CHAPTER 20

42 1 3
                                    

Van's pov

 To. Silver
Dre, punta ka sa library may paguusapan tayo, isama mo na rin si jina.

Tinap ko na ang send button at lumabas na ng c.r wala, trip ko sa cr mag txt. Galing pa kasi akong cafetiria ehh tsk muntik na nga akong di paalisin nila justin kung di ko lang sila sinenyasan na paguusapan lang namin yung about sa kakantahin namin.

Pagdating ko naman sa library ay wala pa naman akong nakikitang silver at jina kaya dumiretso lang ako papunta sa pinakadulo at walang tao dahil,wala lang trip ko lang.

Umupo na ako dun at naghintay, di nagtagal nakita ko naman sina silver. Aba may hhww pa tong nalalaman na dalawang toh ahh kingina lang ngayon ko lang napansin ang tangkad pala ni silver, ehh mas matanda naman ako sakanya ehh, di bale. Mas gwapo naman ako sakanya haha.

Huminto naman sa paglalakad si silver at mukhang may hinahanap, malamang ako na ang hinahanap nito kaya tinaas ko ang kamay ko nakita naman ni silver kaya dumiretso na sya dito.

"ayos ahh holding hands while walking ampeg" pangangantsaw ko naman pagdating nila,  nagulat naman si jina kaya agad namang napabitaw sa pagkakahawak ni silver na mukhang diring diri pa hahaha nice one

"eww~ kinaladkad kasi ako ng pilak na yan ehh, uso naman kasing sabihin na lang sasama naman ako kung importante ehh di yung mangangaladkad pa tss" sabi naman ni jina.

"wag mo nga akong tawaging pilak ampangit pakinggan tsaka ayaw mo nun? Kinaladkad ka ng isang napakagwapong lalakeng katulad ko? Oh diba napagkamalan pa nilang boyfriend mo ko pasalamat ka nga di na ako umangal dahil kawawa ka naman kung nagkataon"

sabi naman ni silver sabay kindat hahaha para talagang mga baliw toh.

"yuck!! Naririnig mo ba sinasabi mo??"

"Aba syempre jina, ang mga gwapong lalakeng katulad ko, may mga tenga rin at lahat ng mga sinasabi ko at sinasabi mo at sinasabi ng iba ay naririnig ko"sabi naman ni silver haha lintek na! Naeenjoy ko tuloy na panoorin sila kanina pa ako dito tawa ng tawa ayan tuloy nasita kami

"ok ehem cut it guys, upu na kayo dahil may paguusapan tayo di yung magtatalo pa kayo" umupo naman sila at tumingin sakin.

"As I was saying ang paguusapan natin ay tungkol sa birthday ng ate mo" sabi ko naman sabay tingin kay jina

"aahhh, don't worry ready na kami dyan" sabi naman ni silver.

"good, ano nga pala kakantahin nyo?" Tanong ko naman since wala ako nung nagpractise sila.

"Bestfriend, by jason chen" ahh maganda naman yun kaso pag napapakinggan ko yun nalulungkot lang ako.... tss

"ehh ikaw kuya van ano bang kakantahin mo para kay ate?" Tanong naman ni jina.

"secreeeet~" sabi ko naman at napatawa na lang ng kumunot ang noo ni jina napaka pikunin nya talaga ^0^

Nagriing naman ang bell kaya tumayo na kami at lumabas na ng library.

"sige guys mauna na ako ahh, by the way wag kayong magaaway dyan ahh baka makasalubong nyo pa si frats hahaha" sabi ko at dumiretso na sa classroom.

Pagdating ko nakita ko naman na nandoon na sina matt. Umupo naman  ako sa upuan ko at katabi ko pala si jinri. K. Sml.

"Psst. Miyu palit muna tayo" rinig kong bulong ni jinri kay miyu at di nagtagal ay nagpalitan naman sila so, ang katabi ko na ngayon ay si miyu tapos katabi ni miyu sa left side niya si jinri tapos katabi naman ni jinri si matt sa left side nya sinilip ko naman silang dalawa at naguusap naman sila habang ito naman si miyu ay kumakain lang, tsk ano bayan di man lang namimigay -__-

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon