CHAPTER 64

19 1 1
                                    

Matt's pov

Agad naman kaming nakarating sa south ville kasama ang mga pulis. Tinawagan ko kasi sina justin na magpadala ng mga pulis at buti naman ay naniwala agad ang mga pulis kila justin. Pinalibutan naman nila ang warehouse at ang iba ay pumasok sa loob.

Bumaba agad ako ng makita ko si kean na kasama si morj at agad ko syang sinugod.

"Hayop ka!" Sigaw ko sakanya. Pinigilan naman ako nila justin sa pagsusuntok kay kean.

" TANGNA! ASAN SI MIYU!? HUH?!" Sigaw ko sakanya. Susuntukin ko na sana ulit sya ng pumagitna si morj.

"Tama na! Matt, kakampi si kean" Ano bang pinagsasabi nya?

"YANG LALAKENG YAN? KAKAMPI?! TAENA!! DI AKO NANINIWALA!" Sinugod ko ulit si kean at pinagsusuntok. Pinilit akong pigilan nila xander pero pinagtulakan ko sila. Tangna! Mapapatay ko tong lalakeng to eh.

"Matt! Ano ba?! Tinulungan nya nga akong makatakas eh. Kung hindi dahil sakanila baka kung mapano pa kami dun. Kaso nga lang nandoon pa sa loob sina jina" Napatigil naman kami ng may narinig kaming malakas na putok. At may sumunod pang isang putok.

Nakita ko naman si silver pati yung mga barkada nya na kakalabas lang  galing doon sa warehouse.

"Tulong!! S-si lily... p-patayin si miyu.." naghihingalong sabi ni silver. Agad naman kaming pumasok sa loob ng warehouse pero pinigilan naman kami ng mga pulis.

"Sir, di kayo pwede sa loob" sabi ng isang pulis. Sinuntok ko nga. Wala akong oras para makipagpatintero sakanya. Agad naman akong nakalusot sa pulis na yon at dumiretso patungo kung saan sina miyu.

"Patawarin mo ko lily. Patawad kung nalimot kita."  Nanlumo naman ako sa nakita ko. Duguan sya at nakatutok sakanya ang baril na hawak ni lily. Unti-unti namang pumipikit si miyu kaya naman ay muli akong tumakbo patungo sakanila pero bigla na lang may pumigil sa akin at parang bumagal ang mga nangyare ng paputukan sya ni lily.

"MIYU!!" Tawag ko sakanya pero bumagsak na sya sa sahig. Tinulak ko naman ang pulis at nilapitan ko agad si miyu. Bumagsak din sa sahig si lily dahil pinaputukan din sya ng isang pulis sa bandang binti nya.

"Miyu! Miyu gumising ka!" Sabi ko sakanya. Tinanggal ko agad ang pagkakatali ni miyu sa upuan at agad ko syang binuhat patungo sa ambulansya.

"Sorry sir pero di na po kayo pwede" sabi ng isang nurse. Nasa loob din kasi sina mich at bea.

Sinara na ang pinto ng ambulansya at umalis na. Napatingin naman ako kay lily ng magsisigaw ito habang pinagtulungan naman syang ipasok sa sasakyan.

"Hindi ako baliw!! Ano ba! Tangina sabi kasi ni miyu sya na lang. Edi sya pinatay ko! Hoy!! Kean! Rain! Akala ko ba kakampi tayo? Tangna! Dapat kayo ang ipasok sa mental!! Ano ba!! Di nga kasi ako baliw eh!" Umalis na din ang sasakyan ng maipasok na doon si lily.

"Matt, sana mapatawad mo kami. Naipit lang talaga kami kay lily eh" sabi sakin ni kean.

"P-paki sabi din kay jina at silver na pasensya na sa mga nagawa ko sakanila" sabi ng kasama ni kean. Tumango na lang ako at pinasok na din sila sa kotse at umalis na din.

"Ano pang hinihintay natin? Sundan na natin sina miyu sa ospital" sabi ni van. Sya na din ang nagdrive papuntang ospital at nanatili lang kaming tahimik hanggang sa makarating kami. Parehas ng ospital kung saan naka-confine sina sum at nica.

Pagdating namin doon ay naabutan namin ang  parents namin na kasama sina xander at kim.

"Mom" tawag ni jinri kay tita. Niyakap naman sya ni tita at ni tito.

"Ok lang ba kayo? Huh? May nasaktan ba?" Tanong samin ni dad.

"Ok lang po kami. Sina mich at morj po ba?" Tanong ni justin. Kanina pa sya tahimik at mukhang kinakabahan na din sya.

"Nasa loob pa ng E.R nak, don't worry magiging ok din sila." Sambit ng mom ni justin. Lumapit naman sakin si mom.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya sakin. Tumango lang ako at muling tumingin sa E.R. Nandito nanaman kami. Naghihintay. Tangina!

Agad namang lumabas ang doktor mula sa E.R. Tinanong kami ng doktor kung kami ba ang kasama ng mga pasyenteng nasa E.R .

"Yes, kumusta po ba sila?" Tanong ng mom ni miyu. Bakas sakanya ang pagaalala at sobrang kaba.

"Maayos na silang lahat at kailangan lang nilang magpahinga. Pwedeng-pwede silang lumabas ng ospital kung kailan nila gusto. So if you excuse me." Sabi ng doktor at umalis na.

Hay,thank God they're all ok. Agad naman silang nilipat sa room nila. Kanya-kanya ng room dahil yun ang gusto ng parents nila. Sinabi din ng doktor na daplis ng bala lang naman ang natamo ni miyu. Umuwi na din kami para makapagpahinga na din. Nagvibrate naman ang ang phone ko at isang sms ang bumungad sakin galing kay van.

Fr. Van,
Siguro naman pagkatapos sa nangyare satin. May lakas na loob ka na para umamin sakanya ♡_♡

Siraulo talaga sya.

--___--


♡♡♡♡♡♡♡♡

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon