

Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay inunahan nya na ako

"uwi na tayo, delikado na baka ma-

Sheez tinakpan ko nga ang daldal ehh!

"Ayaw ko na ngang isipin ipaalala mo pa"

bulong ko naman sa kanya dahan dahan nya namang tinanggal ang pagkakatakip ko sa bibig nya at lumingon sakin. Uh? Alam nyo yung ackward? Yung ang lapit ng mukha naming dalawa >___< .

Agad naman akong lumayo sakanya at inayos na ang mga gamit ko

"halika na" sabi ko at hinila ko na, ang bagal maglakad eh .

Pagkalabas namin ay sa pagkaminamalas ka nga naman nakasalubong pa namin si rain, biglang humigpit ang pagkakahawak ni silver sa kamay ko at oh! Di ko alam kung bat hawak ko na kamay nya. Eh kanina hawak ko wrist nya hay >__<.

Tiningnan ko naman si rain and he smirk tss -__- hinayaan ko na lang sya at dumiretso na lang sa paglalakad.

"Seryosong nagkagusto ka sa lalakeng yun? Tss eh mas gwapo pa nga ako dun eh" napatingin naman ako sakanya na mukhang nandidiri

"What? Totoo naman eh"confidence nyang sabi umiling na lang ako sa mga pinagsasasabi nya topakin talaga eh naglalakad lang kami pauwe wala lang trip lang daw nya, dinamay pa ako noh? Tss.

"By the way tuturuan mo pa ako magluto diba?"

"Tss ayoko na pagod na akong magturo sa katulad mong mahirap matuto"

"Grabe sya oh, ehh adobo lang naman ako nagpapaturo eh"

"Kaya nga adobo na nga lang di mo pa rin makuha" para kaming ewan ditong nagtatalo sa gitna ng kalsada, pinagtitinginan na nga kami eh.

"Makukuha ko na yun promise!"Sabi naman nya at tinaas pa ang kanang kamay

"Look sweetie oh parang tayo dati,pinagaawayan din natin noon ang adobo haha"

Napatingin naman kami sa gilid and there we see a couple nakaholding hands at nakatingin samin

"Yeah I remember, tapos nun natuto akong magluto and now pinaglulutuan na kita"

"bagay sila hahaha"

at nagtawanan naman sila 0__0 and they kiss

"urgh! PDA" bulong ko

"haha uy bagay daw tayo oh" sabi nya sakin.

"Tss anong bagay ka dyan? " sabi ko naman

"Hahaha toh naman totoo naman ehh. Halika na nga uwi na tayo dahil tuturuan mo pa ako" at hinila ny ana ako.

Ano pa nga bang magagawa ko? Makakasama ko nanaman ang mukhang 5 year old na lalakeng toh -__-

-------------------------------------------------------------------------------------------
*****
Kyaaaa~ bagay daw sila? Hahaha anyway sana maka update ulit mamaya^__^ - RIN

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon