CHAPTER 21

52 1 7
                                    

Liam's pov

"Uy, kanino yan??" Tanong naman sakin ni bea habang nakaturo sa hawak kong necklace.

"Di ko alam ehh, napulot ko lang to sa library" sabi ki naman may pendant syang V at maganda kaya pinulot ko na balak ko nga sana tong idala sa lost and found para makuha na to ng mayari.

"Para kasing familiar sakin yan na necklace eh" napatingin naman ulit ako kay bea

"kanino?"

"Parang kay jinri or parehas lang wait, tatanungin ko na lang mamaya si jinri if nawawala yung necklace nya" sabi naman ni bea

"hi bea!! Hahaha halika bilis, may pupuntahan tayo" biglang sabi nung isang babaeng kararating lang at ayon kinuha na si bea

"sinong jinri? Tsk ano ba yan baka barkada yon ni bea" sabi ko na lang, pumunta na lang ako sa cafetiria para maglunch.

Hindi ko pa nakikita si mark, asan na kaya yon? Nagorder na lang ako ng pagkain at umupo sa bakanteng table, actually may nakaupo doon na babae pero magisa lang sya at wala ng ibang bakante kundi dun na lang, kaya no choice ako kundi ang makishare sakanya

"miss, pwede makishare? Wala na kasing ibang bakante ehh" sabi ko naman sa babae mukhang ka batch ko lang sya dahil, ewan feeling ko lang, bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat pero tumango rin sya kaya umupo na ako at kumain.

"may kamukha ka" pabulong nyang sabi, di ko alam kung ako ba ang kinakausap nya o may kausap syang iba.Nakatuon lang kasi ako sa kinakain ko eh.

"kilala mo ba si mark?" Agad naman akong napatigil sa pagkain at tiningnan sya.

"hmm, yeah, why?" Sabi ko at uminom ng tubig.

"Magkamukha kasi kayo ehh o ako lang?" Sabi naman nya

"kambal ko sya" sabi ko naman

"sige miss, salamat sa pagpaupo sakin dito alis na ako" sabi ko at tumayo na.

"Ahh wala yon haha, btw I'm lily, section C, classmate ko kapatid mo haha, kaya pala mukhang magkamukha kayo kambal pala kayo" sabi naman nya at nilahad pa ang kamay nya tinanggap ko naman ito at ngumiti sakanya.

"liam" sabi ko lang at umalis na.

Kaya pala kilala nya si mark kaklase nya. After lunch brake di ko na nakita sina bea ang sabi daw pinapunta sa principal's office at di ko alam kung bakit kaya eto di ko alam kung anong gagawin ko dito sa necklace na to.

"Class dismiss" sabi ng teacher nami  sa math. Kingina lang uwian na at wala pa rin sina bea, baka bukas ko na lang isauli itong necklace na toh. Pumunta na ako sa parking lot, nagutom kasi ako ehh at ayokong bumili sa cafetiria trip ko kasing pumunta sa 7/11 hahaha pinaharurot ko naman ang rider ko para mabilis akong makapunta sa 7/11 kumuha lang ako ng ramen tsaka gatorade at umupo na.

Bigla namang nagring ang phone ko. Unregistered number kaya kumunot ang noo ko,

"sino naman to?" Tanong ko pero sinagot ko naman.

"hello?" Tanong ko sa kabilang linya

"hello? Ikaw ba nakapulot ng necklace ko? Sabi kasi ni bea ikaw daw ehh" sabi ng sakabilang linya baka sya na si jinri??

"Ahh oo ako nga, kukunin mo na ba ngayon?" Tanong ko naman nasa 7/11 pa naman ako.

"ahm, oo sana ehh" sabi naman nya, malapit lang naman ang school dito kaya pinapunta ko na lang sila dito, ok naman sakanila kaya naghintay na lang ako, di nagtagal may pumasok na isang babae at lalake na nakauniform na katulad sakin kaya siguro sila na tumayo naman ako at linapitan sila.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon