CHAPTER 49

46 1 2
                                    

Mich's pov

"Anong sabi ng mom nya?" Tanong ko. Third day na ng intramurals namin at ngayong day dapat kami maglalakwatsa kaso wala si sum.

"Sabi eh, masakit daw yung ulo" sabi ni jinri. Tinawagan nya kasi si sum pero mom nya yung sumagot.

"Tayo na lang" pagyaya ni van.

"Wag na lang, nawalan ako ng gana" sabi ni jinri at umupo sa bench.

Ganun din ako. Di kami kumpleto eh. Ang tagal nga ni justin at morj.

"Look who's here. Ang kabit ng magaling mong boyfriend" sabi ng babaeng nasa harap namin sa kaibigan nya. Sino bang tinutukoy nito? At mukhang outsiders.

"Ahh, ikaw pala yun" sabi naman ng isa at tinuro ako.

0_0

Ako?

Panong ako?

"Excuse me? Nagkakamali ka ata" sabi ni jinri na pumagitna na samin.

"Ako ang girlfriend ni justin hindi ikaw! Tandaan mo yan! Ako ang girlfriend nya!!" Hanu daw? Is she serious?

"Alam mo miss, di namin mabibili yang biro mo eh. Kung ayaw mo ng gulo pwede ka ng umalis" singit naman ni van. Tinulak naman sya nung babae at lumapit sakin.

"Pag hindi ka lumayo sakanya mawawala ang mga kaibigan mo pati na din sya." bulong nya sakin at lumanas na ng gate.

"Anong sinabi nya?" Tanong ni jinri.

"Ang sabi nya lumayo daw ako kay justin kung hindi mawawala kayo" sabi ko. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa sinabi nya. Mukha kasing seryoso sya.

"Tss. Wag kang maniwala dun. Naghahanap lang yon ng matripan. Si justin? Girlfriend yon? Eh di hamak na mas maganda ka pa nga kesa dun eh" sabi ni van. Napatawa naman kami. Pero, di kasi mawala sa isip ko yung sinabi ng babae. May tiwala naman ako kay justin eh.

"Hey, don't worry tama naman si van eh. Naghahanap lang yun ng matripan. Eh naalala ko nga nung 1st year kami para syang takot sa mga babae
Everytime na may lalapit sakanyang babae ni tingin di nya tinapunan haha naisip ko nga nun bakla sya eh haha " sabi ni jinri. And again, napatawa nanaman ako. Ganun pala sya?

"Ang mabuti pa kain na lang tayo. 9 am palang naman eh. Libre ko." Tutal libre naman ni van kaya nilubos ko na. Minsan lang toh manlibre eh.

Bumili lang kami sa mga nakatayo ditong bilihan. Ganito ata dito pagintrams may mga nagtatayong stall tapos magtitinda ng mga pagkain. Pagkatapos namin bumili ay bumalik agad kami sa dati naming pwesto.

"Hi guys!" Bati samin nina miyu. Dumating na rin sila sa wakas! Kala ko maghihintay pa kami dito eh.

"Let's go! Alis na tayoo~" excited na sabi ni mark. Halos sabay-sabay lang sila nagsidatingan.

"Hi mich" bati sakin ni justin at hinawakan ang kamay ko. Binigyan ko naman sya ng matamis kong ngiti ^_^

"Di na tayo matutuloy, wala si sum eh" sabi ni jinri.

"What? Bakit?" Tanong ni miyu.

"Masakit ulo" ako na lang ang nagsabi dahil parehong puno ang bibig ni van at jinri. Daig pa di pinakain ng isang taon --__--.

"Ay, sayang naman" sabi ni morj at nakikain na din.

"Alam nyo, ang mabuti pa manood na lang tayo ng movie! Sa auditorium merong palabas" sabi ni Bea na mukhang excited.

THIS FRIENDSHIP CAN LEAD TO SOMETHING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon