CHAPTER 43

18 1 0
                                    

Silver's pov

"Dude! Anyare sayo? Bigla ka na lang nagwalk-out eh" tanong ni gerick kay josh.

"Dude, sya yung babaeng sinasabi ko sainyo" halata naman kay josh ang pagpapanic.

"You mean sya yung-"

"Oo, wala ng iba. Dude anong gagawin ko?" Pagpuputol nya sa sinabi ko. So sya nga yun.

"Edi kausapin mo, magsorry ka ang gago mo kasi eh." Sabi naman ni Bry. Tama nga naman sila, hay nako naman kasi tong si josh.

"Pano kung, kung di nya tanggapin sorry ko tapos ipapapulis nya ako tapos ipapasalvage nya ako dude! Ayoko pa mamatay!" Punyeta naman ang oa nito --__--

"Tangna naman oh! Ang bading mo!" Sabi ni gerick

"Halika na balik na tayo" pagyayaya ko naman.

"Tangina dude ayoko talaga" sabi ni josh.

"Josh naman wag kang pabebe" inis kong sabi.

"Bakla na kung bakla punyeta naman kasi eh!" Sabi ni josh at naglakad paalis.

"Josh!"

"Josh!"

Tsk. Tsk, nyemas naman oh.

(A/n: if naalala nyo chap 36 sya yun si josh. That's why he's acting like that^_^)

Third Person's pov

"Ahmm, miyu pwede lipat na lang tayo ng place?" Request ni lily na mukhang gulat na gulat pa rin sakanyang nakita. Di nya kasi akalaing makikita nya ang lalaking iyon.

"Ahmm ok" kahit na naguguluhan ay sumunod naman si miyu. Inayos nya muna ang mga gamit nya bago tumayo.

Lumabas na sila ng coffee shop at mukhang hindi nila alam kung saan pupunta.

"Aalis na ako, ikaw ng bahala kung ano man ang balak mong gawin" bored na sabi nung rain nawierduhan naman si miyu sa lalakeng yon at sinundan ng tingin hanggang sa sumakay ito ng trycicle.

"Halika, may malapit pa ditong coffee shop mas masarap pa ang tinda nilang mga kape" sabi naman ni lily. Kumunot naman ang noo ni miyu dahil sa pagkakaalam nya ay ito lang ang coffee shop dito na malapit sa school nila.

"Talaga? Meron pa?" Tanong nya

"A-huh halika na" lumapit ito kay miyu at sinabit ang kanyang kamay sa braso ni miyu.

Nagulat naman si miyu sa ginawa nito at tiningnan sya.

"Let's go?" Tanong nito habang nakangiti. Napangiti naman si miyu dahil mukhang mabait naman si lily para sakanya.

"Ahh lily, kanina pa tayo naglalakad pero parang wala naman yung coffe shop na sinasabi mo eh" sabi ni miyu,medyo kinakabahan na din sya dahil sobrang layo na rin ng nalakad nila at konti lang mga taong nakikita nyang naglalakad sa dinadaanan nila.

"Malapit na yon" sabi ni lily at patuloy lang sa paglalakad.

"Mukhang naliligaw na ata tayo" sabi ulit ni miyu. Panay ang tingin nya sa paligid at di sakanya pamilyar ang lugar. Halos wala na rin tao sa nilalakaran nila. Yung kanina na kahit papaano ay may nakikita pa sya kahit aso ngayon ay wala na ni isa.

"Balik na kaya tayo?" Sabi ulit ni miyu.

"Nandito na tayo" sabi naman ni lily.

Tumigil sila sa isang park. Park na parang di mo na maituturing na park. Matataas na ang damo at mukhang wala na dito pumupunta. Puno na rin ng kalawang ang mga swings at sobrang dumi na din ng mga slides. Pumasok si lily sa sa mga rehas na nakapaligid sa park.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon