CHAPTER 36

34 1 0
                                    

Someone's pov

"San ka nanaman ba pupunta?" Tanong ng babaeng nasa likod ko.

"Ano bang pake mo?" sabi ko naman.

Nakaramdam naman ako ng humihila sa buhok ko tss sanay naman na ako eh.

"Bakit ka ba laging ganyan huh?! Di ka ba magtitigil sa mga ginagawa mo?! Di ka naman ganyan ah!! Ano bang nagawa ko para maging ganito ka huh?!!" Mula sa pagsasabunot nya sakin ay todo pa ang pagsasampal nya sakin hanggang sa mapagod na sya nanatili lang akong nakaupo sa sahig habang sya ay nakatayo.

"Bakit ikaw? Hanggang kailan mo ba momolestyahin ang araw ko huh?!! Di ka ba nagsasawang bugbugin ako araw-araw? Kasi ako? Sawang sawa na!! Sawang-sawa na ako sayo! Sawang-sawa na ako sa buhay na toh!!" Pagkatapos kong sabihin yon ay agad akong lumabas ng bahay namin at sumakay sa kotse ko.

Oo mayaman kami pero kahit na mayaman kami, naghihirap pa rin kami. Naghihirap sa mga problemang meron kami. Peste naman kasi eh!! Mas maayos pa buhay namin nung di pa naman kami mayaman eh!! mas maayos nung buhay pa sila! Mas maganda kung buhay pa sila pero, wala na iniwan na nila kami.

Mga hayop sila!! Kasalan nila kung bakit namatay ang tatay ko at kapatid ko.

"Bigyan mo nga ako ng pinaka malakas mong alak dyan" sabi ko agad sa bar tender pagkapasok na pagkapasok ko dito sa bar. Dito naman ako lagi eh. Dito kasi nakakalimutan ko ang mga problema ko pati na din dun sa babaeng yon.

Agad ko naman na tinungga ang binigay sakin nung bar tender. Tss kulang pa toh sakin.

"Isa pa nga" sabi ko at agad naman na sinunod ng bar tender. Sanay na akong uminom ng mga alak. Sa gabi-gabi ko ba namang nandito sa bar na toh. Tss lahat na natikman ko. As in lahat at pag sinabi kong lahat, lahat.

"Hi miss, mukhang nagiisa ka ah" sabi ng isang lalake. I don't know him, maybe bago lang sya dito sa bar. And what did he say? Nagiisa? Hahaha bobo ata toh ehh malamang magisa lang ako may nakikita ba syang di ko nakikita?

"I don't talk to strangers" sabi ko naman at ininom ulit yung alak this time nasa malaking baso na sya buti naman at alam na ng bar tender na toh ang gagawin nya. That's why i like him. He's good, even in bed.

"Oh, joshua by the way" sabi nya at nilahad pa ang kanyang kamay. Ok mabait naman ako kaya tinaggap ko na.

"So di na ako stranger ahh, mind if i join you?" Tumango na lang ako wala naman akong
magagawa ehh mukhang makulit ang isang toh.
Nagorder din sya ng alak na tulad sakin at agad na ininom.

"Pwe!! Tangina!! Ang lakas! Miss kaya mo ba tong inumin? Eh ang lakas oh" agad naman nyang sabi.

"Tss, bakla ka ata eh di mo kaya? Eh ako nga kayang kaya ko" pagyayabang ko sakanya at inubos ko ang nasa baso. Ahh ang sarap.

"Bro, isa pa nga" sabi nya ulit sa bar tender.

"Tss, bakla pala ah" binigyan naman sya ng katulad sakin.

"Ubusin mo yan ahh" sabi ko sakanya.

"Pwede onti-onti lang? Ang dami kasi" request naman nya

"Ikaw bahala, pero bakla ka pag ginawa mo yon" sabi ko ulit

"Bakla? Ampota sabi ng di ako bakla eh" agad naman nyang tinungga ang isang baso ng alak at inubos.

"Wooh!! Pota!! Ang init! Wooh!" sabi naman nya.

Hinawakan ko naman ang kwelyo nya at marahas syang hinalikan.

"What..... the..heck?" Gulat naman nyang sabi

"Well, that's your price." Sabi ko sakanya sabay smile.

Napalip bite naman sya at agad akong hinatak patungo sakanya. This time sya naman ang humalik sakin. Nagresponed naman ako sa mga halik nya. Naramdaman ko naman ang kamay nya sa loob ng damit ko kaya agad naman akong napatigil.

Hinila ko sya at pumunta kami sa room. This room is mine nakareserved na toh sakin. Sabi ko nga lahat na natikman ko even this.

"Ahh, your so sweet" sabi niya and my lips formed a smirk.

By this, nakalimutan ko na yung mga nangyari kanina. Pero, alam kong di ko matatakasan ang mga problema ko.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon