CHAPTER 63

22 1 0
                                    

Miyu's pov

"Lily please! Tama na! Maawa ka naman samin oh!" Sigaw ko sakanya. Hindi ko alam kung pano kami napunta dito basta ang alam ko naglalakad lang kami pauwi tapos pagising ko ito makikita ko? Tae, sana panaginip lang to.

Lumapit naman sakin si lily at sinampal ako. Pishtea ang sakit!

"Wag kang epal miyu! Pati ba naman dito? Taena! Maghintay ka mamaya dahil ikaw naman ang pasasakitan ko! Hahaha" sabi nya sakin at sinampal nanaman ako.

Lumapit naman sya kay bea na tulog pa rin hanggang ngayon. No! Shit! Wag si bea! Pinilit kong makawala dito sa upuan kung saan ako nakatali pero masyadong mahigpit ang pagkakatali nito. Malayo kami sa isa't isa kaya puro na lang kami dito sigawan. Yung para bang pinapalibutan namin si lily.

"Aww, tulog pa rin si bea? Gisingin ko kaya?" Muli naman akong napatingin sa pwesto ni bea. Hinahaplos sya ni lily sa bandang buhok nito at biglang hinila.

"Gumising ka!" Sigaw ni lily pero di pa rin gumigising si bea.

"Bakit mo ba toh samin ginagawa?!" Sigaw ni mich. Napansin ko naman sa kabilang dulo na nanghihina na si jina at si silver. Pati ba naman sila di rin pinalagpas ni lily?

"Hmm, wala lang? Trip ko lang? Hahahaha" pagkasabi nun ni lily ay may lumapit naman sakanyang babae. Teka, sya yung bestfriend ni jina eh.

"J-jenny?" Napatingin naman kami kay jina ng magsalita ito. kahit yung jenny napatingin din sakanya.

"Kasabwat ka din?" Tanong nya. Di na sumagot pa si jenny at lumapit ito dun sa lalakeng kasama ni lily nung nag-meet kami sa coffee shop pagkatapos ay hinalikan.

"P-pati ikaw? Rain?" Muli nyang sabi. Eh? So magkakasabwat silang tatlo? Ay hindi. Apat pala dahil nagpakita din si kean.

"Ano bang gusto nyo at nakipagsabwatan pa kayo kay lily ah!!" Sigaw ko sakanilang tatlo.

"Simple lang. Kasi ikaw ang dahilan kung bakit kami nawalan ng kapatid. Remember jade? She is my sister and raychel? Kapatid sya ni rain! At kung di dahil dyan sa lecheng nangyare noon edi sana walang mangyayareng ganito! You know what? We just need justice. Ok? Naiintindihan mo ba kami? Hustisya! Hustisya samin na di man lang binigay ng pamilya nyo!! Ang sasama nyo! Tangna! Simple lang diba?" Sambit naman nung jenny. So she's also blaming us? The heck!

"Wala naman kaming kasalanan eh! Even my parents!! Di naman nila alam na ganun yung mga nakalaban nila sa business! Kaya wag kang magsalita na parang alam mo lahat dahil hinde!!" Sigaw ko sakanya.

"Eh kung patayin kita? Para matahimik ka?" Sabi nya sakin.

"Jenny?! Naririnig mo ba sinasabi mo? Hindi na kita kilala! Jenny bakit? Akala ko ba bestfriend forever tayo? Bakit ka ganyan? Ginugood time mo lang kami diba? Jenny, ikaw pa rin yung makulit at mabait na si jenny diba?" Lumapit naman yung jenny kay jina at nagulat na lang ako ng bigla nya itong sampalin at sabunutan.

"Tangina mo! Ang tanga mo talaga no? Di mo man lang napansin na sobra na ang pagpaplastik ko sayo! Hahaha! tsaka ano? Bestfriend tayo? Tss. Never kitang tinuring na bestfriend! bitch!" Nilayo na sya nung rain kay jina ng magwawala ito habang si jina naman ay sobra na syang nanghihina. Tae! Wala akong magawa!!

"Alam nyo, tama ng drama ok? Tsaka, wag na kayong umasa pa na may sasagip sainyo dahil walang nakakaalam sa lugar na ito! Kean! Kunin mo na nga yung surpresa natin sakanila" agad naman na sumunod si kean sa utos ni lily.

"Ugh! Hoy lily! Pakawalan mo nga kami dito! Tangna!" Sigaw nung kabarkada ni silver. Di ko nga alam kung pano sila napunta dito eh.

"Jenny, babe! Akala ko ba-"

"Oh c'mon gerick! Ginamit lang kita! Bago pa kita patulan kami na ni rain! Hahaha astig diba??" Pagpuputol ni jenny kay gerick. Bigla naman si gerick nalungkot. Tss, ang landi naman ng jenny na to.

Dumating naman si kean na may dalang malaking baul at agad itong binuksan ni lily. Mula sa loob ng baul ay kinuha ni lily ang isang latigo pagkatapos ay kinuha nya ang isang baldeng tubig sa gilid at lumapit kay bea.

Nagulat naman ako ng buhusan nya ito ng tubig kaya naman  nagising na si bea.

"Oh, diba nagising ka. Haha! Hi bea! Musta panaginip mo?" Tanong sakanya ni lily. Nagsitawanan naman sina jenny kaya napatingin sakanila si lily.

"Oh? Ano pang hinihintay nyo? Rain? Kean? Alam nyo na kung anong gagawin nyo sakanila. Ikaw jenny? Alam kong kating-kati ka ng maghiganti. Hala goo~ basta akin si bea at miyu" sabi ni lily.

Napasigaw naman ako ng pinalo ni rain kay silver yung dala nyang dos por dos sa bandang balikat ni silver. Ganun din si jina habang si silver naman ay namimilipit na sa sobrang sakit. Ganun din si kean sa mga barkada ni silver hanggang sa mawalan ito ng malay.

"AAAH!! AYOKO!! BITAWAN MO NGA AKO!" pagmamatigas ni morj ng bigla syang kunin ni kean at kinaladkad.

"Tama na pleasee! LILY!! ako na lang! Ako na lang ang pahirapan mo... wag lang sila pakiusap" pagmamakaawa ko sakanya. Tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko sa mga nakikita ko at di ko na kayang may mapahamak pa ng dahil lang sakin.

"Miyu..." tawag sakin ni mich na umiiling. Muli naman akong napatingin kay morj na kinakaladkad ni kean hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.

"Please! Lily Ako na lang! Itigil mo na to. Ako na lang! Ako na lang!" Pagmamakaawa ko ulit sakanya.

"No! Di pwede ano ba! Haha" sinimulan nya namang nilatigo si bea sa braso kaya ito napasigaw.

"Hahaha! Yan! Sige sumigaw ka pa bea! Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit di ako magustuhan ni mark? Kasi mangaagaw ka!" Pagkatapos nyang sabihin iyon ay hinampas nanaman nya ang latigo kay bea.

"AAAAAH!!"

"TAMA NAAA!! PLEASE! TAMA NA!" Sigaw ko.

Sa twing paghampas ni lily ng latigo kay bea ay sya ding pagiyak at pagsigaw nito. Ng magsawa na si lily ay tumigil naman sya.

"Pagpapahingahin kita sa ngayon. Pero babalikan kita mamaya. Ok?" Sabi nya kay bea. Nanatili lang nakayuko si bea at sobrang duguan na sya. Awang-awa ako sa kalagayan nya ngayon lalo na't di ko man lang sya napagtanggol.

"At ikaw miyu. Alam kong excited ka na sa gagawin ko sayo" napasigaw naman ako ng bigla nya akong hampasin ng latigo.

"Iiih~ hahaha ang sarap makitang nahihirapan kayo" masaya nyang sabi at hinampas ulit ako ng latigo. Muli naman syang lunapit sa baul at may kinuha. Di ko na nakita kung ano ang kinuha nya dahil sa nagkaroon ako ng sugat malapit sa mata ko.

"Alam mo miyu. Bored na akong kalaro kayo eh. Diba jenny?" Tanong nya kay jenny. Tiningnan ko naman si jenny at agad na nanlaki ang mata ko ng tinutulungan nyang makatakas si jina. Nasa likod sila ni lily at kung di lang siguro lumingon si lily sa banda nila ay nakatakas na sana sila. Napatingin naman ako sa pwesto nila silver. Pero wala na sila. Anong nangyayare? Bakit? Diba galit sila samin? Bakit nila kami tinutulungan?

"Jenny? Traydor ka?!" Nagulat na lang ako ng bigla may pinaputok si lily at natumba si jenny. Binaril nya si jenny? May hawak syang baril?

"Alam nyong ayaw ko sa mga traydor! AAAH!!!" sigaw nya. Napasigaw naman kami ng muling magpaputok si lily.

Ang ibig sabihin ba. Niligtas ni rain at kean sina silver at morj?

"Ikaw" tawag sakin ni lily. Tinutok nya sakin ang baril.

"Any last word before you die?" Tanong nya sakin. Napatingin naman ako kay jina. Umiiyak sya ngayon at tanging nakatuon lang ang pansin kay jenny. Nilipat ko naman ang tingin ko kay mich at bea na umiiyak na din at nakatingin sakin. Muli kong tiningnan si lily. Hindi ko man sya maalala pero alam kong isa syang mabait na tao at ng dahil sakin kaya sya nag kaganyan. I deserve to die.

"Patawarin mo ko lily. Patawad kung nalimot kita." sabi ko sakanya at unti-unting pumikit. Tanggap ko ng ito ang mangyayare sakin. Nakarinig naman ako ng malakas na putok at sigawan.

----Black out----

-------------------------------------------------------------


THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon